Cathleen point of view: NAGDIDIWANG ANG loob kong kumagat si Althea sa pain ko na dumalo sa birthday party ng kambal. Dumating nga siya gaya ng inaasahan ko ang hindi niya alam may plano na ako para sa dalawang pilit niyang hinaharangan. Saglit kong iniwanan sila ni Typhoon at Dwight sa table namin at kinakuntsaba ang isang waiter namin na lagyan ng pampa-diarhea ang inuming iaabot kay Althea at siguraduhing maiinom 'yon ni Althea para maikulong ko siya sa banyo. Maldita na ako kung maldita, pero saka lang naman lumalabas ang sungay ko kung may sungay din ang kaharap ko. Pigil-pigil ang tawa ko ng sarap na sarap nitong sinisimsim ang wine na dinala sa kanya habang busy naman si Typhoon at Dwight na nagkukwentuhan sa tabi niya. "That's it couz, enjoyin mo...hello kubeta ka mamaya." Na