MATAAS na ang araw nang magising si Maia at iyong nakakasilaw na sinag galing sa bintana ang tuluyang gumising sa kanyang kamalayan. Kinusot kusot niya ang isang mata habang marahan na bumangon. Hindi niya matandaan kung anong oras siya nakatulog at may kaunting kirot sa ulo siyang nararamdaman. Alam niyang madami-dami din ang nainom niya nang nagdaang gabi para lang tulungan ang sarili na makatulog. A scene flashback to her mind like a movie. The scene happened in a bar where she hugged a man whom she didn't knew. Agad siyang nakaramdam ng kilabot dahilan para mayakap ang sarili. Sumunod na nag-flashback yung eksena nang nagdaang kung saan pinipilit niya matulog si Lucas sa kanyang tabi. Mabilis niyang sinaklob ang kumot sa kanyang ulo. Ano bang pinag-gagawa niya kagabi? Bakit niya pinip