Agatha Beatrix's POV Alas-dose na ng tanghali pero hindi ko pa rin magawa-gawang bumangon sa kama ko dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Uminom naman na ko ng gamot kagabi pero ang init ko pa rin talaga. Bwisit na ulan 'yan at pati na rin si Nicolas. Ayoko pa naman nagpapaulan dahil mabilis akong magkasakit at ayaw na ayaw kong nagkakasakit ako dahil nasasayang ang panahon na sana ay kumikita ako. Hindi naman kasi ako magpapaulan kung hindi lang nag intrimitida si Nicolas. Masyado kasi siyang mapapel sa buhay ko kahit wala naman siyang dapat na gampanan sa buhay ko. Isa lang naman siyang padagdag sa mga problema ko. "Agatha, bumangon ka na. Kakain na tayo." Mabilis kong itinalukbong ang kumot ang buong katawan ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko kaya naman hinawakan