Moon:
"Donna! Pandecoco mo nga, bente pesos!"
Masiglang saad ko sa anak ni Mang Dindo. Ang may-ari ng bakery shop na kaharap lang ng bahay ko. Siya kasi ang namamahala dito sa shop nila, kasama ang ilang tauhan nila.
"Eto na, kailangan ba'ng sumigaw, hindi ako bingi."
Natatawang saad nito habang kumukuha ng pandecoco na in-order ko.
"Ang saya mo yata ngayon, Buwan. Anong meron hmm?"
Anito habang iniaabot ang order kong nakasilid na sa paper bag.
"Halata ba?"
Aniko sabay abot ng bente pesos bill dito at kinuha ang order ko. Nagtungo naman ako sa vending machine nila at naghulog ng limang pisong coin. Ni-press ko ang hot choco botton nito at ilang segundo lang, booom! may isang basong kape na akong panulak sa tinapay na agahan ko.
"Oo, ang aliwalas ng mukha natin ah! Anong balita?"
Osyoso pa nito habang inaayos ang mga bagong bake nilang tinapay. Naupo naman ako sa bakanteng monoblock dito sa gilid at nagsimulang kainin ang order kong pandecoco at kape.
"Sa radio o sa tv?"
Sagot ko na ikinatawa at iling nito. Narinig ko lang naman 'yon sa kanta sa radio ni...ano nga ulit pangalan ng singer na 'yon?! Kawayan yata! Ewan, basta 'yon na 'yon!
"Baliw! Sa buhay mo?"
"Wala."
Simpleng sagot ko at sumubo ng pandecoco. Lumapit naman ito na may dalang kape at dalang slice ng buko pie. Naupo ito kaharap ko at maingat inilapag sa mesang napapagitnaan namin ang dala.
Sixteen anyos pa lang ito pero kung makatawag sa akin ng Buwan akala mo naman kaedaran ko lang.
Hindi naman lingid sa kaalaman kong may gusto siya sa akin. Sa tuwing siya nga ang nakabantay dito sa shop nila, may extra pandecoco ako sa kanya. Kuripot kasi ang Ama nito kaya mas masaya kung ito ang nakabantay.
Isang ngiti na may kasamang kindat ko lang ay namimilipit na ito sa kilig!
Pinamumulaan din ng mukha at nagniningning ang mga matang nagha-heart-shape sa akin. Kulang na lang maihi ito sa harap ko sa sobrang kilig!
"Hindi eh, ang aliwalas kaya ng mukha mo. Effective na yata ang baretang sabon mo sa mukha ah."
Daldal pa nito habang sumisimsim sa kanyang kape at sa akin nakatutok ang kumukuti-kutitap niyang bilugang mga mata.
Maganda naman talaga si Danna. Maliit siyang babae na may pagka-chubby. Ang sarap niya sigurong yakapin lalo na't mistisa ito pero dahil menor de edad pa lang siya eh, tabi-tabi muna.
Istrikto pa naman ang Ama nito. Kung 'di ako habulin ng itak no'n pag pinatulan ko 'tong dalaga niya.
Baka ipa-demolish pa ang bahay ko!
"Wala nga."
"Weh? Babae 'yan noh? May haliparot ka na namang iniuuwi d'yan sa bahay mo! Hay nako! Buwan, Madapuan ka sana ng AIDS nang magtanda ka."
Paismid pa nito. Gan'to siya lagi sa tuwing may nahuhuli siyang babaeng iniuuwi ko. Paanong hindi niya makikita eh, madaling araw pa lang nakabukas na ang shop nilang kaharap lang ng bahay ko.
Kaya makikita niya talaga kung may lalabas na babaeng iniuwi ko. Binabantayan pa naman nito bawat kilos ko.
"Bunganga mo naman! Mamaya niya'n magdilang-anghel ka! Anak ka ng Tatay mo."
Napa-sign of the cross pa ako. Ang talas talaga ng dila nito eh.
Kung 'di ka lang bata, may kalalagyan ka sa akin! Tignan ko lang kung 'di tumirik ang mga bilugan mong mata.
Napailing na lang ako at natatawa sa naiisip. Tatawa-tawa naman ito sa naging reaks'yon ko.
Inubos ko na ang kape ko at nilakumos ang papercup nito bago ini-shoot sa nag-aabang na trashcan.
Napataas naman ito ng kilay nang ma-shoot ko 'yon.
"Aalis ka na?"
Aniya ng tumayo na ako at napatayo na rin.
"Oo, mamamasada pa ako, alangan namang bantayan kita dito. Kung 'di ako habulin ng itak ni Mang Dindo."
Natatawang sagot ko. Natawa na rin ito at nahampas pa ako sa braso.
"Sira! Umalis ka na nga, chupih!"
Pagtataboy pa nito na ikinatawa ko. Iiling-iling akong lumabas ng shop nito. Sakto namang paparating na ang jeepney ng Ama nito kaya binilisan ko nang tumawid ng kalsada. Mahirap na.
SISIPOL-SIPOL ako habang nakahiga sa motor ng tricycle ko habang naghihintay ng mga pasahero.
"Ang saya mo yata ngayon, P're?!"
Masiglang saad ni Arturo. Kapwa ko tricycle driver at buddy-buddy ko na rin. May asawa at dalawang anak na ito dahil aksidenteng nabuntis ang kinatagpo niyang textmate kuno.
Ngayon nama'y sising-sisi dahil matalas ang dila nang napangasawa niya. Bantay-sarado ito kahit pa nga dito sa toda ay pinupuntahan siya ng asawa. Naiiling na lang ako sa tuwing tinatalakan niya ang asawa kahit maraming taong nanonood.
Kaya todo ingat akong may mataniman ng semilya eh. Mahirap nang magkamali ako ng maanakan.
"Halata ba, P're?"
Nangingiting tanong ko na tinanguan nito. Tinapik pa nito ang hita ko kaya bumangon na ako at umayos ng upo. Umupo din ito sa tabi ko at nanunuri ang mga matang pinaniningkitan ako.
"Oo, mukhang may nauto ka namang pinagparausan kagabi ah."
Nanunudyong saad nito na may pataas-baba pa ng mga kilay habang nakangising aso.
Palibhasa kilalang-kilala ako nito. Gawain kasi namin kahit pa ngayong may asawa na ito'y naipupuslit ko pa rin sa mga inumang pinupuntahan namin.
"G*go! Anong nauto, 'di ba p'wedeng gusto din nilang magpakamot sa akin."
Naiiling sagot ko na ikinatawa nito. Sinipa pa bahagya ang binti kong nakade-kwatro kaya nahulog ako at muntik mapasubsob sa semento kung 'di lang ako naalalayan nang kung sino.
Para akong nakuryente sa paglapat ng palad nito sa braso ko.
Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at halos lumukso ang puso ko sa biglaang pagbilis ng t***k nito!
Para akong nakakita ng anghel na ngayo'y inaalalayan akong makatayo.
"Hi, you okay? What happened?"
Malambing tanong nito na lalong nagpatameme sa akin. Kung hindi lang ako binatukan ng g*go kong kaibigan ay hindi pa ako matatauhan sa pagkakat*nga ko sa ganda niya.
"Aray! Masakit 'yon hah?!"
Mahinang asik ko dito na ikinangisi niya. Umakbay pa ito at naglahad ng kamay kay chinita na kaagad kong tinabig.
"H'wag mong idapo ang marumi mong kamay sa kanya. Matetano mo pa ito."
Aniko at inakay na si chinita papasok ng tricycle ko. Napapakamot naman ito sa batok at muling bumulong bago ko ini-start ang makita.
"T*ng-ina P're. Jackpot ka d'yan ah, saan mo nahukay ang labanos na 'yan?."
Siniko ko lang naman ito at kinindatan bago lumarga.
"Saan tayo?"
Tanong ko dito at pinatulin ang patakbo ko para mas makasama pa ito.
"Ikaw, saan mo ba gusto?"
Balik-tanong nitong ikinanganga ko.
"Gusto mong mamasyal tayo?"
Lakas-loob kong tanong at piping nagdasal na sana pumayag ito. Para namang lumukso patalon sa kanya ang tumatalbog-talbog kong puso sa sobrang tuwang pumayag ito!
NANGINGITI AKO habang sinasabayan itong dahan-dahang naglalakad dito sa park. 'Di maiwasang pagtinginan kami ng mga tao lalo na itong kasama kong saksakan ng ganda at kaseksihan!
Pasimple kong sinasagi ang kamay nito at nakakaramdam ng libo-libong boltahe ng kuryente sa tuwing naglalapat ang aming balat.
"So? What is your name, jagiya?"
Napalingon naman ako at napataas ng kilay. Masyadong mabilis ang pagkakatanong nito kaya, so, lang ang nahagip ng utak ko.
"Ayan ka na naman sa pagiging inglisera mo, magtagalog ka kasi para magkaintindihan tayo."
Problemado kong sagot na ikinahagikhik nito.
Kita mo 'to i-inglis -inglisin ako at pagtatawan. May sayad na yata 'to eh!
Pinaningkitan ko ito kaya tumigil din sa pagtawa sa akin at sumeryoso. Inakay ko naman ito paupo sa bakanteng bench na nalililiman ng malaking puno ng acacia.
Napa-dekwatro pa ito at nagpangalumbaba sa harap kong tila giliw na giliw pagmasdan ang kagwapuhan kong taglay!
Namula pa ang mala-labanos nitong pisngi ng kindatan ko!
"Sabi ko, anong pangalan mo?"
Nangingiti nitong tanong na ikina-apir ko sa sariling palad.
"Moon Del Mundo, ang magbibigay liwanag ng buhay mo! Ikaw ba?"
Masiglang sagot ko na ikinahagikhik nito.
"I'm Alijah Park. Nice to meet you, jagiya."
Nakangiting sagot nito. Napakamot naman ako sa batok dahil ultimo pangalang binanggit nito'y 'di ko naintindihan! Ang sosyal ng dating nang pagkakabigkas nito. Tuloy park lang ang sumabit sa utak ko.
Ano daw? Parke ang pangalan niya?
*****
"Ano nga pa lang ginagawa mo dito?"
TANONG KO HABANG naglalakad kami papunta sa mga nakahilerang street vendors dito sa gilid ng parke.
"Vacation."
Napatangu-tango na lang ako at panakanakang idinadaplis ang palad ko sa palad nitong napakalambot!
Nahiya naman ang mga kalyo ko sa kamay sa lambot ng palad nitong tila bulak sa lambot!
"Kumakain ka ba ng mga 'yan?"
Alanganin kong tanong nang nagsimula itong tumusok-tusok ng mga fishball at kikiam sa palayok ni Manong na natutulala sa kanya.
Ano ba naman 'yan! Baka may gayuma pa ang mga tinda nito at maagaw niya sa akin si Parke. Mapurnado pa ako.
Nangingiti naman itong tumango-tango.
Napangiti na rin akong sinaluhan itong tumusok ng fishball at kikiam. Nagugutom na rin naman ako lalo't magtatanghalian na. Wala pa naman akong nabyahean muna sa dami naming tricycle sa toda.
Swertehan na lang kung malayo-layo ang sasakay sayo, para sulit naman ang ilang minuto mong pagkatengga!
Napakasarap niyang pagmasdan habang tumatawa na kumakain ng mga street food at hindi mo makitaan ng kaartehan!
Kahit kitang anak mayaman ito'y hindi nandidiring nakikihalubilo sa mga katulad kong kahit kaliligo pa lang ay mukha pa ring walang ligo! Langhiya!
Para akong batang pinahamugan ng direktor sa movie habang kinukunan ang artistang tulad niya!
Natigilan ako nang makasalubong namin ang isa sa mga naikama ko na dati na nakilala lang sa merchandise na pinagtatrabahuan nito kaharap lang din ng toda namin!
Parang nakalimutan ko tuloy maglakad ng maayos kaya napansin ni Parke ang paglakad kong tila naglilingkisan ang mga binti ko!
"What's wrong, Moon? You okay?"
Nag-aalalang tanong nito at sinuri pa ang kabuoan ko mula ulo hanggang mga sapatos kong butas-butas at wala pang ilang buwang laba!
Napakamot na lang ako sa pisngi dahil ang pangalan ko lang ang na kats-up ng utak ko sa itinanong nito.
"Buwan?! OMG! Ikaw nga! Kumusta?"
Napatabingi ang ngiti ko nang naabutan na nga kami ng babaeng iniiwasan ko. Ni hindi ko na nga maalala ang pangalan nito. Basta ang tanda ko lang, napa-utot pa ito noon ng malakas habang nagpapalitan kami ng ungol! Paanong hindi ko 'yon makakalimutan? Dahil nakakasuka ang baho ng utot nitong dinaig pa ang amoy ng bagok na itlog! Kung hindi lang ako nasa kalagitnaan ng ulap noon ay hinila ko ito palabas ng lungga ko isama na rin niya ang polluted niyang hangin!
Walanghiya! Maganda sanang babae pero nakakasuka naman ang tindi ng perfume ng hangin nito sa tyan!
"Ahemm! Maayos naman-..."
"Mariel."
Tuloy nito sa pag-iisip ko ng itatawag dito.
"Tama! Mariel! Okay naman ako, eto buhay pa."
Masiglang saad ko sabay kindat na ikinapula ng mukha nito. Nahampas pa ang braso ng kasamang mukhang katrabaho rin dahil pareho sila ng suot na uniporme.
"Mukha nga, ikaw hah. Available ka ba sa weekend? Sumama ka naman sa amin ng mga friends ko, may night swimming kasi kami eh. Ako lang ang walang kapares."
Paglalambing pa nito at nagpakurap-kurap pang tila napuwing yata sa kapal ng suot na maskara.
"Ahm!"
Sabay-sabay naman kaming napalingon sa katabi kong nakahalukipkip na at palipat-lipat ng tingin sa aming tatlo. Nagtatataka naman si Mariel at kasama nitong tumingin sa akin.
Hindi pa man ako nakakabawi ay yumakap na si Parke sa tagiliran kong ikinatulos ko.
Nangatog bigla ang mga binti ko sa pagyakap nito sa akin! Sh*t! Naman oh!
Ang gwapo ko talaga, mukhang pag-aagawan pa ako nitong dalawa!
Natigil ang paglalakbay ng diwa ko nang magsalita si Parke ng pataray ang tono.
"Sorry to disappoint you, but. My boyfriend is not available."
Napalunok ako at kinilig maging balun-balunan ko! Kahit hindi ko naintindihan lahat ng sinabi nito sa bilis niyang nagsalita ay sumabit pa rin naman sa kokote ko ang boyfriend na binanggit nito.
Tinawag niya akong boyfriend?! Ang bilis naman! Hindi ko pa nga sinasagot. Pero 'di bale na nga, napakaganda din naman niya. Hindi na ako lugi kahit pikutin na niya ako!
"Ah, g-girlfriend ka pala. Pasensiya na."
Napabalik ang ulirat ko sa pagpapaumanhin ng kaharap namin. Kita ko pa sa mga mata nito ang kakaibang lungkot at sakit habang unti-unting nanunubig.
Yumuko ito at inakay na nang kasama palayo sa amin. Bigla naman akong nakosensya. Napalingon ako sa kanila at kitang nagpapahid ito ng mukha.
Hala! Umiyak nga! Bakit?! Nasarapan naman siya sa akin dati ah. Halos hindi nga niya ako tantanan sa kauungot ng isa pa. Muntik pa nga'ng maubos sa kanya ang condom na stocks ko sa bahay!
"Stop staring at her."
Napalingon ako sa katabi ko sa tila pagbabanta nito. Seryoso naman itong nakatingala sa akin dahil hanggang balikat ko lang ito. Nakayakap pa rin ito sa akin kaya 'di ako makakilos ng matino. Malapit na ring magising si manoy sa pagkakaharap nila ng mani niya!
Anak ng teteng! Pag-iyan nagising tignan ko lang kung 'di ka tuklawin!
"Tara na nga, lipat tayo sa ibang lugar."
Untag nito sa pagkahulog ko sa kawalan. Nakakat*nga talaga ang babaeng 'to. Langhiya! Ang b*bo ko na nga eh, pinapalala pa nito!
NAGPATIANOD NA ako nang magsimula na itong humakbang pabalik sa kinapaparadahan ng tricycle ko. Nakayakap pa rin ito sa akin na akala mo nama'y sinagot ko na.
Napapailing na lang ako sa isip-isip ko at na-e-excite kung anong itsura nito pag pinatirik ko na ang mga chinitang mata.
Baka hindi lang mauutot ito sa ipaparanas kong pag-akyat sa kanya sa langit. Baka mapa-ipot pa ito!
Nakaka-disappoint naman kung gano'n.