bc

The Revenge of the Unwanted Mrs. Vergara

book_age18+
223
FOLLOW
1K
READ
revenge
body exchange
goodgirl
mystery
female lead
realistic earth
rebirth/reborn
intersex
gorgeous
naive
like
intro-logo
Blurb

An entry to Yugto Girl power contest

Nanggaling sa isang mayamang pamilya si Marie France Fuentebella. Siya ang nag iisang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya niya. Maaga siyang naulila kung kaya lumaki siya sa pangangalaga ng Lolo at Lola niya.

Sa kolehiyo niya nakilala si Dave Vergara. Isa itong fourth-year graduating student habang siya naman ay first year pa lang. Mabilis nahulog ang loob ng dalaga sa binatang hinahangaan ng lahat at nagpakasal sila matapos niyang grumadweyt sa kolehiyo.

Botong-boto ang lolo at lola ni France kay Dave kung kaya sa lalaki na siya inihabilin ng dalawa. Kay Dave na rin muna nila ibinigay ang pamamahala sa mga kumpanyang maililipat sa pangalan ni France pagtungtong niya sa edad sa dalawamput-lima.

Ilang buwan makalipas ang kasal ay halos sabay na namatay ang lolo at lola ni France, kasabay rin noon ang pagkakadiskubreng mayroon siyang sakit sa puso. Lahat ng pagmamay-ari niya ay nasa pamamahala ni Dave sapagkat ito na ang tumatayong guardian niya.

Masaya naman ang buhay ni France. She is living a good life at mayroon siyang asawa na mahal na mahal siya. Iyon nga lang, hindi sila pwedeng magkaroon ng anak dahil sa kalagayan niya.

Isang araw, narinig niya na may kausap ang asawa sa telepono at inuutusan nito ang taong 'yon na patayin siya. Hindi makapaniwala si France sa narinig at noong sinabi niya iyon sa kaibigan niyang si Cindy, sinabi nito na baka nagkamali lang siya ng dinig. Pinagwalang-bahala iyon ni France, baka nga kase nagkamali lang siya ng narinig. Hanggang sa isang gabi, bigla na lang may bumangga sa sasakyan niya.

That guy killed her. Bago siya tuluyang malagutan ng hininga ay narinig niya pang may kausap ang lalaki sa telepono. It was Dave! Her husband.

Isinumpa niyang babalik siya at maghihiganti sa ginawa ng lalaki sa kanya.

Nagising si France kinabukasan. Laking pasalamat pa nga niya na nagising siya at panaginip lamang ang lahat ngunit hindi pala. Nagising siya pero nasa ibang katawan na siya. Nasa loob na siya ng katawan ni Yassi, ang asawa ng lalaking pumatay sa kanya kagabi.

Ngayon na binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para mabuhay, maghihiganti kaya siya kay Dave, o pipiliin na lang na mabuhay ng tahimik kasama si Ibrahim?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 "Kill her." Natigilan ako sa gagawin ko sanang pagpasok sa opisina ng asawa kong si Dave matapos kong marinig ang mga salitang 'yon. Nakaawang kase ng bahagya ang pintuan at nagawa kong silipin kung sino ang kinakausap nito. Nakatalikod sa akin si Dave. Hawak-hawak nitonang telepono niya at tila inip na inip na ito sa pinag uusapan nila. "I don't care how you do it, but do it fast. And be sure to make it look tragic. Make her unrecognizable. Yes. I need to be a widow as soon as possible." Gusto ko na sanang umalis sa tapat ng pintuan pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Tila iyon nakapako sa sahig. I am shocked. Nanghihina ako. Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw at gusto kong sugurin at awayin ang asawa ko pero hindi ko 'yon ginawa. Matalino si Dave. Nagawa nga nitong mapapayag sina Lolo na siya ang maging guardian ko bago sila namatay na dalawa ni Lola, magagawa rin nitong baliktarin ang sitwasyon at palabasin na gumagawa lang ako ng kwento para mapasama siya. Bata pa lang ang ulila na ako sa mga magulang. My mom and dad died on a plane crash when I was ten. Sina Lolo Manuel at Lola Estella ang tumayong mga magulang ko hanggang sa tumungtong ako sa kolehiyo at makilala si Dave. He is a charmer. Dati itong presidente ng student council habang first year college pa lang ako. Ahead siya sa akin ng tatlong taon pero hindi naging hadlang ang agwat ng edad namin para ligawan ako. Araw-araw niya akong sinusundo sa school pagkagaling niya sa trabaho. He was a consistent honor student kaya naman hindi na nag-atubili si Lolo na kuhanin si Dave at gawing tagapamahala ng mga kumpanya. Matanda na rin naman kase sina Lolo at Lola at natatakot silang maiwan akong mag isa habang nakapatong sa balikat ko ang lahat ng obligasyon at responsibilidad ng pagiging nag iisang tagapag mana. My friends said he's an opportunist. Na gagamitin lang ako ni Dave para makuha ang kayaman ng mga Fuentebella. Hindi ko sila pinaniwalaan bagkus ay iniwasan ko pa sila. Buong akala ko noon, naiinggit lamang ang mga kaibigan ko sa akin dahil nasa akin ang atensyon ng pinakasikat at pinakahinahangaang lalaki sa Sta. Catalina. He's as famous and as popular than the Xavier boys themselves. Buong akala ko, mahal niya talaga ako kung kaya ng alukin niya akong magpakasal ay walang pagdadalawang isip na pumayag ako. Dave and I got married a day after my eighteenth birthday. One week after our wedding, na-stroke si Lolo Manuel at nalaglag naman sa hagdan si Lola Estella. At sa pangalawang pagkakataon, naging ulila na naman ako. Hindi doon natapos ang kalbaryo sa buhay ko. Isang araw ay bigla akong nahirapang huminga. Isinugod ako ng asawa ko sa hospital at doon ko nalaman na may butas ang puso ko. Hiyang-hiya nga ako sa asawa ko noon dahil tila isinumpa ang buhay ko sa sunod-sunod na trahedyang dumating sa akin. Natakot ako na baka iwanan niya ako sapagkat ayaw niyang mahawa sa kamalasan ko. But Dave did not left me. Nanatili siya sa tabi ko para alagaan ako. Siya na rin ang nag aasikaso sa furniture company na iniwan ni Lolo Manuel. I can't take over the company lalo na sa sitwasyon ko kaya madalang rin akong bumisita sa opisina kagaya ngayon. Hindi ko rin pwedeng bigyan ng anak si Dave sa takot na malagay sa kapahamakan ang buhay namin ng anak ko. I feel so worthless. A huge burden in Dave's life. Pero ngayong naririnig ko ang plano ni Dave na pagdispatsya sa akin, parang gusto ko na ring kwestyunin kung walang foul play na nangyari sa pagkamatay nina Lolo at Lola. Na baka may kinalaman rin ang asawa ko sa nangyari sa kanila. Nag uumpisa na rin akong kwestuyin kung may sakit ba talaga ako sa puso o ginawa niya lang 'yon para hindi ko silipin man lang ang kumpanya? Pumirma si Dave ng kasulatan na nagsasabi na siya na muna ang mamamahala sa kumpanya pansamantala hanggang sa tumungtong ako sa edad na dalawamput-lima. Ang sabi ni Lola, ganoong edad si Mommy noong nagpakita ito ng interes sa kumpanya. They're hoping I will do the same. My twenty-fifth birthday is next week. Kaya siguro gusto niya nang mawala na ako sa landas niya, para sa kanya na tuluyang mapunta ang lahat ng ari-arian ng mga Fuentebella. Hindi pa ba siya kuntento na sa kanya na halos nakapangalan ang lahat ng nga ari-arian ko at kailangan pang mawala ako sa mundo? Hindi ko lubos maisip na may balak si Dave na masama sa akin. Heck, hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Sa lahat ng taong lumipas sa pagsasama naming dalawa naging maayos naman ang pakikitungo niya sa akin. May mga pagkakataon na napagbubuhatan niya ako ng kamay pero kasalanan ko rin naman lahat ng 'yon. Because I disobeyed him. Dahil hindi ko iniinom ang gamot ko sa tamang oras o dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanya na lalabas ako kasama ang mga kaibigan ko. Akala ko talaga noon, concerned lang siya sa akin. "How much? I'd pay you double. Basta siguraduhin mo lang na malinis ang trabaho mo. But I'm warning you. Sa oras na madamay ang pangalan ko, kahit saang impyerno ka pa magtago, hihilahin kita pabalik sa lupa at ako mismo ang papatay sa 'yo!" Nanghihina akong napasandal sa pader. Nakapikit ako at nahihirapan akong huminga. Hindi ko kilala ang lalaking nagsasalita sa loob ng opisina ng asawa ko. Hindi ganoon si Dave. Hindi ko matanggap na kaya nitong planuhin ang pagkamatay ko. At gusto pa nito na maging brutal ang pagkamatay ko na tipong wala nang makakakilala sa akin. Anong klaseng demonyo ba ang napangasawa ko? "Ma'am France, anong ginagawa ninyo diyan?" Nagmulat ako ng mata at nakita kong nakatingin sa akin ang sekretarya ni Dave. Hindi ito nanggaling sa loob ng opisina ng asawa ko. Galing siya sa elevator and she found me leaning against the wall. "Ah.. ahh-" "France?" Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko matapos kong marinig ang boses ni Dave. Narinig ata nito na nag uusap kaming dalawa ng sekretarya niya. "H-hi, love." Pabuntong-hiningang kong sabi. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Hindi magandang ideya na kumprontahin ko ito tungkol sa mga narinig ko. Hindi niya dapat malaman na alam ko na ang mga plano niya. "Anong ginagawa mo rito?" Taas-kilay niyang tanong. He's trying to read me. Siguro ay iniisip rin nito na baka may narinig ako sa pag uusap nilang dalawa ng kung sino mang kausap niya sa telepono kanina. "Sir, I found Ma'am France na ganyan. Nakapikit tapos tila nahihirapang huminga." Bakas ang pag aalala sa boses ng sekretarya ni Dave. Mabuti na lang din at ito na ang sumasagot sa tanong ng asawa ko. Kailangan ko pa kase ng kaunting oras para pakalmahin ang sarili ko. "Are you okay, love?" Hinawakan ni Dave ang balikat ko. Kung pwede nga lang na tabigin 'yon dahil nandidiri ako sa kanya, ginawa ko na. "I-I'm fine, love. Nahilo lang ako. Dumaan lang naman ako dito dahil nagkita kami ni Laura para kumain. Eh, naalala ko baka sa sobrang pagiging workaholic mo ay makalimutan mo na namang mag-lunch kaya eto, pinagdala kita." I took a deep steadying breath at napansin ko rin na tila nakahinga ng maluwag si Dave. Siguro ay iniisip nito na wala akong narinig. Kung alam niya lang. Gustong-gusto ko na siyang pagsasampalin. "Ang sweet naman ng asawa ko." Hinila niya ako papalapit at ginawaran ng halik sa labi. Pinigilan ko ang sarili kong huwag siyang itulak at punasan ang labi kong hinalikan niya. It felt like Judas kiss. "Pero sana, hindi ka na nag abala pa. Alam mo naman kung anong sitwasyon ng puso mo, hindi ba? Alam mo namang bawal kang mapagod." 'Napaka plastic mong hayop ka!' Gusto ko sanang isigaw. Pero sa halip na gawin 'yon ay nginitian ko na lang siya ng matamis. Alam ko rin naman kung paano laruin itong larong ginagawa ni Dave e. "Hindi naman ako pagod na pagod, love. Normal na pagod lang. I just wanted you to try that. It taste so good." Iniabot ko kay Dave ang paper bag na may lamang take out food galing sa japanese restaurant na pinanggalingan naming dalawa ni Cindy. Agad niya naman iyong tinanggap at sinilip ang laman sa loob. "Uuwi na rin ako, love. Ipapahinga ko na lang ito." "Okay, just don't forget to drink your medicine when you went home. Then rest. Gusto ko pag uwi ko, maabutan kitang tulog ha? Hindi nagtatanim o naglilinis ng bahay." Natawa ako ng mahina sa sinabi nito. My medicines. Mukhang kailangan kong kumuha ng second opinion tungkol sa sakit ko kung totoong mayroon nga akong sakit sa puso. Maybe those medicines makes me feel weaker. "Oo na po. Magpapahinga ako. Promise." Nakangiting sabi ko. Maghahanap na rin ako ng ibang doktor sa labas ng Metro. Pakiramdam ko kase ay nabayaran niya ang doktor na tumingin at nag-diagnose sa akin noon. ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook