Pakiramdam ni Amara ay sandaling huminto ang oras. Mas madali niyang matatanggap kung tatakbuhan o hindi siya pananagutan ni Luciano. Kailanman ay hindi sumagi sa isip niya na tanggalin ang bata sa kanyang sinapupunan. “L-luke, anong-” Wala na si Luciano sa harap niya pero hindi niya pa rin magawang pakalmahin ang kanyang sarili. Hindi siya makahuma dahil hindi niya inasahan na iyon ang maririnig niya mula sa lalaking mahal. Nanghihina siya, wala sa sariling napahawak siya sa kanyang dibdib ng maramdaman ang matinding pagkirot mula doon. Nahirapan siya huminga, mariin siyang napapikit at pilit na inaalo ang kanyang sarili. Kumalma ka, Amara. Alam mong bawal sayo ang matinding pag-iyak at stress. Kumalma ka kung ayaw mong dito ka pa mawalan ng malay! “Miss, ayos ka lang ba?” Tinig iyon