Habang nasa biyahe kami ay hindi ko mapigilang kabahan dahil makakaharap ko ang pamilya ni baby. Ano kaya ang gagawin ko kapag nakaharap ko na sila? Ano kaya ang sasabihin nila sa akin? Matatanggap kaya nila ako? Napakagat ako sa aking mga daliri dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Para na akong ninenerbyos! "Baby," dinig kong tawag sa akin ni baby ngunit hindi ko siya magawang lingunin o pansinin. Sumilip ako sa labas ng bintana ng sasakyan at hinanap ang buwan. Nasaan ka? Tulungan mo ako? "Baby." Madilim na sa labas dahil dinner time ang napiling oras ni baby para ma-meet ko ang family niya. "Baby?" Nagulat ako at napalingon kay baby nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking hita at marahang pagpisil doon. Napatitig ako doon dahil sa ginawa niyang pagpisil. Nakita ko