Catching Feelings For her

2052 Words
Naabutan niyang nagkukumpuni na naman ng sasakyan si Hanna suot ang isang maong na jumpsuit na pinalooban ng puting t-shirt.Ang cute nitong tingnan kahit pa nga dungisan ang maputi at makinis nitong balat.Maging ang maganda nitong mukha ay hindi rin nakaligtas sa langis nang pahirin nito ang pawis na lumalandas sa kanyang pisngi. Sa tagal na panahon nilang magkaibigan ngayon niya lang ito napansin nang ganoon.High school palang ay magkakilala na silang dalawa pero ni minsan hindi niya ito nakita bilang isang babae.Masyado kasi itong makulit at galawgaw.Malapit din ito sa mga lalaki.Fourth-year siya noon at second year naman si Hanna.Pero lagi itong nakabuntot sa kanya.Daig pa nga nito ang gwardiya.Sa twing may magkakagusto sa kanyang babae agad nitong hinaharang at sinisita.Kinakaibigan naman nito ang mga barkada niya sa pamamagitan nang pagbibigay ng kung ano-ano.Maging ang mama niya at kapatid ay hindi rin nito pinaligtas. "Hello,Tita Liz. Nandiyan mo ba si Trish?" masayang bungad ni Hanna na ang tinutukoy ay ang pitong taong gulang na kapatid na bunso ni Terrence. Nakangiti namang pinagbuksan siya ng gate ng mama ni Terrence. "Ginataang bilu-bilo po, Tita.Padala po ni Tatay Bert." sabi niya sabay abot ng dala sa mama ni Terrence. "Naku,paborito namin ito ni Trisha.Nilulutuan kami dati nito ni Mama," nakangiting sabi nito. Lihim namang napangiti si Hanna.Hindi naman pala nagkamali ang source niya talaga namang palang paborito ito nang mag-ina. "Tita, nandiyan po ba si Terrence?" nakangiting tanong niya. "Nandoon sa loob.Tara pasok ka," nakangiting sabi nito. May kung anong nabago sa kanya mula nang habulin niya sa airport si Hanna.Bigla niyang na-realize kung gaano ito kahalaga.Sa dinami-dami kasi nang masasakit na nangyari sa buhay niya,laging nandoon si Hanna.Lalo na nung time na namatay ang kapatid niyang si Trisha.Hindi siya nito iniwan,lagi itong nasa tabi niya.Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sakaling natuloy umalis si Hanna.Baka naging mas malala pa siya sa dati. "Baka matunaw," nangingiting bulong nito Tatay Bert nang mapadaan sa likod niya.Kanina pa kasi siya nito pinagmamasdan nang tila natulos siya sa kinatatayuan niya.Napangiti na lang siya at napakamot sa ulo.Nilapitan niya ang pawisang si Hanna atsaka niya ito inabutan ng panyo."Tigilan mo na nga 'yang kinukutkot mo na 'yan.Maligo ka na, ililibre kita sa sine." Bigla nangislap ang mga mata ni Hanna.Kapag naririnig niya kasi ang sine parang naamoy niya ang paborito niyang Shawarma.Tuwing manonood kasi siya ng sine nadadaanan niya ang mga cart ng Shawarma  na tila tinatawag siya."Libre mo ko ng Shawarma ha?" nakangitng sabi niya. "Oo, na.Bilis na.Ligo ka na," anito na humawak na sa magkabilang balikat niya at dahan-dahan siyang itinulak papasok.Nagmamadali namang tumakbo paakyat si Hanna. Napangiti na lang siya.Para kasi itong bata kung magtampo.Abutan mo lang ng candy,ayos na. "Nakakatuwa talaga siya." Kanina pa tuwang-tuwang pinagmamasdan ni Terrence si Hanna.Para kasi itong bata na sarap na sarap sa kinakaing Shawarma.Wala itong pakialam kahit kumalat  pa ang sauce sa maganda nitong mukha.Napakasimple at low profile nito kahit pa nga anak mayaman din ito. Pag-aari ng pamilya ni Hanna ang isa sa pinakamalaki at sikat na cosmetic brand sa Canada, na ngayon ay mina-manage ng ate niya at ilan nilang kamag-anak sa Canada.Mula nang namatay sa plane crash ang mga magulang nila,naiwan na siya kay Tatay Bert.Habang ang ate niya naman ay nag-stay sa Canada para sa negosyo.Third year  high school pa lang kasi noon si Hanna kaya nagpaiwan ito sa Pilipinas para tapusin ang high school.Bago siya mag-college bumalik ang ate niya sa Pilipinas para sunduin siya, pero tigas na tanggi niya dahil hindi niya maiwan-iwan noon si Terrence.Humaling na humaling siya kay Terrence noon kahit pa  harap-harapan siyang tinatanggihan nito. "Hanna, naman grow up.Kapatid lang ang turing sa'yo ni Terrence," kunot ang noong sermon ng ate niya. "Ah, basta, Ate.Kung saan magka-college si Terrence, doon din ako mag-aaral," parang batang humalukipkip pa siya. Napailing na lang ang ate niya.Ano pa nga bang magagawa nito kung talagang ayaw niyang sumama.Tutal naman hindi rin naman siya siguradong magagabayan niya ng maayos ang kapatid sa Canada kaya iniwan niya na lang muna ito kay Tatay Bert. "Gusto mo?" nakangiting alok sa kanya ni Hanna. "Ayoko.Ikaw na lang.Wala akong baong toothbrush," natatawang sagot niya. "Sus,Ang arte mo talaga," asar na nginusuan pa siya nito. "Ako maarte?" napangiwing tanong niya."Hindi noh.Ikaw kasi 'tong parang bata diyan.Ang kalat mo nang kumain,ang takaw mo pa," natatawang sabi niya sabay dutdot  ng tissue sa nguso ng dalaga. Natawa naman ang dalaga sa ginawa niya."Kinakahiya mo ko noh?" naka-pout lips pang tanong nito na parang bata. "Of course,not.Ang cute mo kayang tingnan," natatawang pinisil pa nito ang tungki ng ilong niya. Mag-iisang linggo na ang lumipas mula nang huli silang nagkita ni Terrence.Masyado kasi itong abala sa ospital.Minsan nga kahit gabing-gabi na naririnig niya pang lumalabas ang kotse nito. Nagpapahangin siya sa garden nang gabing iyon nang bigla na lang bumagsak sa harapan niya si Terrence.Na-perfect na  kasi nito ang pag-akyat sa puno patawid sa bakod nila.Hindi na siya nagugulat kapag bigla na lang itong bumabagsak sa harapan niya. "May gate naman kasi bakit diyan ka pa dumadaan, baka mapilayan ka pa niyan eh," sabi niya. "Perfect ko na ang pagtalon, kaya hindi na ako nasasaktan," nagyayabang pang sabi nito na noo'y agad na tumabi sa kanya atsaka  inihilig ang ulo sa balikat niya. "Kumain ka na ba?" tanong niya. "Makita lang kita busog na ko." walang kabuhay-buhay na sagot nito. "Eh bakit ganyan ang hitsura mo?" kunot ang noong sinipat niya pa ang tila pagod na pagod na binata. "Pagod lang ako." Ilang saglit din itong nanahimik bago ito muling nagsalita."Natatandaan mo si Heidy?" malamlam ang mga matang tanong  nito. Biglang natigilan si Hanna.Paano ba naman niya makakalimutan ang babaeng dahilan nang matagal na pagkalugmok noon ni Terrence.Ang nag-iisang babaeng minahal ni Terrence na nanakit nang husto rito.Saksi siya sa sakit na pinagdaanan noon ni Terrence nang dahil sa ambisyosang babae na 'yun. Nang mag-med school si Terrence doon siya nag-decide na bumalik muna sa Canada.Ginamit niya muna sa company nila ang tinapos niyang course na Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management.Nagtrabaho siya sa company bilang Marketing director habang si Terrence naman ay nagpapakadalubhasa sa pagiging doctor. Naging abala siya sa company at nawalan siya ng oras para kumustahin si Terrence kaya naman nasalisihan siya ni Heidy.Naging malapit ang dalawa hanggang sa maging sila.Ganoon na lang ang sama ng loob niya nang mabalitaan niya 'yon.Sino ba naman kasi ang hindi sasama ang loob,matapos niyang alagaan at bantayan si Terrence, sa bandang huli pala, ay mapupunta rin naman pala ito sa iba.Pero ano nga bang magagawa niya kung talagang ayaw sa kanya ng tao.Hindi naman niya pwedeng ipagduldulan ang sarili niya rito.Sa sama ng loob, hindi niya itinuloy ang dapat sana niyang bakasyon para makita si Terrence.Para ano pa nga ba?Para magpanggap na okay siya kahit deep inside masakit na masakit na?Hindi na siguro.Para ano pa't nag-aral siya kung magpapaka-tanga lang din siya sa pag-ibig. Makalipas ang dalawang taon, muli siyang nakatanggap ng balita tungkol kay Terrence.Ikakasal na raw ito kay Heidy.Parang bombang sumabog ang balitang yun sa tenga niya.Akala niya noon okay na siya pero hindi pa pala.Ibinunton kasi niya noon ang buong oras at atensiyon niya sa trabaho. “Ano? Sasama ka ba sa aking umuwi? tanong ng ate niya nang mapansing natutulala na siya habang hawak-hawak niya ang invitation card.Doon na siya biglang nag-breakdown. “Napaka-unfair naman nun, Ate.Akin si Terrence eh.Sa akin siya dapat magpakasal,” umiiyak na sabi niya at saka siya yumakap sa ate niya. “Hanna, puppy love lang ‘yon. Hindi mo pwedeng ipilit ang sarili mo sa isang taong hindi ka naman gusto.” “Pero ang sakit-sakit kasi, e.” Naluluha namang tinapik-tapik ng ate niya ang gawing likuran niya. ”It’s okay, uuwi tayong dalawa at ipapakita mo sa kanya na Masaya ka para sa kanya, na okay ka kahit wala siya.” “Pero Ate—“ “Kapag sinabi kong uuwi tayo,uuwi tayo!” mariing sabi ng ate niya.Buo na ang desisyon ng ate niya.”Maybe it’s about time, para harapin mo na ang lahat ng sakit nan nandiyan.Mas okay na ‘yung sampalin ka ng katotohanan kaysa habambuhay kang masaktan.”                                             Ilang araw palang sila noong nakakauwi nang masaksihan niya ang pag-aaway nila Heidy at Terrence.Papunta siya sana noon sa bahay ni Terrence nang matiyempuhan niya ang mga itong nagtatalo sa kalsada kaya agad siyang bumalik at nagkubli sa pintuan.   “Please, Mahal.Huwag mo namang gawin sa akin ‘to.Huwag mo naman akong iwan.” halos nakaluhod na sa pagmamakaawa si Terrence noon, pero tuloy pa rin sa paglakad ang babae. ”Tama na Terrence! Tanggapin mo na lang na hindi tayo para sa isa’t isa.Buntis ako at si Archie, ang ama.” Halos mapako sa kinatatayuan si Terrence.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at unti-unti siyang napabitaw mula sa pagkakahawak niya kay Heidy.Isang buwan na lang ay kasal na nila ni Heidy kaya hindi niya akalaing magagawa siya nitong saktan ng ganoon. “Si Archie ang mahal ko, kaya hayaan mo na kami,”dugtong nito. Nakaalis na ang sasakyan ng babae ngunit nanatili pa ring nakatayo sa gitna ng kalsada si Terrence.Awang-awa siya sa hitsura nito kaya nagmamadali siyang lumabas at inakay niya ang binata papasok sa bahay nito.                                                 Natigil ang paglalakbay niya sa nakaraan nang muling magsalita ang nakapikit nang si Terrence. "Mahal niya pa raw ako.Gusto niyang makipagbalikan sa akin." Bumilis ang t***k ng puso ni Hanna.Paano na siya?Ngayong bumalik na ang kontrabida.Ganun-ganon na lang ba yon?"Ano'ng sabi mo?" tanong niya. Hindi na umimik pa ang binata na noo'y tila nakaidlip na sa balikat niya. "Uy, Terrence, anong sabi mo?" bahagya niya pang niyugyog ang balikat nito.Pero hindi na ito sumagot. "Hay,kawawa ka na naman.Nalulungkot ka na naman nang dahil sa kanya.Ang gulo na naman siguro ng isip mo ngayon," malungkot na tinapunan niya na lang ng tingin ang tulog na tulog na binata. Napatingin sa kawalan si Hanna na tila nahulog sa  malalim na pag-iisip.Si Terrence nga ba ang kawawa o siya? Ngayon kasing bumalik na sa Pilipinas si Heidy nasisiguro niyang mawawala na naman siya sa eksena.Hindi niya nga alam kung anong nakita ni Terrence sa babaeng iyon na kasing haba yata ng Giraffe ang leeg. "Gising na, uy," nagulat si Hanna nang gisingin siya ni Terrence.Ito ang first time na umakyat ito sa kwarto niya. ."Ano ang ginagawa mo rito?" pupungas-pungas na tanong niya. "Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang pumasok sa kwarto nang may kwarto?" natatawang pinisil pa nito ang magkabilang pisngi niya.Naupo ito sa gilid ng kama sa tabi niya. "Labas naman tayo, Han." Napakunot ang noo niya."Eh,Saturday palang ngayon, ah?Hindi pa ito ang big day ko,"  paalala niya. "Hindi ako magdu-duty ngayon.Wala ako sa mood," sabi nito na yumakap pa sa kanya. Hindi na siya nagulat sa ginawa ni Terrence, sanay na kasi siyang bigla na lang itong yumayakap sa kanya na parang naglalambing na kuya. "Okay sige, sasamahan kita.Tumayo ka na diyan malulukot ang damit mo," aniya na inunat-unat  pa ang suot na polo ng binata. Natawa naman si Terrence sa ginawa niya."Sige na, hintayin mo na lang ako sa baba," sabi niya na itinulak pa ito palabas ng kwarto. "Bilisan mo ha?"  Ilang minuto nang nakakababa si Terrence pero hindi parin niya magawang ihakbang ang mga paa niya.Kahit hindi sabihin ni Terrence alam niyang naba-bothered ito sa presensiya ni Heidy.Kabisadong-kabisado niya na kasi ang binata, kapag may gumugulo sa isip nito agad itong nag-aayang lumabas.Sa ganoong paraan kasi nito inaaliw ang sarili.Napabuntong hininga na lang siya. "Bakit naman kasi bumalik pa ang impaktang babaeng 'yun." Hindi maiwasang malungkot ni Hanna.Hindi pa naman kasi tuluyang nawawala ang feelings niya para kay Terrence.Muling nanumbalik ang sakit na naramdaman niya noon.Wala pa ring pinagkaiba sa ngayon. "Ano bang gagawin ko?" bulong niya. Huminga siya nang malalim atsaka nakangiting inayos ang sarili. "Kaya mo 'yan Hanna." aniya na pilit pinagagaan ang loob. Bahala na kung anong mangyari.Masaktan na kung masasaktan.Wala na rin naman siyang choice.Hindi niya naman mapipigilan ang dalawa kung talagang gusto pa ng mga ito ang isa't isa.Babalik na lang siguro siya ulit sa Canada kapag nangyari iyon.Siguro naman sa pagkakataong ito matatauhan na siya.Mabigat ang loob na nagtungo siya banyo para mag-ayos ng sarili.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD