Avriah's POV Nagising ako sa pakiramdam na parang ang sikip-sikip. Hindi ako makakilos. Iminulat ko ang aking mga mata. Naramdaman ko ang hapdi nito at parang namamaga pa rin hanggang sa ngayon. Una kong nasilayan ay leeg. Umakyat ang aking mga mata patungo sa kanyang baba, paakyat sa kanyang labi na bahagyang nakabuka. Patungo sa kanyang ilong at mga mata niyang nakapikit. Malalim ang kanyang paghinga at halatang mahimbing na natutulog. Bumaba ang aking paningin sa mga katawan naming magkadikit at mga braso niyang mahigpit na nakayakap sa akin. Napansin ko rin ang mga braso kong nakayakap sa kanya ng mahigpit. Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Kaibigan niya lang daw ako pero sinabi niyang magpapakasal kami. May nagpapakasal ba na magkaibigan lang? Inalis ko ang mga braso