CHAPTER-1

1861 Words
JACKY AFTER MORE THAN TWO YEARS “Bakit po ba tayo narito Mama?” ang pagtataka at medyo naaalarama kong tanong. Hindi niya ako sinagot. Basta tinutulak tulak lang niya ako kaya napapalakad ako. Pumasok kami sa isang ‘di kalakihang gusali. Sumakay ng elevator. 10th floor. Bumukas ang elevator. May nakasalubong kaming grupo ng mga babae. May kaba nang bumubundol sa dibdib ko. Unti unti akong nakakaramdam ng kaba. “Ang yaman at ang laki sana ng offer nung isang negosyante pero sayang mas bata ang gusto niya,” ang dinig ko pang sabi ng isa sa kanila. “Kapag ang intsik na yun, sariwa at virgin talaga ang gusto niya,” sagot ng isa na nginisihan ng Mama ko. Napatingin din sila sa amin, kimi akong napayuko. Napaismid pa siya sa akin habang nakanguya ng bubblegum. “Mga ganyan ang gusto nun, mga mukhang Nene,” ang ngusong aniya na sa akin nakatingin. Napatawa ng mahina si Mama sa turan niya. Kaya napatingin din sa amin ang mga kasamahan niya. “Mga itsurang pangmunurahin,” ang mahinang sambit ng aking ina. Sumama ang tingin sa amin ng mga babae kaya alam kong narinig nila ang sabi ni Mama. Nang pasakay na sila sa elevator ay palihim kong sinulyapan ang kanilang mga gayak at itsura. Lumakas ang hinala ko na may mali sa lugar na ito. Bigla ay napuno ako ng takot at pagkabahala. “Uuwi na po ako, Mama. Masama po ang pakiramdam ni Ricky at wala po siyang kasama sa apartment-“ Pinandilatan niya ako ng mga mata, hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at hinila saglit sa isang gilid. “B-bakit po ba tayo n-nandito, a-ayaw ko po rito..” “Puwede ba Jacky, manahimik ka nga muna at huwag ka nang tanong nang tanong or kahit na magsalita?” Humigpit ang pagkakapit niya sa braso ko. “Dalaga ka na, pinangako mo sa akin noon na babawi ka at susundin lahat ng gusto ko basta isama ko lamang kayo ni Ricky. Well, hindi ba’t ito na ang oras na iyon para makabawi ka sa akin—“ “Maghahanap po ako ng maganda-gandang trabaho bukas-“ “Naiinip na ako!” Pabigla niyang sabi. “Kaya huwag mo na akong artihan! Basta pagdating natin sa loob, ngumiti ka. I-relax mo yang mukha mo at ngumiti ka ng pagkatamis-tamis sa mga madadatnan mo roon, maliwanag ba?” ang matigas niyang bilin sa akin. “Umayos ka, lagot ka sa akin kapag hindi ka man lang ngumiti dun,” ang may pagbabanta niyang sabi. Bahagya na lamang akong napayuko. Takot akong masaktan niyang muli. Yung huli niyang pananakit sa akin ay nadala ako sa ospital at mula noon naging mas maingat ako sa mga sinasabi ko at mas naging sunod sunuran sa kaniya. Inayos niya ang suot niyang dress na hakab na hakab sa kaniyang katawan. Maikli ang dress na iyon kumpara sa pangkaraniwan. Mataas din ang takong ng suot niyang pulang sapatos. Isang simpleng bestida naman ang suot ko. Mabilis siyang dumukot sa shoulder bag niyang dala, may nilabas siyang spray bottle at nag spray sa leeg niya. “Halika na,” ang aniyang hila sa akin. Huminto kami sa harapan ng isang pintuan, mariin pa niya akong binalaan bago siya kumatok doon ng tatlong beses. Bumukas ang pintuan, bumungad ang isang may edad nang lalake sa harapan namin. Kung titingnan ay mukha itong disente dahil sa suot niyang mamahalin na business suit. Sa gayak ay makikita mo nang mayaman ang lalake. “Oh, Julia you’re here, akala ko hindi ka na darating, my Dear,” ang masayang boses ng isang may edad ng lalake. Malawak at matamis ang mga ngiti ni Mama sa kaniya. Pati ang mga mata niya ay nangingislap na para bang nang-aakit. Niyakap siya ng lalake at