HINDI maintindihan ni Maia ang nararamdaman niya ngayong kasabay sa iisang hapag kainan si Lucas. Dati naman silang sabay kumain noong magkaibigan pa silang dalawa pero walang eratikong pakiramdam. O baka meron na noon, mas malala lang ngayon. Hindi niya magawang magfocus sa pagkaing niluto nito para sa kanila. Dapat kasabay nila ang parents nito hindi natuloy kaya silang dalawa lang tuloy ang magkasalo. "I'm melting, Maia." Napukaw siya ng sinabing iyon ni Lucas sa kanya. She cleared her throat, then looked down on her plate. "I'm not staring. Feeling mo lang 'yon," He laughed, "Wala naman akong nilagay na lason dyan. Wala ding gayuma kung iyon pa ang isang iniisip mo," "Wala akong iniisip na gano'n," palusot niya kahit iyon talaga ang agam-agam niya kanina pa. Hindi na kumibo pa si L