FIGHT “ Ang bilis naman yata, Ianira? Kailan mo lamang siya nakilala. Hindi ka ba natatakot na baka lokohin ka ni Hunter? ” Napangiti siya sa tanong ng kaibigan niyang si Sabina. Ito ang pinakamatalik niyang kaibigan sa Cape Montana simula pagkabata. Paglalako ng mga kakanin at suman ang hanapbuhay nito, habang inaalagaan ang may-sakit na lola. “ Ramdam ko naman ang katapatan niya. Kasi kung hindi niya ako totoong mahal, hindi niya ako susundan pa rito sa Cape Montana. Lalo pa at nalaman na ng magulang niya ang tunay na ang pagpapanggap naming ginawa noon, Sab. ” Ngumuso ang magandang kaibigan. Gusto niyang kurutin ito dahil sa panunulis ng mapupula nitong mga labi. Kinaiinggitan niya ang mga labi ni Sab dahil sa natural itong mapupula. Bumagay ito sa maamo at maliit nitong mukha.