Typhoon:
"Sige na Crayon gusto kong pumunta du'n."
Lambing ko pa kay Althea na pumunta kami sa kung saan. Napaka-sweet naming tignan at kahit sino'y maiinggit sa amin lalo na't napakaganda din naman ng girlfriend ko.
Malabo man ang mukha nito'y alam na alam ko namang siya ang kasa-kasama kong babae.
"Maraming babae du'n eh!"
Problemado nitong sagot pero inalalayan pa rin naman akong magsuot ng sapatos ko bago inakay palabas ng bahay. Para kaming nasa probinsya sa tanawin sa paligid. Ipinag-drive ko ito sa isang Jeep Wrangler at binagtas ang sementadong daan. Nakaka-relax pagmasdan ang tanawing nadadaanan namin habang magkahawak-kamay kami ni Althea at masayang naglalambingan.
Nagtungo kami sa malawak na ubasan at magkayakap na naglibot-libot sa paligid. Napaka-sweet din nito sa akin habang nagsusubuan pa kami ng mga napipitas naming ubas! Hindi rin ito nag-aalangang halikan at yakapin ako kahit marami kaming kasama na pumipitas din ng ubas.
Hanggang sa nagtungo kami sa isang tila enchanted na ilog! Napakaaliwas ng lugar at napakalinaw din ng kulay asul na tubig. Napaka-romantic tignan ang lugar lalo na't kay linaw ng rumaragasang tubig mula sa batis!
Magkayakap kaming lumusong sa tubig at hawak-kamay lumangoy hanggang sa batis at doon tumapat. Napakaganda niyang tignan habang nakalantad sa harapan ko ang perpektong hubog ng pangangatawan nito.
"Mahal kita."
"Mahal na mahal din kita, my hunky handsome husband."
NAPABALING-BALING AKO ng ulo sa sinabi nito kasabay ng unti-unti niyang paglalaho sa harapan kong tila hinihigop ng malakas na ihip ng hangin!
" CRAYOOONNNN!!!"
Napabalikwas ako at habol-habol ang paghinga sa sobrang pagkahingal ko. Napasabunot ako sa ulo ko habang inaanig ang mukha ng kasama ko sa panaginip. Hindi ko sigurado kung nangyari 'yon sa nakaraan o sadyang panaginip lang.
May kung anong kumikirot sa bahagi ng puso ko at kusang nag-alpasan ang mga luha ko. Sa tuwing napapanaginipan ko ang babaeng hindi malinaw ang mukha sa panaginip ko'y napakabigat ng loob ko paggising ko dahil bigla-bigla itong naglalaho sa paningin ko. Pakiramdam ko'y may pinangungulilahan ang puso ko na hindi ko mabatid kung ano? O sino?
Palagi ko ring tinatawag itong Crayon na sabi ni Althea ay 'yon daw dati ang tawag ko sa kanya. Dahil siya ang kulay ng buhay ko. Pero ngayo'y mas gusto niyang babe ang endearment namin dahil nakapagsimula na kaming muli.
Nakakatawa lang dahil isang tao lang naman ang napagkamalhan kong Crayon ang pangalan noon.
Ang babaeng unang beses nagpatibok ng puso ko, pero napaka-imposible kong makuha dahil langit siya, at lupa lang ako.
Kahit pa milyonaryo na kami ngayon dahil sa impluwensya ng pamilya Park. Ang side ni Nanay Alijah Park. Wala pa rin kaming binatbat sa yaman at impluwensya ng pamilya niya. Si Catrione Montereal, na minsan ko lang nakita sa tanang ng buhay ko mahigit isang dekada na ang nakakalipas.
Kargador pa lang ako noon sa palengke, nu'ng makilala ko siya at naging inspiration.
Pero ngayo'y iba na ang tinatawag kong Crayon ng buhay ko. At 'yon si Althea, ang girlfriend ko.
Limang taon na rin kaming magkarelasyon, at sa loob ng limang taon ay nakakatuwang wala kami ni minsang pagtatalo. Napakalambing, maasikaso at mapagmahal nito kahit nasa trabaho kami. Kaya wala na akong mahihiling pa. Nagpaplano na nga akong ayahin itong magpakasal na kami, dahil sigurado naman na ako sa kanya. Na siya ang babaeng gugustuhin kong iharap sa altar, at pangakuan ng habang-buhay kong pagmamahal.
KINABUKASAN AY palihim kong kinausap ang mga tao ko sa headquarters para sa proposal ko sa girlfriend ko. Todo suporta naman ang mga ito sa amin at nangakong tutulungan akong mapapayag si Althea.
"Okay ka lang, Capt.?"
Napatunghay ako naging ka-buddy ko na rin dito sa trabaho. Si Spo4 Kelvin Altamero. Bagong lipat lang din siya noon dito sa headquarters namin pagkabalik ko ng trabaho. Ngumiti akong tumango dito na ikinangiti rin nito at naupo sa silyang kaharap ko.
"Sigurado ka na ba? Gusto mo ng magpatali kay Lieutenant, buddy?"
Paniniguro nito na ikinatigil ko.
"Sigurado ako sa kanya buddy. Isa pa, limang taon na kami at alam kong hinihintay niya lang na alukin ko na siya ng kasal."
Nakangiting sagot ko na ikinatango-tango naman nito.
"Iniisip ko lang kasi buddy, 'di ba nga may mga nabura pa rin sa memorya mo hanggang ngayon at 'yong babaeng laman lagi ng mga panaginip mo sa loob ng limang taon. What if.....?"
"What if?"
Ulit ko na ikinailing nito at napahinga nang malalim.
"What if, hindi pala siya si Lieutenant? Ikaw na mismo ang nagsabi buddy, hindi malinaw ang mukha ng babae sa panaginip mo. Paano kung 'yong mga napapanaginipan mo ay parte pala ng nakaraang nabura sa ala-ala mo? Mahirap naman kung kailan kasal na kayo, saka may ibang lilitaw na babae mula sa nakaraan mo."
Natigilan ako at napaisip sa sinaad nito. May kung anong kaba at agam-agam na biglang bumundol sa dibdib ko. Pero imposible namang may ibang babae pa sa buhay ko. Malabong mangyari 'yon dahil 'di naman ako babaerong tao.
"Malabo, buddy. Bakit sa loob ng limang taon wala namang nanggulo sa amin ni Althea, pa-support na lang buddy 'yon ang kailangan ko."
Aniko sabay tapik sa balikat nito. Pilit naman itong ngumiti at tinapik ako pabalik bago lumabas ng opisina ko.
NAPABALIK ANG ulirat ko sa pagkatok ng kaharap ko sa mesa ko. Kunotnoong mukha ni Althea ang bumungad sa akin na ikinapitlag ko.
"What's wrong, babe? Natutulala ka na naman."
Anito sa nag-aalalang tono.
"Nothing babe, come here."
Pagkakaila ko at pilit umakto ng normal sa harap nito. Nakangiti naman itong lumapit at kumandong sa akin paharap na ikinamilog ng mga mata ko. Napahaplos ito sa buhok kong tayong-tayo dahil sa wax habang nagniningning ang mga matang pinagmamasdan ako. Napangiti na ako ng ito na mismo ang naglapat ng kanyang mga labi sa mga labi kong kaagad ko ring tinugon ng masuyong halik. Napayakap ako sa may kaliitan nitong baywang at mas pinalalim ang halikan naming sinasabayan naman nito.
"I love you so much, babe."
Bulong nito sa pagitan ng aming mga labi na ikinalapad lalo ng ngiti ko.
"I love you too, babe. I love you more."
Sagot ko bago muling sinunggaban ang mga labi nito ng mapang-angking halik na ikinatawa at layo nito sa kanyang mga labi.
"H'wag mo nga akong binibitin, babe."
Protesta ko at kinabig ito sa kanyang batok palapit sa aking mukha at muling inangkin ang mga labi nitong nakakagigil at takam!
Tatawa-tawa naman itong tinutugon ako at panakanakang kinakagat ang ibabang labi kong lalong nagpapa-turn-on sa akin!
"Babe?! Makita tayo."
Saway ko nang nagsisimula na naman ang may kapilyahan nitong kamay na humahaplos kung saan-saan. Napahagikhik naman itong sumubsob sa leeg ko habang patuloy pa rin ang isang palad nitong kinakalas ang pagkaka-tuck-in ko sa uniporme ko.
"Haplos lang babe, ang damot nito."
Ungot pa nito na ikinatawa ko dahil nakapasok na nga sa loob ng pants ko ang kamay nitong napakalikot at humahaplos na sa alaga kong nananahimik.
Nakakatawa lang na hanggang ngayo'y wala pang nangyayari sa amin dahil sa tuwing nakakaramdam kami ng init ay hindi naman nito nabubuhay ang nahihimbing kong alaga. Mabuti na lang naiintindihan nito ang sitwasyon ko at nagkakasya na lang sa kamay ko para magpalabas ng init.
Hindi ko rin maintindihan dahil nang minsang uminom ako ng gamot pangpagana ay 'di manlang umipekto sa alaga ko. Malusog naman ako, sadyang hindi lang tumatayo ang alaga ko kahit makailang beses na naming sinubukang mag love making.
Sinabi naman nitong dati na kaming active sa s*xlife namin bago ang aksidente ko, 'yon yung mga napapanaginipan kong napaka-wild naming dalawa sa isa't-isa! Kaya minsa'y nahihiya na ako dito dahil hindi ko pa napupunlaan ang matres nito kahit ilang taon na ang relasyon namin.
KABADO AKO HABANG hinihintay matapos ng mga kasama ko sa harap ng headquarters namin ang mga letters na mabilisan nilang ginupit para mabuo ang katagang 'WILL YOU MARRY ME, LT. MONTEREAL.' Masyado kasing mahaba ang pangalan nito kaya ini-short-cut na namin.
May mga red roses ding binili ang mga ito na iaabot kay Althea maya-maya pagkalabas nito ng opisina.
Nauna naman akong bumaba dahil kailangan ko pang i-double check kung nasa plano ba ang lahat. Nakahinga ako nang maluwag ng maayos nilang m
nakumpleto ang mga kakailanganin ko.
Panay ang buga ko nang hangin habang hinihintay si Althea dito sa gitna ng basketball court na kaharap ng headquarters namin. Nandito na lahat ng mga katrabaho namin at inakay naman nila Cuevas at Gomez si Althea pababa dito ng may piring sa mata.
Panay ang abot ng mga kasama kong nadadaanan nito ng red rose na tinatanggap nila Cuevas at Gomez bago iabot sa kamay nito.
Halos kapusin ako ng hangin sa baga at kakaiba ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko! Para na nga'ng madudurog na ang puso ko sa lakas at bilis ng pagtatatalon nito sa loob ng ribcage ko!
Nang nasa harapan ko na ito ay iniluhod ko na ang isang tuhod ko sa semento at binuksan ang red box na hawak ko kasabay ng unti-unting pagtanggal nila Cuevas at Gomez sa piring nito sa mata. Naghiyawan, palakpakan at tilian ang mga kasama naming umaalingawngaw sa paligid. Napatakip naman ito sa bibig ng palad at naluluhang tumitig sa akin. Bakas ang pagkabigla at sobrang tuwa sa kanyang mga matang nakatitig sa akin.
"Lieutenant Althea Arrabelle Montereal, we've been together for five years....And now I'm here, infront you...asking you if you'll allow me to be your leading man who will stay by your side, for the rest of your life....Babe. Will. You. Marry. Me?"
Hindi pa man ito nakakasagot ay biglang may sumugod sa akin ng yakap na dalawang paslit at sa kabiglaan ay natabig ng mga ito ang singsing na pang-propose ko sa girlfriend ko!
Nanigas ako at parang napako sa kinauupuan kong semento dahil nawalan ako ng balanse kaya napasalampak ako ng upo sa kanilang biglaang pagsulpot at pagyakap sa akin. Pero ang mas ikinatigas ko ay ang paghagulhol ng mga ito sa magkabilaang balikat ko at ang pagtawag nila sa akin ng.......DADDY.