"Baby, you need to fill out this paper." Napatingin ako kay baby na pumasok dito sa aming silid habang may dalang papel. Oo, aming silid dahil simula mamaya ay dito na ako matutulog sa silid niya at excited na akong makatabi siya! Napabangon naman ako at naupo sa gilid ng kama. Lumapit siya sa akin at naupo nang paharap sa aking tabi. Matapos niyang iabot sa akin ang papel ay yumakap siya sa akin at ipinatong niya sa kanan kong balikat ang kanyang baba. "Ano 'to?" tanong ko kahit binabasa ko na ang nilalaman niyon. Complete name, address, age, birthday? Bigla akong napalingon kay baby. Nakita kong nakapikit ang kanyang mga mata habang nasa ganoon siyang posisyon. "B-baby, para saan 'to?" Muli kong pinagmasdan ang papel at may nabasa akong Certification of Marriage sa itaas. "Di ba