3 : You again?!

1391 Words
Habang nakasubsob ako sa kaniya ay dinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaki. Miski ang tawa nito ay malalim at lalaking-lalaki, parang nangangaliti talaga sa tagliran ng kahit sino'ng babae. "Do you want my scent that much Miss?" Biglang tanong ng lalaki. Huh? Bakit ko naman gusto ng a- Namilog ang mga mata ko at mabilis ko siyang naitulak palayo sa akin ng marealize ko kung ano'ng ibig niyang sabihin. Hoy! Hindi ko gusto ang amoy niya. Na carried away lang ako! Parang nagusot yata ang dress ko kaya inayos ko muna ito bago ako nagtaas ng tingin upang tignan kung sino ang lalaking nagligtas sa akin. Agad akong napasinghap ng makita ko ang kaniyang mukha. Ang unang nakaagaw sa akin'g pansin ay ang hooded niyang mga mata na kulay berde. Nakatitig ito sa akin na animo'y hinahalughog na niya ang buong pagkatao ko. Nagsitayuan ang akin'g mga balahibo sa takot dahil bukod sa katotohanang dayuhan ang lalaking ito ay pakiramdam kong meroon'g kakaiba sa kaniya. Nanatiling nakatikim ang kaniyang labi habang nakababa ang tingin sa akin ng mga mata niya. Napapaso ako sa paraan ng pagtitig sa akin ng estrangherong ito kaya napaiwas ako ng tingin at nahihiyang napakamot sa aking batok. "P-Pasensya na po si-sir..." Mahina kong bulong. "What's your name?" Tanong naman niya sa akin pabalik. Akala ko ay guni-guni ko lang pero natural pala talagang malalim ang boses niya. Nilaro-laro ko ang akin'g mga daliri bago palihim na sumulyap sa kaniyang mukha. "La-Lara po sir." Ang sabi sa eskwelahan ay customer is always right. Natatakot akong magalit ito sa akin kaya kahit ayokong ibigay ang pangalan ko ay binigay ko na lang din lalo na at mukha siyang bigatin. Tinignan ko ang suot niyang suit. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang materyal na ginamit diyan at tiyak na mamahalin iyon. Bukod sa mamahaling suit ay kaagaw-agaw pansin din ang relos na nasa kaniyang kamay na kumikintab at kulay ginto. Walang duda. Mayaman ang lalaking ito at customer siya rito. "Lara..." Banggit ng lalaki sa pangalan ko. Akala ko ay tinatawag niya ako kaya nag-angat ako ng tingin at lakas loob na sinalubong ang nag-aapoy niyang mga titig. "Are you working here?" Tahimik akong tumango. Bumalatay sa mukha ng lalaki ang pagkamangha na napalitan agad ng pagtataka. "Pero katulong lang po ako! Tiga linis at hindi po ako pwedeng ikwarto sabi ni Madam!" Hirit ko. Baka kasi isipin nitong isa ako sa mga babae ni Madam. "How disappointing..." Bulong ng lalaki pero dahil masiyado iyon'g mahina ay hindi ko na narinig. "S-Salamat po pero kailangan ko na pong maglinis!" Hindi na ako komportableng tumayo sa harapan mo kuya kaya kailangan ko ng umalis atsaka nakakahiya naman kay Madam na sa unang gabi ko rito ay tatamad-tamad ako. Tipid na tumango sa akin ang lalaki. Gumilid pa siya upang bigyan ako ng daan bago bahagyang tumaas ang dulo ng manipis niyang labi. Namula ang magkabilang pisngi ko ng makita kung gaano kaganda ang ngiti niya. Ang pogi ni kuya! Bakit kaya kailangan pa niyang pumunta rito sa brothel? Halata naman na dahi sa charismang taglay niya ay kusa ng lalapit ang mga babae. "S-Salamat po..." Nagmamadali at nakayuko akong tumakbo palayo kay kuya. Habang naglalakad ako paalis ay ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa likoran ko. Habang alam ko na nakikita niya ako ay parang sinisilaban sa kilig ang akin'g pwetan. Ngayon lang ako natitigan ng poging lalaki! ... "Anak hindi muna tayo magtitinda ngayon uuwi ako sa probinsya kasama papa mo hindi ka namin masasa dahil kailangan mong asikasuhin 'yang pag-aaral mo. Tinuan mo at baka masalba pa natin 'yang grado mo." Sterno at blangkong bilin sa akin ni mama habang nag eempake siya ng mga gamit nila ni papa. Tahimik lang akong nakatayo rito sa isang gilid ng kwarto habang inaalala yun'g narinig kong usapan nila kanina ni papa. "Gusto ng apo ni mayor na pakasalan si Lara. Siguro mas mabuti ma huminto na lang siya sa pag-aaral at mag-asawa?" Alam ni mama na wala na akong pag-asa na makatapos kaya gusto nitong mag-asawa na lang ako. Iyon ang dahilan kung bakit uuwi sila ni papa sa probinsya. "Opo." Walang buhay kong sagot. Hindi man lang nila ako tinanong kung gusto ko bang makasal sa apo ng mayor. Mapait akong napangiti. Hindi ito makikita ni mama dahil nakayuko ako at masiyado siyang abala para tapunan ako ng tingin. Sa oras na ma-finalize na ang grado ko at makita nilang bagsak na naman ako, paniguradong kasal na agad ang susunod. Ayokong magpakasal sa taong iyon. Hindi ko siya gusto atsaka ang laki ng agwat ng edad namin! Habang umiisip ako ng paraan para makatakas sa set-up nila mama ay paulit-ulit kong pinaglaruan ang akin'g mga daliri. Kinakabahan ako at natatakot sa anong pwedeng kahinatnan ng lahat ng ito pero... Kailangan kong gawin ito para makakaya ako sa buhay na gusto nila mama para sa akin. "Isara mo itong pinto at huwag ka ng maggagala. Isang linggo lang kami sa probinsya." Iyon ang bilin ni mama sa akin bago sila umalis ni papa. Binigyan pa ako ni papa ng isang tingin bago ito naiiling na sumabay kay mama. Wala man lang itong sinabi pero sapat na ang pagkadismaya sa kaniyang mukha para malaman ko kung ano'ng iniisip niya. Sana'y hindi na lang ako ang naging anak nila. Sana ay lalaki na lang ako at hindi bobo. Minsan ko na rin narinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya noon'g lasing siya at nakikipag-inoman sa mga kumpare niya. Kung pwede nga lang na ipalit ko ang sarili ko sa ibang tao? Baka matagal ko ng ginawa iyon para mapasaya lang ang mga magulang ko. Matapos kong makapagluto ng para sa hapunan ay naglagay ako ng ulam sa tyro at sinamahan ko na rin ito ng kanina. Dala ang mga ito ay nakangiti akong lumakad paalis ng bahay. Pupuntahan ko sila Mamang at Vivien, paniguradong hindi na naman nakabili ng pagkain ang mga iyon dahil umulan kanina at mahirap mamalimos. Sasabihan ko na rin si Vivien tungkol sa alok ni Madam. Nasa kalahatian na ako palapit sa tent nila Mamang ng mapansin ko ang kumpol ng mga kalalakihan na nakatambay sa tindahan na daraanan ko. Nag-iinoman ang mga ito at halatang lasing na lasing na. Nakasara na ang tindahan kung saan sila nakatambay at mukhang sinadya iyon ng tindera dahil nagwawala na ang mga lasinggero. Napahinto ako sa paglalakad at nagdadalawang isip na napatitig sa mga lasinggero. Saan ba ako pwedeng dumaan niyan? Tumalikod na ako bago pa ako mapansin ng mga lalaki pero sadyang minamalas yata talaga ako ngayong araw. "Hoy ikaw 'yong anak nun'g pulis diba?!" Natigilan ako at napangiwi. Patay! Wala na talagang halong biro ito, kailangan ko na talagang tumakbo! Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa plastic ng pagkain na nasa akin'g kamay atsaka ako tumakbo paalis. "Hoy!" "Habolin niyo!" Sigaw ng mga lasinggero. Kahit na nakatuon ang pansin ko sa pagtakbo ay dinig na rinig ko ang paghabol nila sa akin. "Tulong!" Naiiyak kong sigaw. Halos hindi na ako makahinga habang mabilis na tumatakbo palayo sa mga lalaki. Lumabas ako ng eskenita at nalapit sa highway. Nagsisimula ng lumabo ang paningin ko dahil sa hingal at pagod at ramdam kong palapit na rin sila ng palapit sa akin. Malapit na akong madapa ng mapansin ko ang kulay itim na kotse na nakaparada sa gilid ng daan. Lumabas mula roon ang isang pamilyar na lalaki. Diretsong lumakad palapit sa akin ang lalaki at ng magkaharap na kami ay nagulat ako ng bigla niya akong hapitin at ikulong sa kaniyang dibdib. Napasinghap ako sa sobrang gulat lalong-lalo na sa pwersa ng yakapin niya ako ng mahigpit. "Hoy sino ka?!" "Ibigay mo 'yang anak ni sir sa amin. May sasabihin lang kami sa kaniya!" Dinig kong ani ng isa sa mga humahabol sa akin. Galit sila kay papa dahil pinasara ni papa yun'g sugalan at inoman nila! Kitang-kita naman sa mga mata ng mga lasinggero na ito na wala silang tamang gagawin kaya sa takot na baka ibigay ako ng lalaki sa mga taong iyon ay hinablot ko ang suot niyang polo. Tumingala ako at naiiyak na tinignan ang kaniyang mukha. Pa-Paanong? Napatigalgal ako sa pagkagulat ng makita ko na naman yun'g lalaki na nakabungguan ko kagabi sa hagdanan ng brothel. Paanong napunta siya rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD