“Oy, ‘san ka pupunta? Gabi na ah?!” Rinig niyang tawag ni Ruby sa kanya pero hindi niya inintindi ang pagtawag nito. Sa halip ay mas binilisan niya pa ang paglalakad sa takot na sundan pa siya nito. May malapit namang drugstore sa apartment niya kaya hindi niya na kailangan sumakay pa. Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa hindi niya na marinig ang tinig ni Ruby. Nang masigurong hindi na siya tanaw ng pinsan ay saka pa lamang siya nakapaglakad nang mahinahon. Hinihingal man ay hindi niya iyon alintana, masyadong sabaw ang utak niya at hindi niya alam kung ano pa ang maaaring mangyari sa susunod na sandali.. Kaagad siyang namili ng limang pirasong pregnancy test. Tama, lima para sigurado. Habang papauwi ay doon niya lang naisip kung bakit iba ang pakiramdam niya ng mga nagdaang araw. K