May pagdududa ang tingin nito. Ang totoo'y hindi naman siya nagmeryenda. Hindi nga rin siya nakapanananghalian dahil sa dami ng customer kanina't abala sa personal na problema si Milet maghapon. Okey lang na magsinungaling rito, tutal hindi naman nito alsm ang totoo kung kumain nga siya o hindi. Huwag lang ulit makialam ang sikmura niya, hinding hindi siya mabubuko sa kasinungalingan. Pero iyon ang akala niya. Hindi naman niya alam na maghapong lihim na nakamasid sa kaniya si Hunter. "You're lying. You did not even eat lunch." Tumiim ang titig nito sa kaniyang mga mata. Animo may hindi ito nagustuhan sa sinabi niya. Eh, ano ngayon dito kung hindi siya kumain maghapon? "Inuugali mo nang magpalipas ng gutom. Hindi ka ba natatakot na magka-ulcer?" mariing wika nito. Para siyang pasl