"Huwag ka ng iinom, bes, ha," paalala sa akin ni Hansal na ikinakunot ng noo ko. "Sabihin mo 'yan sa sarili, Hans. Hindi ako 'yung magda-drive." tugon ko. Naka-ilang bote na din kami ng alak. Hindi pa naman ako lasing or nakakaramdam ng hilo dahil na din siguro sa pagka-hulog ko sa swimming pool kanina at dahil na din sa nalilibang ako ngayon. Habang nakikipag-kwentuhan kami sa mga iba naming kaklase ay tumunog ang phone ni Hansal kaya nag-excuse siya para sagutin ang tawag. Naalala ko tuloy ang phone ko at si Jace. Damn! Si Jace! Baka tumatawag iyon! Nagpapanic na ako sa loob-loob ko pero nang maalala ko na nag-away pala kami, ininom ko ng tuloy-tuloy ang laman ng bote na hawak ko. "Wow! Ang lakas mong umiinom, tapos naninigarilyo kapa!" puna ni Raymond. "Thank you," sarkastikong tu