bc

Jian: The Book Bearer [BxB]

book_age16+
604
FOLLOW
2.4K
READ
others
comedy
humorous
witty
supernatural
special ability
school
slice of life
weak to strong
gay
like
intro-logo
Blurb

|| Bearer Series Book 1 ||

Isang mahiwagang Libro na naglalaman ng mga napakalakas na kapangyarihan at ang kulungan ng isang makapangyarihang nilalang ang bumago sa simple at tahimik na normal na buhay ni Jian Louis Madrigal. Isang nagngangalang Andress ang nagpakilala sa kanya at nagbigay ng kapahayagan sa responsibilidad na nakaatang sa ating Bida. Sa kauna-unahang pagkakataon, isang purong mortal ang 'itinakda' at 'pinili' ng Libro. Kayanin kaya ni Jian Louis Madrigal ang mabigat na tungkulin at responsibilidad bilang bagong 'Tagahawak'? o tatalikuran nya ito at hahayaan na lamang ang mundo na bumagsak sa kamay ng makapangyarihang nilalang na nakakulong sa Libro?

Tadhana. Responsibilidad. Misyon.

Kailangang pumili ng desisyon bago dumating ang itinakdang panahon.

"Ako si Andress, isang Andekas at Anak ni Merlin- ang nakaraang itinakda at nakaraang Tagahawak ng Libro at ikaw Jian Louis Madrigal, ang bagong itinakda at pinili ng Libro na susunod sa akin. Ikaw ang bago nitong Tagahawak."

*****

This story is an Epic Fantasy Novel and a LGBT themed one. Boy-to-boy po. Maraming Thankies.

Smiling_Ace | JhayemmJVR

chap-preview
Free preview
JTBB: Prologue
Malakas ang ulan. Madilim ang kalangitan. Dinig ang nag-ngingit-ngit na kulog at kidlat. Ang bagwis ng hangin na walang pinapalampas pero lahat ng ito ay balewala lamang sa isang nilalang makaligtas lamang. Bitbit ang pinakamahalagang bagay sa kanyang kamay ay tinakbo n'ya ang masukal at madilim na kagubatan sa pagnanais na mailigaw ang mga humahabol sa kanya at sa mga nagnanais ng hawak n'ya bagay na pinipigilan naman n'ya. Magkahalong kaba at takot ang naramdaman niya nang makita ang nasa harapan niya– isang malalim na bangin. Sinubukan niyang humanap ng ibang daan ngunit huli na para maka-kilos, bago pa siya maka-alis sa kinatatayuan sa dulo ng bangin, magkasunod na sibat na gawa sa itim na buto ang bumagsak sa kanyang harapan. "Wala ka ng matatakbuhan pa! Ibigay mo na sa amin ang hawak mo!" Hingal na hinarap niya ang mga humahabol sa kanya. Dahil sa kidlat, kita niya sa mata ng mga ito ang nag-aalab na kasakiman para sa nais. "Hindi n'yo ito makukuha. Hindi ko papayagang makuha n'yo ito!" Puno ng katigasan n'yang balik sa mga humahabol sa kanya. Sa kanyang isip ay hinding-hindi n'ya mapapayagang mangyari ang nais nila. Malakas na halakhakan na sinundan pa ng malakas na kulog at mabilis na pagliwanag ng kapaligiran dahil sa kidlat ang narinig n'ya. "Hindi naman namin hinihingi ang pagpayag mo, kukunin namin 'yan sa ayaw o sa gusto mo!" Muli na namang nagliwanag ang kalangitan na sinundan naman ng malakas na dagundong ng kulog. "Enthon, ano bang ginagawa mo?! Itigil mo na ang mga ito, walang patutunguhan ang nais mo!" puno ng kalakasan n'yang sambit dahil nga sa malakas na buhos ng ulan na sinabayan pa ng malalakas na ihip ng hangin. Pare-pareho na silang basa at nilalamig dahil sa ulan at hangin "Walang patutunguhan? Sigurado ka!? Ha! Baka ang pag-takas mo ang walang patutunguhan. Kung ako sa iyo umanib ka na lamang sa amin. Sinisigurado ko na magiging malakas at mataas kang ka-alyansa namin." Sandaling s'yang natigilan sa sinabi ng lalake. "Tignan mo! Pakatitigan mo!" Ipinakita nito ang pinaghalong itim at pulang enerhiya na umiikot sa kanyang katawan, sinabayan naman ito ng apat pang kalalakihan na nagpalabas ng purong itim na enerhiya sa kanilang katawan. "Nakikita mo ba, Andress? Ito ang tunay na kapangyarihan! Hindi mo ba nararamdaman? Mapapasakamay mo ang ganitong kalakas na kapangyarihan kung aanib ka sa amin." Nakangisi siya sa kanyang kausap na tinawag niya sa pangalang Andress. Sa kabilang banda, ramdam nga ni Andress ang nag-uumapaw na kapangyarihan mula sa limang kalalakihang kaharap. Kapangyarihang puno ng negatibong enerhiya, pero hindi niya pinansin ang pang-aakit ng mga ito sa kanya. "Kahit buhay ko ang kapalit wag lang mawaglit. Itim na mahika iyong iwaksi–" Nakaramdam ng kakaibang enerhiya ang limang kalalakihan matapos umpisahan ni Andress ang kanyang orasyon. Isang puting sirkulo ang gumuhit sa kinatatayuan ni Andress, habang bumibigkas ito ay s'yang pagliliwanag naman ng kaniyang katawan ng malakas na enerhiya at puting liwanag. "HINDI! PIGILAN SIYA!" Dumagundong muli ang malakas na kulog na sumunod sa matalim na kidlat. Isa-isang kumilos ang apat na kalalakihan alinsunod sa utos ni Enthon. Itinutok nila ang kanilang mga kamay kay Andress na nakapikit at patuloy na umuusal ng orasyon. "Huli na!" Tinitigan silang isa-isa ni Andress. Ang mata n'ya ay puno ng kagalakan at makikita rin ito sa kanyang naka-kurbang labi. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ni Enthon sa naka-yuko at nakangiting si Andress. Napansin ni Enthon ang kakaibang pwersang lumalabas sa kanang kamay ni Andress kung nasaan ang pakay nila. "Ang libro!" Ang puting liwanag na nakabalot sa librong tangan ng binata ay naglaho, ilang sandali lamang ay isang hindi pamilyar na enerhiya ang inilabas nito at nagbago ng kulay ng liwanag. Ang kaninang puti ay naging kulay ginto. "Huli na para sa inyo. Hindi na ako ang may hawak ng libro. Nahanap n'ya ang susunod na hahawak sa kanya," wika ni Andress. Kita sa mukha ni Enthon ang sobrang inis at panggigigil nang unti-unting nagiging usok ang makapal at may kalumaang librong tangan ni Andress. Itinaas ni Andress ang kanang kamay kung saan nandoon ang nagliliwanag na libro. "HINDI! HINDI MAAARI! ITIGIL MO IYAN!" Pinag-halong itim at pulang bola ng enerhiya na kasing laki ng kanyang ulo ang direktang tumama sa dibdib ni Andress na s'yang ikina-daing naman ng huli. "Ahh! Ka-kahit... kahit na anong g-gawin mo... h-hinding hindi magwawagi ang kasamaan sa ka-kabutihan." Dinig sa tono ng pananalita nang nakaluhod na si Andress ang sakit na iniinda sa pag-atakeng ginawa ni Enthon. Hindi pinansin ni Enthon ang sinabi ng nauna bagkos ay pinagtulungan nila itong patamaan ng itim na bola ng enerhiya na kanilang ginagawa. "AHH!" Sinabayan ng kalangitan ang malakas na pagdaing ni Andress. Mas lumakas ang buhos ng ulan, mas dumalas ang pag kidlat at pag kulog gano'n din ang 'di pangkaraniwang bagwis ng hangin. Tiningala at iginala nila Enthon ang paningin sa paligid. Dinig nila ang pagdaing ni Andress pero ang atensyon nila ay nasa nagwawalang kalangitan. "Pinunong Enthon... a-anong nangyayari?" Hindi nilingon ng binatang pinuno ang isa sa kasamang nagtanong bagkus ay sinagot niya na lamang ito. "Wala akong ideya.Si Andress–" Natigilan ang binata ng makita ang malakas na kidlat na tatama sa kanilang kinaroroonan. "Ilag!" Sinunod naman ito ng mga kasama niyang nagsipagtalunan. Sandali pa silang nanatiling nakadapa hanggang sa humupa ang liwanag. Inangat ni Enthon ang tingin sa direksyon ng pinagbagsakan ng kidlat; sa pwesto ni Andress. "ANDRESS!!" puno ng galit at nag-uumapaw ang pwersa sa kanyang pagsigaw matapos makita ang malaking bitak sa lupa at maliliit na apoy pero wala na ang bagay na nais kundi tanging ang katawan ni Andress na wala ng buhay na lamang ang nandoon at wala na ang libro. Hindi pa roon natatapos ang lahat, ang walang buhay na katawan ni Andress ay bigla na lang nagliwanag at parang puno na hitik sa dahong unti-unting naglalagas. Ang parte ng kanyang katawan unti-unting nawawala at tanging maliliit na bilog na liwanag na pumaitaas na lamang ang nakita. "Argh! Mahahanap kita! Hahanapin kita at kung sinoman ang sinasabi mong bagong hahawak ng libro... humanda siya dahil hahanapin ko s'ya at daranasin niya rin ang iyong sinapit! Isinusumpa ko, Andress!" ••••• Malakas na ang bugso ng hangin at panay-panay na rin ang pag-kulog at pag-kidlat hudyat na malapit na pagbuhos ng ulan. Sa 'di kalayuan may isa ang patuloy na naglalakad sa loob ng madilim at masukal na kagubatan bitbit ang manipis na patpat na kanyang ginagamit bilang pang-suporta sa kanyang paglalakad. Madumi na ang suot niyang puting damit at puro na rin ito punit. Ang kaliwang paa naman n'ya ay may nakalasong tela pangtakip sa sariwang sugat na nakuha sa pagkakahulog kanina lamang. Kasabay ng malakas na ihip ng hangin at malakas na kulog ay ang pagnanais naman n'yang makalabas na ng gubat. Ang masaganang luha namang kanina pa tumutulo sa kanyang magkabilang marungis na pisngi ay malayang tinatangay ng malakas na hangin. Sa tuwing kukulog at kikidlat ay napapapikit s'ya, umaasang pagdilat niya ay nasa labas na s'ya ng madilim at masukal na kagubatan. "Tulong! T-tulungan n'yo po ako! Kung... kung may nakakarinig man, please... please tulungan n'yo po ako!" Maka-ilang ulit na itong lumabas sa kanyang bibig pero katulad ng mga nauna ay tangin langitngit lamang ng mga puno na dulot ng hangin ang sumasagot sa kanya. Katahimikan. Nagpatuloy sa paika-ikang paglalakad ang labing-isang taong gulang na bata para makahanap ng matutuluyan... yun ay kung meron man sa loob ng gubat kung nasaan siya. Maya-maya lang ay nakaramdam siya ng malamig na sensasyon sa kanyang kaliwang kamay, tinignan niya ito ng may pagtataka, tanging kalat na tubig na dulot ng patak ang nakita niya. Tiningala niya ang madilim na kalangitan at doon niya nakitang unti-unti nang bumabagsak ang ulan na mas ikinabahala n'ya. Ang maligaw sa madilim at masukal na gubat at magtamo ng sugat ay kaya n'ya pang tiisin pero ang pagbuhos ng ulan ay labis-labis na para sa kanyang pinagdadaanan. Dahil sa pagmamadali na makalabas sa gubat ay hindi n'ya napansin ang nakausling ugat sa kanyang daanan na tumisod sa kanyang may sugat na binti. "Ahhh!!" Puno ng sakit ang pagdaing n'ya nang bumagsak s'ya sa maputik na lupa. Ang paunti-unting patak ay tuluyan na ngang naging ulan. Kasabay ng buhos ng ulan ay ang mga luha nyang hindi na mahagilap dahil sa pinaghalong tubig ulan na nasa kanyang mukha. Tila nawawalan na ng pag-asa, ini-yuko n'ya ang kanyang ulo ngunit marahas itong napabaling sa kaluskos na kanyang narinig. "Si-sino 'yan!? May– may tao po ba riyan? Tulungan niyo po ko!" Bawat salita n'ya ay puno ng kalakasan, pinilit n'yang tinatatagan ang kanyang loob para masabi ang mga salitang iyon. Nanginginig ang ibabang labi sa lamig at paghikbi. Ang mahinang kaluskos ay tuluyang lumakas, palakas na nang palakas at papunta iyon sa kanyang direksyon. Tinignan niya ang direksyon na pinanggagalingan ng kaluskos na iyon ngunit gano'n na lamang ang gulat niya nang nakita kung ano 'yon. Dahil sa gulat at takot ay pinilit n'yang bumangon sa maputik na lupang kinadadapaan. Itinukod n'ya ang kanyang mga kamay para suportahan ang kanyang pagtayo. Ang atensyon niya ay nasa direksyon pa rin ng madilim na sulok ng gubat na ngayon ay may isang pares na ng nanlilisik na mga mata na nakatitig sa kanya. "Tulong! Tulungan n'yo 'ko!" Puno ng pagnanais na makalayo sa mabangis na hayop na dahan-dahan ng lumalabas sa madilim na sulok. Sa isip niya ay paanong nagkaroon ng mabangis na hayop sa gubat na iyon gayong ang gubat na ito ay puntahan ng mga katulad niyang estudyante na nag-ca-camping, maliban na lamang kung... nasa malayong gawi na s'ya. "'Wag! 'Wag kang lalapit! Please, 'wag kang lalapit!" Puno ng pagmamakaawa n'yang tinignan ang mabangis na hayop na nasa harapan niya na akala mo ay naiintindihan s'ya. Dahil sa pag-atras ay muli s'yang natumba nang 'di nakita ang isa pang nakausling ugat. Nilingon niya ang direksyon ng kinatatakutan na tumatakbo na ngayon sa kanyang direksyon. Iniharang n'ya ang kaliwa n'yang braso sa kanyang mukha, naghahanda sa pag-atake ng gutom na hayop. Akala niya ay 'yon na ang katapusan n'ya; ang paghihirap na pinagdaanan n'ya na inakala niyang kamalasan lang ngunit isang mapusyaw na liwanag ang lumabas sa kanyang harapan. Dahil sa liwanag ay hindi n'ya nagawa pang lingunin ang hayop na nadinig na lamang n'yang dumadaing. Hindi naman kalakasan ang liwanag kaya nagawa n'ya pa rin itong titigan ngunit ang lakas na nasa kanya ay tila binibigo s'ya. Nanlalabo na ang mga mata dahil sa pagod at dahil na rin sa malakas na pagbuhos ng ulan. Kinurap-kurap n'ya ang mga mata ngunit sadyang malabo talaga pero isang bagay lang ang pumasok sa kanyang isipan nang makita ang anyo ng nagliliwanag na bagay na iyon. 'Isang libro'. Dahil sa pagod ay tuluyan na siyang nilukuban ng kadilimang kanina pa nagnanais sa kanyang ulirat at doon na s'ya nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

NINONG III

read
364.5K
bc

NINONG II

read
619.5K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.6K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook