AFTER LUNCH.. Payapa pa ring nahihimbing Amara sa mahabang sofa, hindi na siya pinaalis ni Paul tutal ay parehas naman silang nagihintay ng resulta para sa laboratory niya. Ala una ‘y media ng kumatok ang nurse sa pintuan ng opisina ni Paul. Kaagad na pinapasok ni Paul ang babae at nag-antay sa sasabihin nito. “Uhm. Sir. Hindi po ba natin gigisingin si Ms. Johnson? I think she needs to hear what I am going to say,” anang nurse habang nakatingin sa natutulog na dalaga. “Oh, please. ‘Wag na muna natin siyang gisingin, she needs rest. I am her superior at kailangan ko rin naman malaman ang sitwasyon niya. Don’t worry, I will tell her everything.” Pero parang alangan pa rin ang babae. “Come on, nurse Jenia. Hindi mo ba ‘ko pinagkakatiwalaan?” “Hindi naman sa gano’n, Sir. It’s just that,