Catrione: NAKATULALA AKO HABANG nakatitig sa malawak na tanawin. Nandito kami ngayon sa hacienda nila daddy kung saan ko dinala noon si Typhoon nu'ng mag-asawa pa lang kami at nagpapagaling ito. Kusang sumilay ang ngiti sa mga labi ko habang nagbabalik tanaw sa nakaraan. Sa lugar na 'to naging buo at masaya ang pagsasama namin ni Typhoon. Wala kaming ibang ginawa noon dito kundi iparamdam kung gaano namin kamahal ang isa't-isa. Sa lugar na 'to kung saan malayo sa lahat ay mas lalo ko siyang minahal at nakilala. Parang nakikinita ko pa ang nagdaan habang nandito ako sa burol at nakasalampak sa damuhan. Mariin akong napapikit kasabay ng pagtulo ng aking mga luha at napayakap sa sarili habang inaalala ang bawat halakhak naming dalawa na nagkukulitan, sumasayaw at naglalarong parang mga bat