Chapter 2
"Sigurado ka ba na iyan ang narinig mo? Baka naman nagkamali ka lang." Sagot sa akin ni Cindy matapos kong ikwento sa kanya ang mga narinig ko kahapon sa opisina ni Dave. Ayaw niya akong paniwalaan. Baka daw guni-guni ko lang ang mga narinig ko. She even suggested na baka kailangan ko na ring magpatingin sa isang espesyalista sa utak sapagkat baka raw kung ano man ang narinig ko ay side effect lang ng mga gamot na iniinom ko para sa sakit ko.
Sa totoo lang, na-offend ako. My bestfriend indirectly told me na baka nababaliw na ako. My bestfriend. Na akala ko susuportahan ako at unang-unang aaway kay Dave matapos kong ikwento ang mga narinig ko noong nakaraang araw. Hindi niya na nga ako sinuportahan, tila sinasabi pa nito na ako ang mali. Which reminded me that I need to find a new doctor para malaman kung ano ba talaga ang sakit ko, kung mayroon man.
"I don't know. I really don't know, Cin." Pag amin ko sa kanya. Pero kase, sigurado ako sa narinig ko e. Bakit ko naman sisiraan ang asawa ko sa kaibigan ko? "Baka nga nagkamali lang ako ng dinig."
Bumuntong-hininga na lang ako at nag iwas ng tingin. Nakalimutan kong bilib na bilib si Cindy sa asawa ko at hindi naman nito itinago sa akin ang paghanga niya kay Dave. Kampante naman rin ako na mahal na mahal ako ng asawa ko at hindi nito papatulan si Cindy kung kaya hindi ko na lang pinapansin ang closeness nilang dalawa.
Pero pagkatapos nung narinig ko noong nakaraan? Parang hindi ko na kilala si Dave. Parang hindi na ito ang lalaking pinakasalan ko noon. He is my first everything. Noong halos sabay namatay sina Lolo at Lola kasabay ng pagkakasakit ko, mas naging dependent ako sa kanya. Kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko tungkol sa mga nalaman ko noong isang araw.
"Ang mabuti pa, mag-shopping na lang tayo! May nakita akong magandang dress last time, gusto kong bilhin!" Pumapalakpak pang sabi ni Cindy. Napairap na lang ako sabay dampot ng baso kong may lamang juice. Ako na naman ang magbabayad ng mga pamimili niya e. Minsan tuloy iniisip kong hindi kaibigan ang tingin sa akin ni Cindy kung hindi ATM machine. Kasalanan ko rin naman siguro kase hindi ko siya sinisingil. Nahihiya kase ako, alam ko rin naman kase na mas maraming importanteng bagay ang gagawin niya kaysa ang samahan ako palagi.
Nagpunta kami sa mall gamit ang sasakyan kong parang sasakyan na rin ni Cindy. Halos gamit niya na kase ang laman nun sa loob. Para niya nga akong driver e, mas marami pa siyang spare na damit sa loob at sa may trunk kaysa sa akin.
---
"What do you think about this dress?" Tanong niya sa akin. Umikot pa siya ng dalawang beses sa harapan ko para ipakita ang damit na binili niya. It was a white sleeveless and backless dress na above the knee ang haba and it fits her perfectly. Naiinggit tuloy ako ng husto sa kanya. Hindi ko kayang magsuot ng ganoon kaikling damit. I don't have the guts.
"It looks nice. Suits you perfectly. Kaya lang wala bang ibang kulay? Don't get me wrong. And elegante ng kulay, kaya lang para ka namang may pupuntahang patay." Pabirong sabi ko. Hindi niya ako pinansin. She's too busy admiring herself in the mirror.
"A funeral and a wedding actually.. Depende kung anong mauuna.” She laughed and it gave me chills. “ Sa tingin mo ba, magugustuhan ni Dave 'to?" Nabigla at na-offend ako sa sinabi niyang 'yon. May balak siyang ipakita sa asawa ko ang damit na 'yon? What for?
"U-uhmm.. I think he will like it." Wala sa sarili kong sagot. Alam ko namang close silang dalawa at hindi ako dapat magselos sa mga ganoong bagay lang. But that is below the belt. It was offensive considering the asawa ko ang pinag uusapan namin and she was just asking me kung sa tingin ko, magugustuhan iyon ng asawa ko.
"Of course he would." Makahulugan niyang sagot bago siya muling pumasok sa dressing room para magpalit ng damit. I tried ignoring it. Hindi ako dapat mag-isip ng masama tungkol sa asawa ko at sa bestfriend ko. Baka hindi sakit sa puso ang ikamatay ko kung hindi over thinking.
"Ikaw best, wala ka bang bibilhin?" Tanong niya sa akin paglabas niya. She's fixing herself and putting another layer of lipstick on her already red lips. Bukod kase sa dress na iyon, kumuha rin siya ng dalawang set ng underwear. At hindi iyon basta-bastang underwear lang. They're designers, with matching socks and belts and a lot of strings.
"Wala naman. Wala rin ako sa mood, nanghihina ako." Pagdadahilan ko na lang. Hindi naman masama ang pakiramdam ko, gusto ko na lang talagang iwan si Cindy at mapag isa.
"Baka nakalimutan mo na namang uminom ng gamot mo." She said. It may sound like she actually cares pero sa totoo lang, bigla talaga akong nawala sa mood.
"I did. I left it in the car." I just said. Mabuti na rin siguro 'yon, para makapaghiwalay na kaming dalawa agad. Naglakad kami palapit sa counter. She's holding my hands like she usually do kapag oras na para magbayad kaya alam ko na kung anong dapat kong gawin. But this time, I let her do it. Hindi ako nagkusang ilabas ang credit card ko para bayaran ang pinamili niya. Nakipagtitigan tuloy sa amin ang cashier sa may counter.
Nahiya siguro si Cindy, inilabas niya na ang wallet niya at kinuha ang credit card niya. Don't get me wrong, I know I'm being a mean friend pero alam ko rin naman na ginagamit niya lang ako. And I am letting her kase wala naman na akong ibang kaibigan. Iniwasan ko na silang lahat pagkatapos naming ikasal ni Dave because my husband said they're a bad influence.
"Ma'am declined po itong card n'yo." Apologetic na sabi ng cashier. Lihim akong napangiti kahit alam kong masama iyon. Of course made-decline 'yon. Wala namang trabaho si Cindy but she likes expensive things and bragging about owning them.
Napatingin sa akin si Cindy. She's asking me to rescue her but I pretended to be using my phone. At hinintay niya talaga akong matapos na gamitin ang cellphone ko sa halip na ibalik na lang ang mga pinamili niya.
"Best, pabayad. May problema ata ang credit card ko. I'll call my bank later." Sabi niya pa. At hindi siya tatawag sa banko. Walang problema ang credit card niya, may problema siya sa pagbabayad no'n.
I sighed bago ko kinuha ang card ko sa wallet at iniabot iyon sa cashier. "Alam mo best, dapat maghanap ka na ng boyfriend. You're too expensive!" Pabirong sabi ko pa. Pabiro, but it was meant to say she should stop being a freeloader. Ngayong buwan pa lang, nakaka-twenty thousand na siya.
"I already have one, you know." Tipid na sagot niya. Natigilan ako. Hindi ko alam na may boyfriend siya. Hindi naman ganoon ka-secretive si Cindy pero hindi niya nabanggit sa akin na may manliligaw man lang siya.
"Talaga? Who?" I asked. Out of curiosity na rin. Ibinalik na sa akin nung cashier 'yong card ko at ang resibo ng mga pinamili ni Cindy. Another ten thousand. Great, hindi naman niya ito babayaran.
"He is a very private person and I'm still trying to ask him make out relationship public." Hanggang sa makalabas kami sa store na 'yon, hindi na dinagdagan ni Cindy ang mga sinasabi niya. Ang alam ko lang ay may boyfriend siya. Kung sino at kung bakit hindi ko alam, iyon ang hindi ko alam.
---