KABANATA 2

1147 Words
RAUL's POV Napatingin ako sa mukha ng ilaw ng tahanan ng mga Mondragon. Nakaismid siya sa akin at bilang ganti ay ngumisi ako. Hindi ako dapat magpadala sa pangmamata ng mga taong ito. Emilio: Sandra, buti naman ay nakababa ka na. Ipinakikilala ko sa 'yo ang bago nating driver, Raul Natividad. Raul, siya ang asawa ko. Si Sandra Ysabelle Mondragon. Lumapit ako kay Sandra Ysabelle Mondragon. Hindi ko inalintana ang mga babaeng anak nila na nakatingin sa akin papunta sa kanilang ina. Inilahad ko ang aking kamay. Raul: Ikinagagalak ko po kayong makilala, Donya Sandra Ysabelle Mondragon. Tiningnan muna ako ni Sandra mula ulo hanggang paa bago niya inabot ang aking kamay. Naramdaman ko ang marahang pagpisil niya sa aking kamay na ginantihan ko nang mas madiin na pagpisil. Tinitigan ko siya sa mata. Naroon ang pilit na ikinukubling pagkabigla. Ngumisi ako. Simula na ng paghihiganti. Parang napapasong binitiwan ni Sandra ang mga kamay ko. Ngunit hindi siya nagpahalata. Sigurado akong tipo ako ng babaeng ito. Halatang-halata sa mga mapang-akit nitong mga mata. Sa hindi pantay na paghinga nito. May panibago na namang nahumaling sa kagwapuhan ko. Hindi lang isa kundi apat. Kahit hindi ko sila tingnan isa-isa ay alam kong sinisipat mabuti ng mga babaeng Mondragon ang kabuuan ko. At hindi sa pagmamayabang, alam kong gusto nila ang kanilang nakikita. Simula sa nakatutunaw kong mga mata at mapang-anyayang labi, sa nakababaliw kong amoy, sa batak na batak kong damit na humahapit sa mga naglalakihan kong muscles sa braso at dibdib, hanggang sa natural na bukol sa aking pantalon. Alam kong nasasabik silang angkinin ako. Biglang nagsalita ang Donya para mapagtakpan ang totoong nararamdaman. Ysabelle: So…Raul? Raul, right? Ano pang mga ibang bagay ang alam mong gawin? Napangisi ako sa tanong niya. Umiral na naman ang kapilyuhan at kalibugan sa utak ko. Raul: Tulad ng nasabi ko na po sa asawa niyo, magaling ako mag-ayos ng mga tumutulong tubo. Baka may napapabayaan na diyan at hindi nabibigyan ng sapat na atensyon? Tiningnan ko si Cecilia ng matiim. Taas-noo pa rin ang babae. Sabay tingin ko sa mister nitong hindi pa rin mapakali. Ang masama pa ay hindi nito napigilang ilabas ang dila at basain ang ibabang labi pagkatingin ko sa kanya. Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. Raul: Magaling ako mag-ayos ng mga sirang bagay. Baka may mga gamit kayong matagal nang hindi nagagalaw…ng kamay? Sabay tingin kay Adriana. Nakataas pa rin ang kilay nito at inayos ang suot na salamin. Maganda pa rin kahit nakasalamin. Raul: Pwede akong karpintero. Magaling akong maglagari. Kayod lang nang kayod hanggang mabiyak. Pati martilyo, sisiw 'yan. Kapag ako ang nagmartilyo, siguradong baon na baon…ang pako. Dinaanan ko ng tingin si Lavinia. Napahigpit ang hawak nito sa twalyang nakapalibot sa katawan nito. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng tubig mula sa buhok patungo sa cleavage nito. Pagdating ng mga butil ng tubig sa cleavage nito ay sumusuot ito sa pagitan ng dalawang naggigitgitang bola. Dalawang malalaking bola. Pasimple akong lumunok. Para akong natutuyuan ng laway. And speaking of tuyo… Raul: Higit sa lahat, magaling akong hardinero. Mahusay akong mag-alaga ng mga…bulaklak. Dapat diyan nilalambing. Inaamoy ng mabuti…para malaman kung paano aalagaan. Syempre, expert ako sa pagdidilig. Ang pagdidilig ang paborito ko. Ayaw ko kasing natutuyo…ang mga halaman. Tinitigan ko si Sandra. Mukhang inis na inis ito sa mga sinasabi ko. Nagtitimpi ang mga labing magsalita. Bakit? Wala naman akong sinabing masama. Problema na nila 'yon kung marurumi ang mga isip nila. Malibog ako, eh. Siraulo ka talaga, Raul. Lavinia: Eh, magluto? Marunong ka? Raul: Depende. Magaling akong magpainit. Ang pagpapainit dapat matagal 'yan, para kapag tapos na, masarap na. Napakagat-labi si Lavinia. Sigurado akong nanggigigil na sa akin ang isang ito. Takam na takam na. Siya ang pinaka-obvious ang pagnanasa sa akin. Biglang nagsalita si Emilio. Emilio: Raul, maaari ka na munang umuwi ngayon. Bukas ay maaari ka nang magsimulang magtrabaho. Alas sais ng umaga ang simula ng iyong trabaho. Habang nagbibiyahe pauwi ay malalim ang iniisip ko. Mukhang hindi ako mahihirapang makapaghiganti sa pamilyang Mondragon. Mukhang madali kong masisira ang utak ng mga ito. Napapangisi ako sa tuwing maaalala ang mga mukha nilang naglalaway sa kagwapuhan at kakisigan ko. Pasensyahan tayo. Ibabalik ko lang sa kanila ang ginawa nila sa mga magulang ko. Magbabayad na sana ako ng pamasahe nang biglang awatin ang kamay ko ng taong katabi ko sa jeep. Binabae ito. Binabae: Ako na. Saan ka ba bababa? Sanay na ko sa mga ganitong galawan nila. Sinabi ko kung saan ako bababa. Aba, hindi ko na ito palalampasin. Libre ito, ano? Nilapit ko ang labi ko sa tainga niya. Raul: Akin na cellphone mo. Nagulat pa ito sa sinabi ko. Pero mukha namang namula noong ma-realize na sobrang dikit ng labi ko sa tainga niya. Binabae: Ba-bakit? Binigyan ko siya ng makalaglag-panty na ngiti. Raul: Ilalagay ko lang number ko. Kilig na kilig ang tumbong ng bakla. Nagkukumahog na kinuha ang cellphone mula sa bag at ibinigay sa akin. Tumipa ako ng ilang numero. Pero syempre gawa-gawang numero lang. Pasensya na. Maloko talaga ko, eh. Bago ako bumaba ay kinindatan ko pa ang umaasang binabae na abot-tainga ang ngiti. Raul: Thank you. Pulang-pula ito sa sobrang kilig. Uto-uto. Pagdating ko ng bahay ay ikinuwento ko sa aking pinakamamahal na asawa lahat ng nangyari. Hindi alam ng asawa ko ang kwento tungkol sa magulang ko at ng pamilya Mondragon. Hindi na niya kailangan pang malaman. Ayoko siyang madamay sa gulong ito. Joy: Mahal ko, magaganda ba ang mga babae sa mansyong 'yon? Raul: Ha? Ako ka ba naman, mahal ko? Syempre, ikaw lang ang pinakamaganda para sa akin. Pa-kiss nga. Pero sino ba ang niloloko ko? Sa totoo lang, nakaka-ulol ang ganda ng mga babaeng Mondragon. Bilang isang lalaki, alam ko sa sarili kong nagagandahan at nase-sexy-han ako sa kanila. Simula sa ina hanggang sa mga anak. Kung magiging totoo ako sa sarili ko, mga ganoong tipo ng babae ang masarap ikama. Pero hindi ibig sabihin noon ay mangangaliwa na ko. Mahal ko yata ang misis ko. Joy: Oo nga pala, mahal ko. Sabi mo ay kakausapin mo na si Aling Ludy ngayon tungkol sa upa. Kung sa a-kinse pa ang sahod mo, ibig sabihin maghihintay pa tayo ng sampung araw. Raul: Madali na lang 'yan pakiusapan. Tingnan mo. Papayag 'yan kapag humingi ako ng palugit. May naisip na naman akong kalokohan. Para saan pang naging Adonis ako kung hindi ko gagamitin para sa ikagiginhawa namin ni misis. Nagpalit ako ng sandong itim. Yong hapit na hapit sa malalapad kong dibdib. Yong babakat ang mga u***g ko. Nagsuot din ako ng boxer shorts. Yong tipong halatang-halata ang natural kong bukol sa harapan. Matapos magbihis ay kumatok na ko sa kabilang pinto para kausapin si Aling Ludy. Kaunting lambing at haplos lang ay papayag 'yon sa akin. Samahan ko pa ng nakapanglalaway na ngiti ay mamamasa na 'yon. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD