JEAN'S POV Kung ako ang tatanungin ay hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit tinigil ko na ang fake relationship namin ni Keyf. Ewan ko. Basta iniwanan ko na lang siya kung nasaan kami kanina. Iyon na kasi ang naging desisyon ko. Alam ko nagulat siya, pero iyon na talaga ang gusto ko. Naiinis kasi ako sa kanya. Naiirita ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Pero mas okay na rin siguro iyon. Tinapos ko na talaga at ako na lang ang bahala kay Nick. From now on, wala nang pakialamanan na mangyayari sa amin at from now on ay hindi ko na siya makikita pa. Mas okay na talaga iyon kaysa naman ipagpatuloy pa namin na hindi naman dapat. At gano’n nga ang nangyari sa amin ni Keyf the whole field trip. Kahit nakikita ko nga siya sa bawat puntahan namin sa fieldtrip ay hindi ko na si