"S-SIR... saan po tayo?" tanong ni Gracia habang lulan na sila nang sasakyan ng binata. May iilang minuto na rin ang tinatakbo ng sasakyan ngunit tahimik lamang ang binata na nakatingin sa labas ng bintana. Nag lakas loob na rin ang dalaga na mag tanong dito dahil wala naman siyang kaide-ideya kung saan sila pupunta. Nang walang makuhang sagot si Gracia mula sa masungit na si Octavio ay nanahimik na lamang din siya at ibinaling ang paningin sa labas ng sasakyan. Inaliw ang sarili sa mga nakikita sa daan. Sobrang namiss niya rin ang Pilipinas. Halos mag wawalong taon din siyang nanirahan sa Espanya at hindi nakauwi sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya makapaniwalang nagbalik na siya sa bansang kaniyang kinalakhan. Panigurado rin ang dalaga na labis na matutuwa ang kaniy