“So, ikaw pala si Luciano. Ang laging bukambibig nitong unica hija ko.” Nahihiya siyang napayuko ng ulo at alanganing napangiti sa matandang kaharap. Nanliliit din siya dahil simpleng pantalon at polo shirt lang ang suot niya. Pormado kasi ito, naka-tuxedong gray at makikita mo sa hitsura na hindi ito basta-bastang tao. Sana pala ay sinunod niya ang payo ni Summer sa kanya na mag-formal attire siya. Hindi niya rin mapigilang mapalunok ng igala niya ang paningin sa paligid at mapagtantong maraming animo'y body guard ang naroon, nakapuwesto sila sa bawat sulok ng eleganteng restaurant na iyon kahit pa sila lang naman ang costumer. Parang gusto niya tuloy pagsisihan ang pagpayag na sumama sa thanksgiving party raw ni Summer. Sabagay, sino ba naman ang tatanggi kung papangakuan ka ng isang m