Arah POV Hindi ko alam kung paano ko nakayaan ang buong byahe namin patungo sa condo niya na nakahiga siya sa kandungan ko. Sa tuwing napapadaan kami sa may lubak na daan dumidikit ang labi niya sa puson ko. Gustong-gusto ko na siyang itulak paalis sa kandungan ko kung hindi lang sumusulyap si Manong sa gawi namin. “Manong naman bakit malubak ang mga dinaraanan mo?” Inis na inis na ako sa lalakeng nasa kandungan ko. “Sorry ma’am eto lang kasi ang daan patungo sa condo ni sir. Inaayos kasi ang malaking kalsada na mas malapit sa condo kaya kailangan kung umikot dito” sambit ni Manong. Wala na akong nagawa kundi sumimangot at tingnan nang masama ang lasenggerong lalake na nasa kandungan ko. “Nakakainis ka na talaga alam mo ‘yon? Dapat hinayaan na lang kitang matulog doon sa VIP room. S