PROLOGUE 2

1237 Words
Bakit pa kasi laging pinaglalayo ang dalawang taong nagmamahalan ng dahil lang sa estado ng buhay nila?   Umiyak na lang ako nang umiyak sa aking kwarto. Hindi kasi nila ako maintindihan.   Ayaw nilang pagbigyan ang nais ko samantalang kaya ko namang pagsabayin ang pag-aaral at ang pakikipagmabutihan kay Jeff.   Hindi ko naman papabayaan ang pag-aaral ko. Napakasakit sa kalooban.   Sumapit ang hapunan, hindi ako sumabay sa kanilang kumain.   Naglagi lang ako sa aking silid nang puntahan ako ng Mama.   "Jeantou, anak…" Narinig kong katok ng Mama sa kwarto ko.   Hindi ako sumagot. Pumasok na lang ang Mama sa kwarto ng wala siyang marinig na sagot ko.   Hindi ako tumingin sa kanya.   Lumapit siya at tumabi sa akin.   "Alam ko galit ka sa akin at sa Papa mo. Pero sana ipagpaumanhin mo ang inasal niya kanina. Nabigla lamang siya sa sinabi mo," paliwanag ng Mama.   Saka ako humarap sa kanya at...  "Mama,” sambit ko rito. “Mahal ko po si Jeff," naiiyak kong sabi.   "Anak, sana maintindihan mo ang desisyon ng iyong Papa. Mahal ka niya at kaya niya ginagawa ito ay para na rin sa ikabubuti mo."   Umiling ako.   "Mama, kung mahal ninyo po ako, hahayaan ninyong mahalin ko si Jeff."   "Anak, intindihin mo naman kami. Bata ka pa. Marami ka pang makikilala na ibang mga binata na mas angat kay Jeff," sabi ni Mama. "Anak, magkaibang-magkaiba kayo ng estado sa buhay ni Jeff. Ang gusto lang naman ng Papa mo ay ang nababagay sa iyo.”   Tumingin lang ako kay Mama habang umiiyak na naman.   "Tumahan ka na."   Niyakap niya ako at inalo.   Kinabukasan ay hinatid ako ng driver namin na si mang Danny.   "Señorita, hihintayin ko po kayo hanggang sa sumapit ang uwian ninyo," wika nito.   "Po?” tanong ko rito.   Nagulat ako sa sinabi niya.   “Pero ‘di ba po binabalikan ninyo na lang ako kapag labasan na namin?"   "Opo. Pero ‘yun po kasi ang ipinagbilin ng Papa ninyo. Pasensya na po kayo, Señorita."   Kahit nabigla ako ay wala na rin akong nagawa dahil inutos ng Papa na hintayin ako.   Hinayaan ko na lang na nando’n lang si mang Danny.   Pero nagkita pa rin kami ni Jeff sa kantina.   "Life, pasensya ka na sa inasal ng Papa sa iyo kahapon ah. Nabigla lang siya," saad ko rito.   "Wala iyon. Naiintindihan ko ang iyong Papa," sabi niya.   Ngumiti na lang ako sa kanya.   "Kaya kita mahal dahil naiintindihan mo ang lahat," wika ko sa kanya.   Ngumiti lang din siya tapos hinalikan ako sa noo.   "Kay ganda ng umaga."   Napatingin kami ni Jeff nang sabay sa biglang nagsalita.   "Theo,” banggit namin nang makita kung sino ang nagsalita.   "Kumusta?" bati niya.   "Mabuti naman. Kailan ka pa bumalik?" tanong ni Jeff dito.   "Kahapon lamang," sagot nito.   Nagkumustahan at nagkwentuhan pa ang dalawa saka nagpaalamanan sa isa’t-isa.   Nag-usap naman kami ni Jeff na magkikita sa aming tagpuan mamaya.   "Aasahan kita,” sabi niya na nginitian pa ako.   "Darating ako, Mahal ko," sagot ko rito bago ko siya hinalikan sa kanyang labi.   Masaya kong tinungo ang sasakyan namin.   "Tara na po, mang Danny," nakangiti kong utos dito.   “Opo, Señorita,” sagot naman ni mang Danny sa akin.   At umalis na nga kami.   Pagdating sa mansyon ay...   "Jeantou…" tawag ng Papa sa akin.   "Papa," sambit ko naman dito.   Lumapit ako at humalik sa kanya bilang respeto.   "Say hello to your ninong Fred," sabi ng Papa.   "Hello po, Ninong,” bati ko rin dito tapos humalik din sa kanyang pisngi.   "Lumalaking maganda at kanais-nais talaga ang inaanak kong ito, Kumpare,” narinig kong sabi ni ninong Fred.   "Of course, Kumpare. Alam mo naman ang lahi namin," medyo tumawa nang bahagya ang Papa.   "Am, excuse me po. Aakyat na ako at magpapahinga. Maiwan ko na po muna kayo," paalam ko.   "Sige lang, Ija," sabi ni Ninong.   “Take some rest," sabi naman ng Papa. Tumango lang ako at umakyat na sa aking kwarto.   Kinahapunan naman, habang kami ay sabay-sabay na kumakain sa hapag...   "Fred is very funny as always. He didn’t change," Papa said.   Ngumiti lang ang Mama.   "Itaki, hindi na ba niya bibilhin ang mansyon?" Mama asked.   Kung mapapansin ninyo, ang Papa ay nag-i-ingles lamang dahil hindi siya makapagsalita ng tagalog nang diretso ngunit nakakaintindi siya.   Umiling ang Papa.   "He won’t. But we have a deal," ngiti ng Papa sa Mama.   "Ano naman iyon?" tanong ng Mama.   "He won’t going to buy the mansion, but our daughter should marry his son, Theodore," Papa said na kinatigil ko sa pagsubo at kinatingin dito.   "Ano po?" tanong kong nagulat dito.   "Yes,” sabay baling sa akin ng Papa. “Theo and you, Jean, will going to marry when you're already at your right age. We will fix everything accordingly," Papa said.   Tumingin ako sa Mama na nagulat din. Halatang wala siyang alam sa mga sinasabi ng Papa.   "Papa!" sita kong bigla rito.   "Itaki, hindi ba dapat ay ang anak natin ang magdesisyon para sa kanyang sarili?" sabi ng Mama.   "This is my decision. And it’s final," maawtoridad na sabi ng Papa.   "Papa, ayoko,” I said as I object. “I don’t want to marry Theo! I don’t love her not even like. I have a boyfriend and that’s Jeff," sabi ko.   "That bastard is not acceptable in this family!” mariin na wika ng Papa. “He's just a little social climber who wants to get something from you!" dagdag pa nito.   Nangingilid na ang mga luha ko.   "You are going to marry Theo and that is final!"   Napaluha na lang ako tapos tumayo sa hapag at tumakbo.   "Jeantou!" tawag ng Papa ngunit hindi na ako lumingon pa.   Dumiretso ako sa aking silid at doon na naman umiyak.   "Anak…" Ang Mama.   Sumunod pala ito sa akin.   Yumakap naman ako rito.   "Mama, ayokong magpakasal kay Theo. Hindi po siya ang mahal ko. Alam ninyo ‘yan," sabi ko.   Tumango lang ang Mama.   "Alam ko ko, Anak, ngunit kahit ako ay walang magagawa. Desisyon ng Papa mo iyon."   "Ayoko po, Mama. Ayoko kay Theo! Si Jeff ang mahal ko."   "Anak, matututunan mo ring mahalin si Theo. Mawawala sa atin ang mansyon kapag hindi mo sinunod ang nais ng iyong Papa."   Doon na ako mas lalong umiyak.   "Mama, patawad pero hindi ko po matatanggap na pakasalan ang lalaking ‘yon," patuloy kong wika rito bago umalis sa kama at kumuha lang ng balabal saka lumabas ng silid ko.   Narinig ko pang tinawag ako ng Mama ngunit hindi na ako lumingon pa.   "Jeantou!" tawag sa akin ng Mama.   Mabilis akong tumakbo. Dumaan sa likuran upang tumungo sa aming tagpuan ni Jeff.   Habang naglalakad ay patuloy lang ang aking pag-iyak hanggang sa makarating sa lugar na aming tagpuan. Nando’n na si Jeff, naghihintay.   "Jeantou!" tawag niya nang makita niya ako.   Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya.   "Jeff!" Umiyak akong lalo at sinabi sa kanya ang mga nangyari.   "’Wag ka nang umiyak, mahal ko. Ipaglalaban kita."   "Ayokong magpakasal kay Theo. Hindi ko siya mahal," sabi ko.   "Alam ko dahil sinabi na iyon sa akin ni Theo. At hindi ka rin naman mahal ni Theo. Kakausapin ko siya para mawalan nang bisa ang napagkasunduan ng Papa mo at ni Don Fred," ika niya.   Tumango naman ako tapos yumakap sa kanya ulit.   Nang...   May ilaw at sasakyan.   Napatingin kami ni Jeff at inaninagan kung sino ang mga ito ngunit hindi namin makita hanggang sa may bumaba at magsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD