We are on our way sa bahay nang liligawan ni Brandon. And kanina pa ako nakatingin sa dinadaanan namin. Pero hindi kasi ako makapag-focus dahil hanggang ngayon eh ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko. Kulang pa rin kasi ako sa pahinga at talagang kailangan ko pa rin nang kumpletong tulog ngunit hindi ko naman alam kung bakit hindi ko naman magawa. I actually don’t have enough sleep. Iyon talaga ang kulang sa akin at iyon ang kailangan ko. Tulog. Gustuhin ko man kasing matulog pa sana ay hindi ko naman magawa since ito naman kasing Bro namin ngayon pa nagpasama na dumalaw sa liligawan niya. Hay. I feel so heavy. Pakiwari ko ay sasabog ang ulo ko anytime. Nararamdaman ko pa rin kasi ang bigat nito kahit na nakapagpahinga ako nang maayos kagabi. Iba pa rin kasi kapag may kumpletong