Typhoon: BINALINGAN KO MUNA ang mga files na iniuwi ko at nag-review sa bedside table katabi ang mag-iina ko. Napapamura na ako sa isip dahil inaantok na ako pero gising na gising pa ang kambal habang si Catrione? Hayu'n at tulog na. Pinabantay pa tuloy ako sa mga bata. Mabuti na lamang at tahimik naman ang mga itong naglalaro sa kanya-kanyang iPad kaya nakaka-review ako ng 'di nila ginugulo. Napangisi ako ng masulyapan ang mga itong inaantok na. Namumungay na rin ang mga mata nila na panay ang hikab. Pasado alasonse na rin ng gabi kaya nagligpit na ako ng gamit at sumampa na sa kama katabi nila. "Daddy..." Napangiti ako sa anak kong inaantok na ang boses at inabot na nila sa akin ang iPad nila na itinabi ko sa bedside table. "We want to cuddle with you Daddy.." Ungot pa ng Tyrone