CHAPTER 24

1744 Words

HINDI pa man tumutunog ang alarm clock ni Gracia kinabukasan ay gising na siya. Nag inat-inat pa ito sa ibabaw ng kaniyang higaan. Parang ang gaan ata ng pakiramdam niya ngayon kahit medyo late na siya nakatulog sa nag daang gabi dahil sa nawili siyang kausap si Esrael sa bakuran ng mansion. Mayamaya ay tumayo ito sa kaniyang kama at naglakad papasok sa banyo upang maligo. Pakanta-kanta pa ito habang nasa ilalim ng shower at hanggang sa matapos siya. Nakatapis ito ng tuwalyang lumabas sa banyo. Kinuha nito ang blower na ibinigay sa kaniya ni Jen na nasa ibabaw ng tukador at pinatuyo ang basang buhok. Mayamaya ay nag halungkat ito ng damit sa kaniyang drawer. Napahawak pa ito sa kaniyang baba habang sinusuyod ng tingin ang iilan niyang damit na nakatupi roon. Kinuha nito ang pantalon na may

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD