NAKAUPO lamang si Gracia sa isang bench na nasa labas ng opisina ni Octavio. Palinga-linga ito sa pasilyo kapag may mga empleyadong napapadaan sa harapan niya. Tila naaaliw pa itong pagmasdan ang mga trabahante ng binata. "Kung ako rin ang makapagsuot ng ganiyan, ang ganda ko rin tingnan." nakangiti pang turan nito sa sarili nang sundan niya ng tingin ang isang babae na pumasok sa opisina ni Octavio. Nakasuot ang babae ng kulay pulang damit na hapit na hapit sa katawan nito. Hanggang itaas ng tuhod ang haba, habang napapatungan iyon ng itim na bolero na siyang nagtatago sa mga balikat ng babae. Tinirnuhan ng itim na tacunes na may taas na apat na pulgada. "Ang sarap siguro mag trabaho sa ganito? Araw-araw naka-aircon. Puputi ako lalo kapag dito ako mag trabaho." saad pa nito pagkuwa'y mul