CHAPTER 17

2493 Words

BINALIKAN niya si Hunter nang gabing iyon para makapag-usap sila. Hindi siya mapakali sa naging pag-uusap nila kanina. Mabigat ang dibdib niyang nilingon ang orasang nakasabit sa dingding. Malalim na ang gabi. Nag-alangan tuloy siyang tumuloy sa balak. Binawi niya ang kamay na sana ay kakatok sa pinto ng silid ni Hunter at tumalikod. Naninikip ang dibdib niya dahil sa sobrang kaba. Paano kung itaboy ulit siya nito? Nagalit ito sa kaniya kanina. Napalunok siya. Hinamig ang sarili at mabilis na bumaba para tunguhin ang kusina. Tulog na lahat ng mga katulong kaya wala siyang naabutan doon. Binuksan niya ang fridge at kumuha ng tubig. Napabuntunghininga siya matapos uminom. Tama bang kausapin niya si Hunter? Nang ipamukha sa kaniya ni Ricar ang kasinungalingan nilang dalawa ni Hu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD