Syds POV Ilang araw nang gumugulo sa isip ko ang babaeng umiyak at yumakap sa akin ng magbalik ako sa kompanya. Nang yakapin niya ako gusto ko siyang yakapin nang mahigpit at nakaramdam ako nang sakit ng makita ko siyang lumuluha. Parang pinipiga ang puso ko. Simula nang araw na ‘yon pati sa panaginip ko nakikita ko ang luhaang niyang mukha. “Who is she?” I muttered. Kung isa lang siya sa mga babaeng humahabol sa akin bakit ng magtama ang paningin namin galit ang nakita ko sa mata niya pagkatapos ko siyang itulak at pagsalitaan nang masakit. Isang linggo nang sumasakit ang ulo ko kakaisip kung sino siya. Sumasakit ang ulo ko sa tuwing pipilitin kung hanapin sa isip ko ang tungkol sa babaeng ‘yon. Nang yakapin niya ako I feel a fuzzy feeling in my chest na kahit kailan hindi ko naramda