Isang linggo na ang nakararaan simula nang manggaling kami sa Isla. At sa loob nang isang linggo isang araw lang hindi nagpakita si Syds at ‘yon ay kahapon. Ngayon ang tungo namin sa Quezon para ipakilala ko si Syds sa mga magulang ko. Nakapagtatakang may isang oras na etong late. Simula kaninang umaga hindi eto sumasagot sa mga tawag ko na binalewala ko na lang dahil alam kung magkakasama kami ngayon. Agad akong tumayo nang makarinig ako nang pagkatok sa pintoan sa pagaakalang si Syds ang nasa labas. “Akala ko hindi ka na darating kanina pa k—” Hindi ko naetuloy ang sasabihin ko nang mag-angat ako nang tingin sa taong nasa labas. Kakaiba ang itsura nang lalake. Nakakatakot ang aura nito. Ang tingin nito na nakakakilabot. Seryosong seryoso ang mukha nito. Ang mukhang walang emosyon. “S