Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ngayon at lalong hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Ilang segundo na ang lumipas at nandito pa din ako sa bukana ng pintuan. Speechless. Gusto kong tumawa at gusto ko din umiyak. Gusto kong pumasok ng tuluyan sa loob pero gusto ko din tumakbo papunta sa kwarto ko. Ewan! Magulo! Malinaw lang sa akin ay ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Lumunok ako at muli kong inilibot ang paningin ko at huminto ito sa isang tao na naka-upo sa harapan ng mesa habang nakahalumbabang nakatingin at naka-ngiti sa akin ngayon. Kahit na hindi masyadong maliwanag sa kwarto niya ay nakikita ko pa din ang tuwa sa mga mata nito. "Glad you're home," wika nito saka ni-roll ang sleeve ng suot niya para tingnan ang oras sa wrist watch niya. "You are ex