KABANATA 1

1715 Words
RAUL's POV Ako si Raul Natividad. Gwapo. Matangkad. Moreno. Matikas at maganda ang pangangatawan. Pantasya ng halos lahat ng kababaihan at mga lalaking may pusong-babae. Higit sa lahat ay marumi ang isip at malibog. Idagdag niyo na rin ang pagiging mayabang. May misis na ako. Si Joy. Tindera sa palengke. Mahal na mahal ko ang aking asawa. Kung tindera sa palengke ang aking asawa, ako naman ay rumaraket-raket sa tabi-tabi. Minsan ay tubero, karpintero, hardinero, nag-aayos ng mga sirang gamit, at marami pang iba. Karamihan sa aking mga kliyente ay mayayaman. Mga mayayamang malibog. Mga mayayamang taong gustung-gustong kuhain ang aking serbisyo para kanilang mapagpantasyahan. Mga mayayamang kliyenteng gumagawa ng paraan para makita akong walang suot na pang-itaas. Pero kahit kailan ay hindi nila matitikman ang aking alaga. Sa asawa ko lang ito. Hanggang tingin na lamang sila. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya kung anu-anong raket ang aking pinapasukan. Iyon ay dahil sa lintik na pamilyang sumira sa buhay ng aking mga magulang. Hayop ang pamilya Mondragon. Sinira ng pamilya Mondragon ang buhay ng aking pamilya. Ng aking mga magulang. Kaya naman nang malaman ko kung saan nakatira ang pamilya Mondragon at nangangailangan sila ng driver, nakaisip agad ako ng masamang plano. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon. Joy: Ngayon ka na ba mag-a-apply doon sa sinasabi mong naghahanap ng driver, mahal ko? Tumingin ako sa aking asawang si Joy at tumango. Raul: Oo, mahal ko. Humihina ang mga raket ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Siyempre alam ko kung bakit. Humihina ako sa aking mga kliyente rahil hindi nila nakukuha ang kanilang gusto mula sa akin. Ang napakalaki kong kargada. Sumasakit siguro ang puson ng aking mga kliyente sa tuwing nakikita ang natural na bukol sa aking shorts at wala silang magawa para maangkin iyon. Natural. Asawa ko lang ang may karapatan dito. Kahit ba bihira na lang kami magtalik ni misis. Joy: Ipinaghanda kita ng merienda para may makain ka sa biyahe. Peanut butter sandwich. Alam kong favorite mo ito. Ngumiti ako sa aking misis at niyakap siya ng mahigpit. Raul: Ang sweet talaga ng misis ko. Kaya mahal na mahal kita, eh. Pa-kiss nga. Ginawaran ko ng malalim na halik ang mga labi ng aking asawa. Gumagaan talaga ang aking pakiramdam sa tuwing hinahalikan ko si misis. Pabirong umirap ang aking asawa. Joy: Nambola ka pa. Oo nga pala. Nagpunta si Aling Ludy dito kanina. Naniningil na naman ng upa. Mahina ang kita ko sa palengke kaya hindi pa ako makakabayad. Nakita kong lumungkot ang mukha ng aking misis. Raul: Sige, mahal ko. Ako ang kakausap kay Aling Ludy pagkabalik ko mamaya. Lumabas na ako mula sa apartment na inuupahan namin ng aking misis matapos kong makahirit ng isa pang halik mula sa kanya. Nadaanan ko ang bahay ng aming landlady na si Aling Ludy. May kausap itong babae. Sexy. Kahit naman may asawa na ako ay nakaka-appreciate pa rin ako ng mga magagandang babae. At itong babaeng kausap ni Aling Ludy ay talaga namang maganda at sobrang sexy. Sexy Girl: Tita Ludy, okay lang ba talaga na rito muna ako makitira sa iyo? Naghahanap kasi ako ng trabaho rito sa siyudad. Walang swerte sa probinsya natin. Nakita ko namang tumawa ng malakas si Aling Ludy. Ludy: Oo naman. Miss na miss na kita, pamangkin. Halika. Pumasok ka sa loob. Bago nakapasok ang aking landlady at ang babaeng kausap nito sa loob ng bahay ni Aling Ludy ay nakita muna nila akong dumaan sa kanilang harapan. Sexy Girl: Ay! Hindi mo naman sinabi, Tita, na may Adonis dito sa lugar ninyo. Grabe! Namumutok ang mga kalamnan, ah. Narinig kong sinita ni Aling Ludy ang babaeng kasama nito. Ludy: Tumigil ka ngang bata ka. May asawa na 'yan. Sexy Girl: Sus! Kahit naman may asawa na, kapag pinakitaan mo ng butas, ay bibigay din 'yan. Nilingon ko si Aling Ludy at ang babaeng kasama nito. Nakita kong sumulyap ang sexy na babae sa natural na bukol sa aking suot na pantalon. Kagat nito ang ibabang labi. Umiling na lamang ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Sexy Girl: Bye, pogi! Shocks! Tenant ba 'yon? Naririnig ko pa rin ang usapan ni Aling Ludy at ng babaeng kasama nito. Tita Ludy: Oo. Diyan sa kabilang pinto. Narinig kong maharot na tumawa ang magandang babae. Sexy Girl: Oh. Exciting! Sige. Makikibisita ako mamaya. Masyadong malakas ang tono ng mga boses ni Aling Ludy at ng magandang babae kaya rinig na rinig ko pa rin silang dalawa bago ako makasakay ng jeep papuntang subdivision kung saan nakatira ang pamilyang paghihigantihan ko. --------------- Nasa harap na ako ng mansyon ngayon ng mga hayop na sumira sa buhay ng aking pamilya. Ang pamilya Mondragon. Pinapasok ako sa loob ng mansyon ng security guard matapos kong sabihin dito ang aking pakay. Kung anu-ano pa ang mga hiningi sa akin. Buti na lamang ay handa ako. Ngayon ay nandito na ako sa loob ng isa sa napakaraming kwartong makikita sa loob ng mansyon kung saan ako hinatid ng isang housemaid kanina. Nagpa-cute pa sa akin ang housemaid bago ako iniwan. Mukhang library ito ng malaking bahay. Sinabi ng housemaid na hintayin ko rito ang mag-i-interview sa akin. Hiniling ko na sana ay ang ilaw ng tahanan ang mag-interview sa akin, ngunit hindi ako sinuwerte ngayon. Dahil ilang minuto pa ang lumipas ay isang matandang lalaki na may hawak na tungkod ang pumasok sa loob ng kwartong iyon. Sinubukan kong bumati at makipagkamay, ngunit tuluy-tuloy lang ang matandang lalaki sa kanyang paglalakad hanggang makarating sa likod ng malaking wooden table at umupo sa mataas na upuan na naroon. Saka lamang niya ako tiningnan. Pigil na pigil akong magkuyom ng aking mga palad. Matandang Lalaki: Maupo ka. Umupo ako sa isa sa dalawang upuang naroon sa harap ng wooden table. Hiningi ng matandang lalaki ang requirements na dala ko. Pagkatapos niyang pasadahan ng tingin ang paraphernalia ay nagsimula na siyang kausapin ako. Matandang Lalaki: Ako nga pala si Emilio. Emilio Mondragon. Ang may-ari ng bahay. Alam ko na iyon. Inalam ko ang lahat ng tungkol sa pamilya ng matandang ito simula nang ako ay magpasiya sa aking sarili na magbabayad ang demonyong ito at ang kanyang pamilya sa pagkawala ng aking mga magulang. Raul: Raul po. Raul Natividad. Ikinagagalak ko po kayong makilala, Sir Emilio. Inilahad ko ang aking kanang kamay na tinanggap naman ng matanda. Pigil na pigil akong diinan ang pagkakahawak sa kamay ng matanda. Emilio: So, Raul, ano ang trabaho mo ngayon? May experience ka na ba sa pagmamaneho? Ang totoo niyan ay wala akong masyadong alam sa Maynila. Ngunit dahil sa iba-iba kong raket, halos makabisado ko na ang mga lugar dito. Raul: Marami po akong raket, Sir. Minsan tubero. Minsan karpintero. Minsan nagkukumpuni ng mga gamit. Wala po akong permanenteng trabaho kaya malaking tulong ho kung matatanggap niyo ako bilang driver. Marami na rin po akong alam na mga lugar dito sa Maynila at sa mga karatig-lugar. Tumango-tango si Emilio. Nagtanong pa ang matanda nang nagtanong ng kung anu-ano bago niya sinabing tanggap na ako. Napangisi ako sa aking sarili. Muntik na akong mapangising-demonyo sa harapan ni Emilio. Hindi niya makakalimutan ang araw na ito. Ang araw kung kailan nagpapasok siya sa loob ng kanyang mansyon ng taong sisira sa kanyang buhay at ng kanyang pamilya. Emilio: Halika. Ipakikilala kita sa aking pamilya. Ang mga taong mangangailangan ng iyong serbisyo. May pinindot siyang buzzer sa wooden table at isa-isang pumasok sa loob ng kwartong iyon ang mga miyembro ng pamilya Mondragon. Emilio: Raul, ang babaeng naka-asul na damit ay ang aking panganay na anak. Cecilia Guanlao. Ang lalaki sa kanyang tabi ay ang kanyang asawa. Rigo Guanlao. Tiningnan ko si Cecilia. Mukhang sopistikada sa suot nitong asul na blusa at pencil-cut na palda. Nakataas ang noo ni Cecilia habang nakatingin sa akin. Aristokratang-aristokrata ang dating. Ang tipo ng tingin nito sa akin ay 'yong parang hindi tumatanggap ng pagkakamali mula sa isang tao. 'Yong tipong kapag nagkamali ako ay tatanggalin niya ako mula sa aking trabaho. Ang asawa ni Cecilia ay mukhang hindi mapalagay sa pagkakatingin sa akin. Parang pinagpapawisan ito. Sa tingin ko ay binabae itong asawa ni Cecilia. Ganyan makatingin ang mga binabae kapag tipo nila ako. Pero uso naman 'yon ngayon. Kawawa nga lang si Cecilia. Emilio: Iyang nakasimangot ay si Adriana. Pangalawa sa magkakapatid. May pagkamataray 'yan. Masanay ka na lang. Nang tingnan ko si Adriana ay nakataas ang isang kilay nito at mukhang bored na bored. Iniisip marahil nito na hindi ako rapat pagtuunan ng pansin dahil magiging driver lamang nila ako. Typical matapobre. Emilio: Iyang naka-bikini ay si Lavinia. Maldita ang batang 'yan. Kaya mag-iingat ka. Sa tingin ko ay itong si Lavinia ang pinaka-sexy sa tatlong magkakapatid. Sobrang sexy nito. Mukhang galing swimming pool pa si Lavinia at kaaahon lang. Tumutulo pa ang butil-butil na tubig mula sa buhok nito patungo sa pagitan ng dalawang pakwan nito. Napailing ako. Nang tumingin ako sa mukha ni Lavinia ay nakita kong pilya ang ngiti nito sa akin. Nahuli yata ako. Hindi rapat ako magpa-distract sa ganda ng mga babaeng Mondragon. Hindi. Ako ang maniningil sa pamilyang ito kaya rapat ay kontrolado ko ang sitwasyon. Tiningnan ni Emilio ang kanyang mga anak at manugang. Emilio: Si Raul ang magiging bago nating driver. Mula ngayon ay dito na siya titira. Sa servant's quarter. Tuwing Linggo ang day-off niya. Inaasahan kong magiging mabait kayo sa kanya. Maya-maya ay kumunot ang noo ni Emilio. Emilio: Nasaan pala ang Mama ninyo? Bago pa may makasagot sa magkakapatid ay pumasok na sa loob ng kwartong iyon ang isang magandang ginang. Ang babaeng siyang puno't dulo ng aking paghihiganti. Sa edad ng ginang ay mukha pa rin itong bata. Wala masyadong wrinkles sa mukha. Manipis ang dalawang kilay. Mapupula ang magkabilang pisngi. Gayundin ang mga labi. Ang dalawang pakwan ng ginang ay siguradong magpapabaliw sa lahat ng lahi ni Adan. Ang makurbang balakang ay nag-aanyaya ng dalawang kamay na humulma dito. Ang baywang nito ay mukhang kaysarap hatakin. Nakasuot ang ginang ng blue dress na may mataas na slit na halos umabot sa singit nito. Nakakaakit ika nga. Kaya pala nabaliw si Tatay dito rati. Napailing ako. Ito ang babaeng makatatanggap ng aking matinding paghihiganti. Humanda na ang pamilya Mondragon. Magsisimula na ang impyerno sa kanilang buhay. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD