PROLOGUE

377 Words
THIRD PERSON Isang bato ang bigla na lamang tumama sa noo ni Avriah. "Umalis ka dito! Baliw!" "Baliw! Baliw!" Muling nakatanggap ng maliliit na bato si Avriah mula sa mga bata sa lansangan at tumama ito sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. "Bawal dito ang baliw!" "Umalis ka dito!" Hindi matigil ang mga bata mula sa pagbato sa kanya. "Ah," daing naman ng nasaktang dalaga at hindi malaman kung paano niya iilagan ang tila ulan na mga batong tumatama sa kanya. "Hoy! Tama na 'yan! Inaano ba niya kayo? Magsilayas kayo dito!" Isang Ale naman na nagtitinda ng lugaw at pares sa kanilang harapan ang lumabas mula sa tindahan nito at itinaboy ang mga bata. "Eh inagaw niya 'yong pagkain namin eh!" sigaw naman ng batang lalaking nasa edad sampong taong gulang at muling binato ang dalagita na tumama naman sa sentido nito habang ito ay nakaupo lang sa gilid ng kalye. "Ah," muling daing ng dalaga kasabay nang pagsapo nito sa sentido niyang nasaktan. Bahagyang nasugatan ang sentido nito at nadama ng mga daliri nito ang munting dugo. Ngunit dahil matapang si Avriah sa dugo ay hindi na lamang niya ito pinansin. Humihikbi na siya habang isinusubo pa rin ang tinapay na nadampot niya lang sa isang plastic container ng basura. Nakita niya itong itinapon ng isang bata na nanggaling sa loob ng simbahan. Dahil sa sobrang gutom na kanyang nararamdaman ay mabilis niya itong dinampot. Nasa loob pa ito ng isang supot kaya't walang alinlangan niya itong kinain. Nakita ito ng mga batang lansangan na nangangalkal ng basura at pilit inagaw sa kanya ngunit dahil sa sobrang gutom ay hindi niya ito ibinigay. "Gusto niyong kayo ang kainin ko?! Magsilayas kayo dito!" muling sigaw ng Ale sa mga bata. Mabilis itong kumuha ng isang baldeng tubig at malakas na isinaboy sa mga bata. Nagtakbuhan naman ang mga ito palayo. Kumuha siya ng isang basong tubig at iniabot kay Avriah. Humagulgol siya ng malakas. Wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya na napapatingin sa kanya. Buong buhay niya ay hindi niya naisip na mararanasan niya ang ganito kalupit na pagdurusa at paghihirap. Hindi niya mapigilang tanungin ang Panginoon. Bakit ako? Bakit ako pa?...Anong naging kasalanan ko sa inyo...para parusahan niyo 'ko ng ganito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD