PROLOGUE

1014 Words
JEAN's POV   "Life,” tawag ni Jeff sa akin.   “Um?” lingon ko naman dito.   “Hindi ka ba nagsasawa sa ganito?" Jeff asked na kinaalis na naman nang tingin ko sa kanya.   Nasa tagpuan namin kaming dalawa habang nakayakap siya mula sa aking likuran.   "Life, ayoko na ng ganito,” sambit niya na kinatingin ko naman sa kanya.   “Na lagi tayong nagtatago kanila Mama at Papa?” I asked na kinatango naman niya.   “Gusto ko nang sabihin sa kanila ang tungkol sa ating dalawa,” wika niya.   “Ako rin naman,” sagot ko. “I want them to know na may boyfriend na ako. At na ikaw ‘yon," I said habang nakaharap na sa kanya.   Hinawakan nya ang pisngi ko.   "’Yun din ang gusto ko, Jean,” saad niya. “Pero alam ko namang hindi ako matatanggap ng pamilya mo. Mayaman ka. Mahirap lang kami. Hahadlangan lang nila ang relasyon natin,” he said.   Umiling ako.   "Hindi totoo iyan,” wika ko. “Listen to me, Jeff,” I said at humarap na nang tuluyan dito. “I know maiintindihan nila Mama at Papa kung bakit ikaw ang mahal ko. They supports me. They are not after of what you have. Nararamdaman kong magugustuhan ka nila," nakangiti kong sabi sa kanya upang mawala ang kaba niya kahit papaano.   Ngumiti na rin siya sa akin.   "Kaya mahal na mahal kita dahil ganyan ka. Ginagawa mong positibo ang mga bagay na negatibo." Tapos hinalikan niya ako sa aking noo.   "Kasi mahal din kita. At kaya kong gawin ang lahat para sa iyo," tugon ko naman dito.   Umalis kami sa tagpuan namin at desidido na kaming dalawa na umamin sa relasyon na meron kami.   Magkahawak ang aming mga kamay na tinungo ang mansyon.   "Magtiwala ka lang sa akin, Jeff. Kaya natin ‘to," I said upang bigyan siya talaga nang lakas ng loob.   Tumango lang siya sa akin habang nakangiti ngunit mababakas ang kaba sa kanyang mga labi.   Pagbukas ng pintuan ng mansyon ay abalang-abala ang Papa sa pakikipagtalo sa telepono. Habang ang Mama naman ay nag-aalalang nakatayo sa tabi ng Papa dahil sa matinding galit nito.   "Huwag kang pumayag, Itaki," I heard Mama said.   Hindi ko alam ang nangyayari pero lumapit pa rin kami ni Jeff kanila Mama.   "Mama," tawag ko rito.   "Jeantou, anak," sambit ni Mama nang makita ako. Niyakap naman ako nito.   "Mama, what is going on?" tanong ko.   "Ang ninong Fred mo, gustong bilhin ang ating mansyon,” tugon ng Mama. “Sinisingil niya na ang Papa mo sa malaking pagkakautang nito sa kanya. Anak, hindi nila pwedeng makuha ang mansyon," Mama said habang nag-aalala.   Malungkot at kabado ang Mama kaya niyakap ko siya.   Kahit ako ay ayokong mawala ang mansyon sa amin.   Dito na kami lumaki at nagkaisip. Pati ang dalawa kong kapatid ay dito na rin lumaki.   Hindi ako papayag na mawala ito sa amin dahil nandito ang mga masasayang alaala namin.   "Mama, hindi nila pwedeng bilhin ang mansyon natin. Sa atin po ito. ‘Wag po kayong pumayag utang na loob, Mama," sabi ko.   Tumango naman ang Mama.   "Oo, Anak. Hindi papayag ang iyong Papa,” sagot ni Mama.   Siguro ay hindi pa niya napapansin si Jeff dahil sa tensyon na nangyayari sa loob ng mansyon.   "Mama," tawag ko rito nang maalala ko si Jeff na nasa aking likuran.   Humarap naman siya sa akin.   Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.   "Alam ko pong hindi ito ang tamang panahon para gawin ito pero...."   Lumapit ako kay Jeff tapos hinawakan ang kamay niya.   Tumingin pa ako kay Jeff at tumangong nakangiti.   "Si Jeff po pala, Mama,” sambit ko. “Boyfriend ko po," pagpapakilala ko rito.   "Magandang tanghali po, Donya Divina," bati ni Jeff sa Mama.   Nagulat ang Mama. Hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.   "Jeantou, anak…" sabi nito. Nagugulat ang tono.   "Mama, alam ko pong nakabibigla pero nagmamahalan po kami ni Jeff,” turan ko rito.   Hindi nakapagsalita ang Mama.   "Divina!” tawag ng Papa sa Mama.   Napatingin naman kaming lahat kay Papa.   "Papa," tawag ko rito.   Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.   "Magandang tanghali po, Don Itaki," bati ni Jeff dito.   Tumingin sa kanya ang Papa at…   "Who is this? Is he the new carpenter to fix our house?" tanong ng Papa.   "Itaki,” tawag at sita naman sa kanya ng Mama. "Siya ang nobyo ng iyong anak," sabi nito.     Nag ibang bigla ang hitsura ng Papa at…   "What?! Boyfriend?!” gulat na tanong nito habang nakatingin sa aming dalawa ni Jeff.   “Yes, Papa,” sagot ko.   “Get out of my house! You, gold digger! Get out!" sigaw niyang bigla na kinagulat naman namin lalo na ako habang tinuturo ang labas ng bahay namin.   Kahit ang Mama at si Jeff ay nagulat sa mga nangyari.   "Papa!" sigaw ko. "I love Jeff. Please don’t do this. I love him," I said.   "You and this guy are not made for each other. Jeantou, you are still studying," Papa said.   "Yes, I know, Papa. And I promise to finish my study. But please, Papa, pagbigyan mo naman kami ni Jeff. He loves me," paliwanag ko rito baka sakaling makinig siya.   "Opo, Don Itaki. Mahal ko po ang anak ninyo. At hinding-hindi ko po siya lolokohin," saad naman ni Jeff dito.   "But you are just a poor who wants to get money from us,” Papa said. “How will you give what my daughter needs?” tanong niya. “You get out and leave my daughter alone! Raul, get him out!" sabi ng Papa sa bodyguard niya.   "Papa, ‘wag!" sigaw ko.    "Jeantou, go to your room, now!" muling sigaw sa akin ng Papa. Nagtatakbo akong umakyat sa kwarto ko at umiyak.   Hindi nila ako maintindihan.   Mahal na mahal ko si Jeff.   Bakit hindi nila matanggap ‘yon?   Bakit pa kasi naging mayaman kami?    “Papa, no! I love Jeff! No!" diin ko naman dito.   Kaso nakaladkad na palabas si Jeff ni Raul habang ako naman ay pinipigilan ng Mama.   Wala na akong nagawa kundi umiyak nang umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD