4 : Mr.Lavander is a nice guy

1670 Words
Nawala ang panlalabo ng akin'g mga mata at malinaw ko ng nakikita ngayon ang lalaking nakilala ko lang kagabi sa brothel. Ni hindi ko alam ang pangalan ng lalaking ito pero heto at nagtatago ako ngayon sa bisig niya. Bakit napunta siya sa lugar na ito? Sobrang dami kong tanong ngunit nabura ang mga iyon ng maalis ang tingin sa akin ng lalaki at mapunta ito sa grupo ng mga kalalakihan na humahabol sa akin. "Ibigay mo na sa amin 'yan sir. May itatanong lang kami tungkol sa ginawa ng ama niya." Mahinahong ani ng isa sa mga lasing. Si Tiyo Eduardo ito, yun'g may-ari ng sugalan na pinasara ni papa. "You can talk to her while I'm still here." Sternong sagot sa kaniya ng lalaki. Humigpit ang pagkakahawak ko sa polo niya, akala yata nito ay natatakot ako kaya hinigpitan na rin niya ang pagkakayakap sa akin. Animo'y mga ano man'g oras ay balak na niya akong ibaon sa katawan niya. Bagay na ikinatuwa ko lalong-lalo na sa ganitong klase ng sitwasyon. Ewan ko pero ramdam ko na kayang-kaya akong protektahan ng lalaking ito. Alam ko na ligtas ako pag nasa tabi ko siya at ang weird niyon dahil wala naman kaming relasyon at pangalawang beses pa lang namin itong pagkikita. "Hindi pwede sir." Napapalatak si Tiyo Eduardo. Palihim niyang sinenyasan ang mga lalaking nasa likoran niya kaya nanlaki ang mga mata ko at palihim kong hinila ang lalaki palapit sa akin para in case na gustohin niyang sumugod kila tiyo Eduardo ay agad ko siyang mapipigilan at maihaharang ko ang katawan ko para protektahan siya. "U-Umalis na lang tayo please..." Pakiusap ko sa lalaki habang nakayuko. Hindi ko maatim na titigan siya sa mata habang alam ko na nilalagay ko sa peligro ang buhay niya. "La-Lasing lang sila. Hind-Hindi naman nila ako hahabulin kung nasa tamang katinuan sila." Dagdag ko pa. Kahit hindi ako magtaas ng tingin ay ramdam kong napatango ang lalaki. Pumalupot niya ang kaniyang braso sa paligid ng akin'g bewang bago siya nagpatiuna na lumakad palapit sa naka parada niyang sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng taong ito ngunit natatakot ako kila tiyo Eduardo kaya hinayaan ko na lang na igaya niya ako papunta sa kung saan. Nakatalikod na kami ngunit hindi pa rin nagpapatinag sila Tiyo Eduardo. "Saglit!" Galit nitong sigaw. Napalingon ang lalaki sa matanda dahilan upang napatigil ito at puno ng takot na mapatitig sa lalaking katabi ko. Huh, Ano'ng nangyari kay tiyo? Bakit parang nakakita siya ng multo? Tumingala ako para tignan ang mukha ng lalaking nasa tabi ko pero ganoon pa rin naman ang itsura niya. Blangko, distant at malamig. Wala naman'g pinagbago. "Leave." Matipid na utos ng lalaki. Muntik ng malaglag ang panga ko sa sobrang gulat ng makita ko kung paano magtatakbo paalis ang grupo ng mga lasinggero. Para silang hinahabol ng kamatayan sa sobrang bilis ng takbo nila. Ano'ng nangyari sa mga iyon? "S-Salamat po pasensya na kung niligtas mo na naman ako ah?" Pagbabasag ko sa katahimikan na namamayani sa pagitan namin'g dalawa ng estranghero. Hindi niya ako sinagot. Nanatili lang siyang tahimik habang seryosong nakatitig sa akin ang mga mata niya. "Lara?" "Po?!" Masaya akong napatingala dahil natatandaan pa pala niya ang pangalan ko. Akala ko ay nakalimutan na niya ako! Ngunit agad din'g nabura ang ngiti sa akin'g mukha ng may maalala ako. "Bakit ka nga po pala nandito? Malayo pa po rito yun'g brothel atsaka nasa isang kalye po iyon..." Bahagyang napanguso ang akin'g labi. Kaya mas lalong naging mapula ang manipis niyang labi. "I have some business here that needs to be manage personally. How about you?" Bahagyang yumuko ang estranghero. Meroon siyang tinaggal sa ulunan ko, isang tuyong dahon na siguro ay nakuha ko noon'g tumatakbo ako palabas ng eskenita namin. Marami kasing puno roon kaya marami rin'g tuyong mga dahon. Kinuha ko sa kamay ng lalaki ang tuyong dahon bago ko siya nakangising tinignan. "Papunta na sana ako kila Mamang pero nakita nila ako kaya..." Hindi na niya tinanong kung bakit ako hinabol ng mga lalaki imbes ay napatango-tango lang siya. "Can I join you?" Eh? Pero pupunta lang naman ako kila mamang. Ano'ng gagawin niya roon? "Pero pupunta lang ako kila mamang baka mamaya mainip ka lang po roon?" Sinuri ko ng tingin ang kabuuan niya at ng makita amg pormahan niya ay hindi ko maiwasang mapaismid. Nandito siya sa lugar namin pero 'yong suot niya ay parang makikipagkita siya sa mayayamang tao. Kung dadalhin ko siya kila Mamang na tirahan ng mga pulubi baka dumugin kami... Nahihiya akong napakamot sa ulo ko. Paano ko ba sasabihin ito sa kaniya. Muling kong tinitigan ang gintong relos na nasa kaniyang pala pulsuhan. "Eh ano kasi baka pagkaguluhan tayo..." Nahihiya kong saad. Nawala ang pagkakanguso ng lalaki dahil napalitan iyon ng sagad na ngiti. Mahina siyang napatawa kaya nagtaka ako. Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko? "Kasi mukha kang yayamanin tapos yun'g lugar na pupuntahan natin ano..." Mahinang napatawa ang lalaki. Nalukot na ang mukha ko kasi wala akong ideya kung ano'ng nakakatawa. Isang beses pa siyang napailing. "My I apologize for dressing like a spoiled rich young master." Nagulat ako ng tanggalin ng lalaki ang suot niyang relos. Bago pa ako makaalma ay nagdire-diretso na siya palapit sa nakaparadang kotse. Binuksan niya iyon at initsa sa loob ang relos. Agad kong natakpan ang mga mata ko ng isa-isa niyang tanggalin ang butones ng suot niyang polo. A-Ano ba'ng ginagawa niya?! "K-Kuya bakit ka po naghuhubad sa gilid ng daan?!" Natataranta kong sigaw sa lalaki. Kahit na takip-takip ko ang mga mata ko ay palihim pa rin akong sumisilip para makita ko kung ano'ng ginagawa niya. Nagsuot siya ngayon ng kulay itim na shirt. Tapos sunod niyang tinatanggal ngayon ang pantalon niya. "Kuya huwag po kayong maghubad sa gilid ng daan!" Naiiyak kong pagmamakaawa sa estranghero ngunit mukhang wala itong balak na magpapigil. Nang tignan ko ulit siya ay nakasuot na siya ng kulay gray na sweatpants tapos naka tsinelas na rin siya at meroon ng hawak-hawak na kulay black na hoody jacket. "Is this fine?" Tanong niya ng makalapit sa akin. Wala akong masabi sa ginawa niya ngayon-ngayon lang kaya napatango na lang ako. "Then shall we go?" Wala sa sariling napatango ulit ako. Dala ang isang plastic na naglalaman ng mga Tupperware na meroon'g laman na ulam ay nagpatiuna na ako sa paglalakad. Hindi kalaunan ay nakahabol na sa akin ang lalaki at magkatabi na kaming naglalakad. Malapit ng lumubog ang araw at konti lang ang mga sasakyan na dumadaan dito sa highway. Kita ko kung paano umalis ang sasakyan ng lalaki, hindi ko inaasahan na meroon pala siyang kasama pero paano siya uuwi mamaya? "What's that?" Napalis ang pansin ko sa kotse niya ng inguso niya ang plastic bag na nasa kamay ko. "Ah ulam para kila Mamang. Kumain ka na ba?" "I'm planning to eat dinner at the brothel." "Ay oo masarap magluto ang mga chef ni Madam doon!" Mga chef na nagbebenta rin ng aliw sa mga customer. "Yeah. Do you want to eat with me?" "Pwede naman pero tungkol saan nga pala ang business na pinunta mo rito?" Hindi kaya meroon siyang iitayo na bagong restaurant o kaya ay fast food chain? "I didn't finish it because it wasn't here." "Wala rito?" Nilagay ng lalaki ang kaniyang mga kamay sa likoran niya. Ang payapa nitong tignan habang naglalakad sa tabi ko, para siyang naglalakad sa park lalo na at meroon'g banayad na ngiti na makikita sa mukha niya. Umaliwalas at lumiwanag tuloy ang imahe niya sa mga mata ko. Hindi na siya mukhang masamang tao lalo na at ilan'g beses na rin niya akong niligtas. Napangiti na lang din ako at inenjoy ang payapang oras na may kasama akong ibang tao. Tao na tuwing katabi ko ay pakiramdam ko ligtas ako. "Tumakas." "Huh sino'ng tumakas?" "Nothing. Ako na ang magdadala niyan?" Dahil iniisip ko pa rin kung sino yun'g sinasabi niyang tumakas ay kusa ng gumalaw ang katawan ko para ibigay sa kaniya ang supot na naglalaman ng mga pagkain. Masaya nitong kinuha ang hawak-hawak kong supot habang pinatong naman niya sa balikat ko ang hoodie jacket na dapat ay isusuot ko. ... Nang makarating kami sa harap ng tirahan nila mamang ay madilim na ang kalangitan. Kinuha ko sa kamay ng lalaki ang supot atsaka ako pumasok sa loob ng lumang tent. "Mamang ito po yun'g ulam atsaka kanina kumain na kayo!" Sigaw ko sa matandang kasalukuyang naka upo sa gilid ng maliit na papag. Sa kabila ng panginginig ng kaniyang mga kamay at panlalabo ng mga mata ay patuloy pa rin ito sa pananahi ng mga basahan. Napaangat lang siya ng tingin ng makapasok ako sa loob ng tent kasama ang lalaki. "Lara aba'y sino ba ang poging lalaki na iyan?" Bungad na tanong sa akin ng matanda. Napangiti ako at tinapon ko ng tingin ang lalaki na nakangiti rin kay mamang. "Mamang kaibigan ko po." Sagot ko. Dahil miski ako ay hindi ko alam kung ano'ng pangalan niya. Dalawang beses na kaming nagkikita ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakukuha ang pangalan niya. Dalawang beses na niya aking niligtas pero hindi ko pa rin pala naiisipan na tanongin kung ano'ng pangalan niya! Napangiwi ako at inis na napamura sa aking isip. "Ako po si Agares mamang." Magalang na pakilala ng lalaki sa matanda. Lumapit pa ito kay mamang at nagmano bago muling bumalik sa tabi ko. Agares. Iyon pala ang pangalan niya. "Now you know my name." Nang-aasar na bulong ni Agares sa akin, animo'y nahulaan na niya kung bakit bigla akong natahimik. "Tsss hindi po ako interisadong malaman ang pangalan mo kuya." Pataray kong ismid upang pagtakpan ang hiyang nararamdaman ko. Umakto naman si Agares na nasaktan dahil pinatong niya ang kamay niya sa kaniyang dibdib atsaka napanguso. "I was actually waiting for you to ask my name..." Nakonsensya ako pero hindi ko aaminin sa kaniya na nakalimutan ko lang talaga na itanong kung ano'ng pangalan niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD