Nagising ako na medyo madilim na ang paligid kaya nagpasya ako na lumabas na muna. Nag-paalam ako kay Mama na may bibilhin lang ako. Syempre, ano pa ba? Edi 'yung isinisigaw nang baga ko. Medyo malayo pa ako pero napansin ko na may mga nakatambay na malapit sa may tindahan. Mukhang may inuman session ang mga tao dito, ah. "Si Sarah yan, di ba?" Wika nang isang maarteng boses na sa tingin ko ay kasama sa mga nag-iinuman. Lumingon ako at natawa nang mapagsino ko kung sino ang nakakilala sa akin. "Uy, bakla!" Natatawang wika ko. Lumapit naman ito sa akin. "Tangna, girl, ah! Gumanda ka yata? O dahil gabi lang?" Birong sabi nito. Siya si Eric. Kaklase ko nung fourth year. Bakla siya, pero ang gwapo niya. Sayang yung lahi niya. "Baliw!" Saad ko at hinampas yung braso niya. Lumapit na din yu