bineso-beso, dikit na dikit ang katawan nila. “Hindi puweding hindi ako darating, pinatawag mo ako, nakakapanghinayang naman kung mapapalampas ko ang pagkakataon na muli tayong magkita at magkasama,” pinalamyos ni Mama ang kaniyang tinig, pati ang tingin niya sa lalake ay tila nakakapaso. Pakiramdam ko nang mga sandaling iyon, parang tumayo lahat ng bahalibo ko, parang hinahalukay ang sikmura ko. Ibang iba siya makipag-usap sa ibang tao, kumpara kung paano niya kami kausapin at tratuhin ni Ricky. “Oh, by the way, my daughter is here with me, I hope it will not bother you or anyone,” matamis niyang sabi sa kausap kaya sa akin napatingin yung lalake. Nakita kong pinasadahan niya agad ako ng tingin. Mangha siyang napatango-tango. “Interesting, mukhang maraming ngang maba-bothered at mag-uunahan, Julia.” Ang ngisi niya. Malandi ang naging dating sa pandinig ko ang halakhak ni Mama. “That’s what I meant, dear,” ang aniya. Nailang ako sa paraan ng pagtingin ng lalake sa akin at para bang nang sandaling iyon ay gusto ko na talagang kumaripas ng takbo. “Ilang taon ka na, hija?” hindi ako nakasagot. Abala na ang utak ko sa pag-iisip kung paano ako makakaalis sa lugar na iyon. Muli akong hinawakan ni Mama sa braso. “Oh, I’m so sorry Mr. Antonio, medyo mahiyain talaga ang anak ko.” Hindi mawala-wala ang nakakaakit na ngiti ni Mama sa kaniya. “But she’s 15,” napaawang ang mga labi ko. No, bakit siya nagsisinungaling? I am 18. Kaka-18 ko pa lamang noong isang buwan. Napa-O ang labi ni Mr, Antonio. “Perfect, napaka- inosente ng kaniyang mukha, nariyan si Mr. Ching. Siguradong magprepresyo ng malaki yun,” ang aniya na sa akin pa rin nakatingin. Nagmamakaawa ang tingin ko kay Mama, pero isang nakakatakot na tingin ang pasimple niyang pinupukol sa akin. Labing walong taong gulang na ako pero marami ang nagsasabing mukha akong Nene’ng tingnan kumpara sa aking tunay na edad. Though, napahinto ako ng pag-aaral mula nang lumipat kaming muli ng tirahan kaya na stucked na ako sa third year high school. Gusto ko man magpatuloy ng pag-aaral ay hindi ko magawa dahil kulang na kulang ang binibigay na pera ni Mama sa amin ni Ricky. Madalas ay hindi ito umuuwi ng ilang buwan kaya ako ang humahanap ng paraan para maitawid namin ng kapatid ko ang mga gastusin namin. At kapag umuwi naman ito ay mag-aabot lamang ng ilang libo at yun ang pagkakasyahin namin ng kapatid ko sa kung ilang buwan na naman siyang mawawala. Nasanay na ako sa ganun. Kaya nga pinasya kong huminto na muna at hinayaan kong si Ricky muna ang makapagpatuloy sa pag-aaral. “Say hi, to Mister Antonio, dear,” ang nakangiti ngunit tila may babala niyang sabi sa akin. Para akong nahimas, bigla akong natuliro. Alanganin ko siyang tingnan, tumikhim ng mahina si Mama, napatingin ako sa kaniya, pasimple niya akong pinandilatan. Kaya nang muli kong tingnan ang lalake ay pinilit kong ngumiti. “M-Magandang gabi po,” mahina kong sabi. “Oh, ngayon lang ako na-po ng isang napakagandang dalaga, mukha na ba talaga akong matanda Julia—“ “Of course not, alam mong ako ang isa sa makakapagpatunay kung gaano kapa kabata pagdating sa alam mo na,” kinindatan siya ni Mama. Napaiwas ako ng tingin nang kabigin siya ng lalake at halikan. “Maalindog ka pa rin Julia, matagal tagal na rin nang huli kitang matikman-“ “Ikaw naman kasi, naging abala ka sa ibang babae,” “How about tonight?” parang gusto kong takpan ang tainga ko sa palitan nila ng usap. “Gusto ko yan, pero depende pa rin kung kaya mong higitan ang presyo sa akin ni Mr. Dwen,” ang walang pasubaling ani Mama kahit pa nga alam nilang narito lamang ako at nakikinig sa kanila. “Then, you’re mine tonight, Julia,” ang anang lalake na mariing dinakma ang magbilang pisngi ng puwet ni Mama at gigil na pinisil ang mga ito. Nakita ng lalake na nakatingin ako dun, ngumisi siya sa akin at pinakita kung paano niya lamasin ang puwet ni Mama at saka tampalin. Nagyuko ako, at parang gusto kong maiyak. Aware naman ako sa trabaho ni Mama, alam ko na kung ano ang uri ng trabaho niya pero hindi ko pa rin kayang makita kung paano siya gumalaw ng malaswa sa harapan ng lalake at kung paano siya tratohin ng mga ito. “Anyways naghihintay na sila sa loob, I’m sure, maraming magkaka-interest sa dala mo,” ang makahulugan niyang sabi habang nakangising nakatingin sa akin. Pero nang sandaling iyon, naghahanap na ako ng paraan kung paano ako makakaalis sa lugar na iyon. Kung paano ko sila matatakasan, ayaw kong matulad kay Mama. Kahit pa nga bugbugin niya ako pagdating niya sa tinitirahan namin ay wala na akong pakialam. Ayaw kong maging laruan at parausan ng mga matatandang iyon. At ang isiping kaya niya akong dalhin sa ganitong klasing lugar na alam niyang ikakapahamak ko ay nakaramdam ako ng galit para sa kaniya. At mas nadagdagan pa ng husto ang galit ko nang mapagtantong gusto rin niya akong ibinta sa mga matatandang lalake. Ang galit na nararamdaman ko ay unti-unting naiipon sa dibdib ko at alam kong darating ang araw ay hindi ko na mapipigilan pa at parang bulkan iyon na sasabog. Makahanap lamang talaga ako ng magandang trabaho, ay iiwanan namin siya ng kapatid ko. Tutal naman ay parang nabubuhay kami ng wala talagang magulang. Hindi anak ang turing niya sa amin. Paano naaatim ng isang ina na ipahamak ang sarili niyang anak? Parents should protect their children, pero sa kaso namin ng kapatid kong si Ricky malabo na talaga kaming makakatikim ng pagmamahal galing sa isang magulang. Mahigpit niya akong hinawakan sa aking pala pulsuhan. Pagpasok namin sa loob, naroon ang anim na may edad nang lalake at pawang mga naka-suit. Agad napabaling sa amin ang kanilang tingin partikular na sa akin. Tumayo ang isang matandang singkit. “I-I want her, I want her!” Ang agad niyang malakas na sabi sabay turo sa akin. Naalarma ako. Mas tumitindi ang takot ko. Pasimple akong hinila ni Mama at binulungan, madiin pa rin ang pagkakahawak niya sa akin at walang balak yatang pakawalan ako. Para pa ngang sinisiguro niya na hindi ako makakatakbo. “Nagustuhan ka na ni Ching, milyon kung mag presyo yan, kaya umayos ka, Jacky!” Ang pandidilat ng mga mata niya sa akin. “It depends Mr. Ching, if we agree on the price, you can get her right away,” ang tila siguradong ani Mr. Antonio. “D-Dont worry, no matter how much, I will pay,” ang anang matanda habang tila naglalaway na itong nakatingin sa akin. Sa takbo ng pag-uusap nila, parang hindi na ako makahinga sa nerbyos. Anong gagawin ko? Papaano ko matatakasan ang sitwasyong kinakasadlakan ko? Ayaw kong matulad sa kaniya. Hindi ko mapigilan at naiiyak akong kumakawala sa pagkakahawak ni Mama pero sa higpit ng hawak niya, malabo akong makawala. “Five milyon? She’s 15. Virgin, and unexperienced,” ang ani Mr. Antonio. “That’s what I want!” tila takam na takam nang turan ng intsik. Mas tumindi pa ang takot ko nang pumirma ng tseke ang matandang intsik. Inabot iyon kay Mr. Antonio. Nakangising inabot naman ni Mr. Antonio ang tseke kay Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD