Chapter 5

2095 Words
Shy (POV) Bumalik ako sa bahay na may pag-asa, nasa bakuran namin si Lolo at paubos na ang tinda niyang gulay. "Lo, magkanu na ang napag bentahan mo?" Napakamot sa ulo ang Lolo ko bago sumagot. "Inutang nila Apo, pero babayaran naman daw nila bukas." "Naniwala kayo naman?" "Sabi nila bukas eh, kasalanan na nila kung nag sinungaling sila." Wala na talaga ang Lolo ko. "Ewan ko po sa inyo Lo at napakabilis ninyong maniwala, mas maganda pong pinamigay ninyo nalang kaysa aasa tayo lagi sa pangako nila na bayaran nila. Ipasok nalang natin yang natira na gulay Lo at ulamin bukas." "O sige apo, para maka pagluto na ako ng hapunan natin." Inilagay ko sa bilao ang konting natira na gulay at pumasok na kami sa loob ng bahay. Dumeretso kami ng Lolo ko sa kusina , agad akong nag saing ng kanin at hinugasan ang mga gulay para sa lulutuin niya na pinakbet. Mas masarap kasi magluto ang Lolo ko kaysa sa akin lalo na kung mga gulay kaya siya ang taga luto ng ulam namin. "Siya nga pala Lo, nakausap ko na ang matandang apo ni Lolo Leo tungkol po sa bukol ko." "Anong sinabi niya apo?" "May pinapirmahan siya para legal daw ang pag check-up niya sa akin sa bahay nila o dito sa bahay para daw hindi na ako pupunta pa sa hospital." "Maganda yan anak, hindi ka na pipila pa at mamasahe. Kailan daw mag umpisa ang check up mo?" "Kapag daw nagawa na ng abogado yong pinirmahan ko Lo." Saad ko at nag hahain na si Lolo ng kakainin namin. "Kain na tayo apo, maganda yan para mabawasan ang alalahanin natin, mahirap kalabanin ang stress." "Oo, nga Po Lo. Handa naman akong tanggapin kung ano itong tumubo na bukol ko. Sana ngalang hindi cancer Lo dahil mas pipiliin ko na lang mawala agad kaysa magpagamot." "Yan ang hindi ko hahayaan na mangyari apo, Kahit itinda ko na lahat ang laman loob ko maipagamot lang kita." "Sigurado ba kayo lo na healthy pa ang laman loob niyo sa galing ninyong manigarilyo?" "Huwag nalang laman loob ko kung ganun, mag holdap nalang ako ng bangko." "Paano po kung nahuli kayo, eh di wala din?" "Oo nga ano, pero apo maniwala ka sa akin hindi Cancer iyan dahil, may kamag-anak tayo na ganyan din ang kalagayan. Namana mo yan sa parte ng Lola mo na Cruz. "Nasaan po yung mga kamag-anak ni Lola?" "Yan lang ang hindi ko alam apo, dahil mula nang namatay ang Lola mo ay hindi na sila napapagawi sa dati nating bahay. Ang alam ko ang pinsan mo na si Fely ay nagtratrabaho na kasambahay. Ang pinsan mong si Fely ang kababata ng Nanay mo. Napakabait na bata iyon pumasok na maging katulong para mapaaral ang Ate niya. Tas ang Nanay mo naman na nag-aaral ay nag pabuntis lang." "Kasalan niyo po Lo, dahil sabi ninyo mahigpit kayo sa kanya. Kung ganun ay namana ng Nanay ko ang ugali niyo." "Bakit mo naman nasabi iyan apo?" "Pareho kayo na pasaway, habang binabawalan ay mas lalong ginagawa tulad ng paninigarilyo ninyo." Napangiti sa akin ang Lolo ko at iniwas ang usapan namin habang kumakain kami. "Malapit na ang graduation mo ng high school, sa wakas ay may kolehiyo na ako sa susunod na taon. Anong kukunin mo na kurso apo?" "Gusto kong mag pulis Lo." "Delikado na trabaho iyan apo, Baka kada alis mo sa bahay ay matutu akong mag dasal." "Ang ibig ninyong sabihin Lo, hindi kayo nag dadasal?" "Paminsan-minsan anak baka sa isang taon ay tatlong beses." "Grabe naman kayo Lo, hindi na nga kayo nag sisimba at hindi pa kayo laging nag dadasal." "Basta ang alam ko apo ay gumagawa ako ng mabuti sa aking kapwa at sinusunod ko ang sampung utos ng panginoon. Kaysa naman lagi kang nagsisimba eh nag nanakaw ka naman ng manok ng kapitbahay mo tulad ni Lando. Kada linggo nag sisimba iyon pero lagi naman pinatatawag ng baranggay dahil kumukuha ng itlog ng manok sa kapitbahay nila. Eh bakit mo ba ako pina ngangaralan na hindi nag sisimba, eh bakit ikaw nag sisimba ka ba?" "Hindi din Lo, namana ko din yan saiyo." Sagot ko at napatawa kaming pareho. Masaya kaming kumain ng aming hapunan. Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko lang ang mga plato at umakyat na ako sa aking kwarto. Isara ko na sana ang aking mga bintana pero napatingin ako sa katapat ng kwarto ko. Bukas ang ilaw pero wala namang tao. Hindi ako sanay na nakasara ang bintana ko dahil mas gusto ko ang fresh air kaysa sa electric fan. Napaisip ako, ano kaya kung hintayin ko nalang na magsarado siya ng bintana at saka ko ibubukas ang bintana ko. Siguradong gagamit naman si tanders ng aircon. Ang problema baka mapuyat ako sa kahihintay ng pagsarado ng bintana niya. Hubad pa man din ako natutulog sa gabi, kung bukas kasi ang bintana niya ay tumatama ang ilaw sa kwarto ko kaya siguradong makikita niya ako. Pero nakita naman na niya ang buong katawan ko ano pa ang itatago ko? Nagpagpasyahan ko na iwanan na bukas ang bintana ng kwarto ko. Mag sisipilyo na sana ako, pero may kumatok. Binuksan ko ito at ang lolo ko na seryoso ang mukha ang bumungad sa akin. "Nasaan ang kalahating kaha ng sigarilyo ko Apo?" "Hindi ko alam lo. hindi naman ako naninigarilyo?" "Sigurado ka apo, hindi maganda ang nag sisinungaling?" "Saan ko na kaya nailagay iyo." Dinig ko na bulong niya at umalis na sa harapan ng silid ko. Napangiti ako ng palihim dahil nakita ko kanina sa lagayan ng bigas kaninang nag saing ako. Nilipat ko lang ito sa isang kaldero, sarado na ang mga store kaya hindi maka pag sigarilyo ngayong gabi si Lolo. Isinarado ko na ang aking pintuan at dumeretso na sa aking banyo tulog mabilis na nag shower narin. Buti nalang talaga ay napakabait ni Lolo Leo, pinamigay na ngalang ang lupa sa amin pinatayuan pa niya kami ng bahay kaya ang kwarto ko ay maganda. Hindi tulad ng lumang bahay ng lolo ko noon na kailangan ko pang hintayin ang gabi para mag cr at maligo dahil kalahati lang ng katawan ko ang natatakpan sa banyo namin na maglolo. Maraming namboboso sa akin noon kaya lagi akong nakadamit na maligo. Natakot na sila ng mag sampung taong gulang na ako dahil tinuruan na ako ng lolo na ipaglaban ang sarili ko lalo na at matangkad ako kung ibabase sa aking edad. Tinuyo ko ang basa ko na katawan gamit ang tuwalya at lumabas na ako sa banyo na hubo't hubad. Bukas parin ang ilaw ni tanders kaya ginamit ko ang manipis na kumot na pang takip sa aking katawan. Malakas naman ang hangin na pumapasok sa kwarto ko kaya hindi ako maiinitan. Bago ko ipinikit ang aking mga mata ay nag pasalamat muna ako sa panginoon dahil may doctor na na titingin sa akin at libre pa. Hiniling ko sa panginoon na nasa hindi cancer ang tumubo sa aking dibdib. Habang mataimtim akong na nanalangin ay deretso tulog na. Caleb (POV) Mag alas syete pa lang ng gabi ay kumakain na kami ng hapunan ni Lolo. "Apo kumusta pala ang napag usapan niyo ni Shy?" "Hindi ko muna tinignan Lo, gusto ko na mapanatag muna ang loob niya bago ko isagawa ang pag check-up ko sa kanya." "Basta huwag mong pag hintayin apo dahil naka pag bibigay ng stress ang isang bagay na hinihintay mo kung ano ang resulta lalo na kung tungkol sa kalusugan." "Don't worry Lo dahil hindi na siya pupunta pa sa hospital dito o sa bahay na lang nila isasagawa ko ang pag susuri sa kanya." "Mabuti naman kung ganun, ikaw pa ay mag papabayad?" "Oo naman po Lo." "Walanghiya kang Doctor ka, apo ng kaibigan ko iyon. Magpapabayad ka pa?" "Hindi naman pera Lo?" "Eh Ano?" Yumuko ako para hindi makita ng lolo ko ang aking pag ngiti. "Hindi ko pa na isip Lo, pero sigurado hindi pera ang pambayad niya sa akin." "Baka naman katawan niya ang hilingin mo na pambayad saiyo? Kahit apo kita ay ipakukulong kita." Napalunok ako sa narinig ko sa aking Lolo. "Lolo naman, kaya nga pumunta ako dito para iwasan ang mga babae sa Manila, bakit naman ako mang gagahasa dito. Itong gwapo kong nilalang Lo? wala pa akong pinipilit na tumabi sa akin." "Pinaaalalahanan lang kita, Kung may gusto ka kay Shy ay ligawan mo. Maging tunay kang lalaki." "Nambubugbug po iyon Lo, paano ko liligawan?" "Eh di nahuli din kita, tarantado!" Napamura ako ng mahina, magaling talaga ang Lolo ko. Tumayo na nalang ako at kinuha ko ang documento para ipakita sa kanya. "Ito Lo basahin mo?" Inabot ko sa kanya ang Papel. "HuH! paano mo siya na papirma?" "Pumirma naman siya Lo, alam ko na binasa niya bago niya pinirmahan." Pag sisinungaling ko dahil sigurado patay ako pag sinabi ko ang aking ginawa. "Alam na ba ng Pare ko ito?" "Hindi ko alam Lo pero huwag na muna ninyong sasabihin." "Bakit naman hindi ko sasabihin eh baka nga ipamimigay na nun ang mga bunga ng tanim nila pag malaman niya ito." f**k! wrong move ako sana hindi ko na ipinakita kay Lolo. "Kayo po ang bahala Lo." Sagot ko na lang bahala na. Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako agad sa aking kwarto dala ang papel. Napatingin ako sa kwarto ni Shy bukas ang bintana pero walang tao sa silid niya. Pumasok ako sa banyo at habang naliligo ako ay nag iisip ako ng tama kong gagawin , kaya natagalan ako sa banyo. Pagkalabas ko ay agad kong sinilip siya sa bintana, nakahiga na siya at balot ang katawan niya sa kumot. Nag damit ako at dumaan ako sa bintana patungo sa sanga ng mangga patungo sa bintana ng silid niya. Sa wakas ay nakapasok na ako sa kwarto niya. Ang aga namang matulog ng babae na ito. "Hey ,Shy gising!" Naka ilang tapik ako bago niya iminulat ang kanyang mata. "Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" "Hindi ko na mahintay ang umaga dahil maaga akong aalis bukas." "Ano?" Anong hindi mo na mahintay, ano naman kung maaga kang aalis?" "Tomorrow mag-umpisa na akong mag trabaho sa hospital at gabi na ang uwi ko dahil unang pasok ko bukas siguradong gagabihin ako." Napaupo siya sa kanyang kama at nalantad ang mapuputi niyang dibdib. Napansin niyang napatingin ako doon at hinila niya agad ang kumot niya. "Eto na yung documento na pinagawa ko sa kaibigan ko na pinirmahan mo." Ipinakita ko sa kanya ang documento. "Ano! kasal tayo? ginagago mo ba ako?" Malakas niyang pag kasabi. "Shhhh, hinaan mo ang boses mo at marinig ka ng Lolo mo." "Eto ang naisip na paraan ng kaibigan ko para legal kitang mahawakan lalo na at hindi sa hospital gagawin ang pag susuri ko "Legal ba ito?" "Oo." Sagot ko at naramdaman ko nalang ang mabigat na kamay na sumapok sa akin na halos mayanig ang ulo ko. "Gago ka palang Doctor ka eh!" Napaka bata ko pa para naikasal at napaka tanda mo para sa akin." "Pwede naman nating ipa walang bisa ang kasal kapag magaling kana. Kung gusto mo ipawalang bisa ko na pero wala nang check up." Nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot nang narinig niya. "Bakit pa kasi kailangan na maikasal tayo, eh susuriin mo lang naman ako?" "Iba kase ang kaso mo, hindi ba ung unang doctor na nag suri saiyo ay binugbog mo?" "Oo."Sagot niya. "Sa dibdib mo palang iyon dahil may bukol, paano ang hindi mo pagkakaroon ng regla? I need to check you down there at may mga ipapasok ako na materyales para ma relax ang katawan mo. Ang pagkakaroon mo kasi ng bukol ay dahil sa hormonal imbalance at stress. Kapag ma relax ang katawan mo ay anytime ay rereglahin ka na. Give me 3 months na gawin saiyo ito. "Mag kano naman ang ibabayad ko saiyo sa tatlong buwan mo na serbisyo?" "Huwag mo munang isipin yan ngayon, ang mahalaga ay pagtuunan muna natin ng pansin ang problema mo. Don't worry hindi ako mahal sumingil. Kapag itanong ng Lolo mo ang tungkul sa pinirmahan mo ay mag oo ka nalang para wala na silang marami pa na tanong. Sige aalis na ako." Tumango naman siya. Pero si Lucifer ay hindi ko na pigilan at binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi. "Bakit ka nang hahalik? Malakas na sambit niya na hawak ang kanyang labi. "Paunang bayad." Sagot ko at mabilis na pumunta ako sa bintana patungo sa aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD