Oh my gad! sambit ko sa aking isipan. Muntik na akong mapanganga nang maalala ko na si Ate Trista nga ang nasa harapan ko ngayon. Ano ang ginagawa niya rito? "You looked so shocked, Jean,” she said habang nakangiti sa akin. “Ako nga dapat ang magulat sa iyo kasi ngayon lang ulit kita nakita,” saad niya sa akin. “How are you?" Tanong nito sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Nagulat talaga kasi ako. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Ano ang ginagawa niya rito? Ang alam ko ay nasa ibang bansa siya. "I'm fine, Ate,” tugon ko na lang dito habang napapalunok at napapatango. “How about you po? It’s been a while. I thought you were at the....." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita. “In Vegas?" tanong niya nang ituloy niy