"Ate Gina, p'wede mo ba akong turuan na magluto?" naisipan kong itanong kay ate Gina na palagi kong nakikitang abala sa pagluluto. "Talaga, bebe girl? At bakit mo naman gustong matutong magluto? May gusto ka bang ipagluto?" nakangiti niya namang tanong sa akin habang naggagayat siya ng kulay violet na bilog na hindi ko alam ang pangalan. "Para kasing ang saya magluto eh," sagot ko naman habang napapapikit. Nakakaramdam ako ng paghapdi ng aking mga mata at nanunubig ito. Napakusot ako sa aking mga mata. Hindi naman ako naiiyak ah. Hindi ko rin mapigilan ang pagsinghot, pakiramdam ko ay bigla akong sinipon. "Ano namang pagkain ang gusto mong matutunan na lutuin?" "Ahm...kahit ano? Wala kasi akong maisip, ate Gina eh. Kung ano lang 'yong alam mo. Basta, 'yong madali lang. Baka kasi hind