The Punishment Kiss

2283 Words
Matapos maglibot, nag-ayang kumain si Terrence sa malapit na restaurant.Tahimik lang sila habang kumakain na tila nagpapakiramdaman. "Okay ka lang?" tanong ni Hanna nang mapansin niyang balisa si Terrence. "Yeah," tipid na sagot nito. Mayamaya pa ay tumayo ito at  nagpaalam na pupunta lang sa comfort room. Isang matangkad na medyo payat na babae ang lumapit  kay Hanna.Pamilyar sa kanya ang matigas na mukha nito na tila nangawit na sa pagkakaliyad. "So, Ikaw pala ang bagong apple of the eye ni Terrence? Or should I say ang ginawang panakip-butas ni Terrence.You must be Hanna, right?" nakataas pa ang isang kilay na tanong nito. "Do I know you?" mataray ding sagot niya na bahagya pang nagtaas ng noo. Napangisi naman ang babae."Don't tell me, hindi mo na ko natatandaan?" sabi nito na sinipat pa siya mula ulo hanggang paa. "Ah, yeah.I do remember you," nakangising sabi niya."Sino ba naman ang hindi makakaalala sa isang makating fiancee na nabuntis ng kaibigan ng fiance niya," aniya na tiningnan din ito mula ulo hanggang paa. Nangalit ang panga ni Heidy.Sasagot sana ito kung hindi nga lang agad dumating si Terrence. "Oh, There you are, Darling. Aren't you going to introduce me to your friend?"  maarteng sabi nito na idiniin pa ang huling salita bago lumapit at humalik sa pisngi ni Terrence. "Kaya naman pala balisa ang mokong, alam niya sigurong nandito ang bruha." Nabigla  si Terrence sa ginawa ni Heidy.Pero sinakyan niya na lang din ito para hindi na ito gumawa pa ng eksena. "H-Hanna, this is Heidy," nauutal pang sabi niya. Blanko ang mukhang tumango lang si Hanna. "Bakit ba kailangan niya pang ipakilala sa akin ang bruhang 'to.At talaga palang ayos na sila.Grabe ka, Terrence, ang dali mo namang utuin.Pagkatapos ng tatlong taon, ganoon na lang ba 'yon?" "Oh, by the way Terrence, Darling, sinadya talaga kitang sundan dito dahil magpapasama sana ako sa'yo kay Doctor Talavera, pinapupunta niya kasi ako sa clinic niya," maarteng sabi ni Heidy. Tatanggi sana ang binata pero naunahan siya ni Hanna. "It's okay, Doc.Go ahead.I'll be fine." nakangiting sabi niya. Pilit kino-compose ni Hanna ang sarili.Kailangan niyang maging matalino para hindi naman siyang magmukhang tanga sa harapan ng mga ito.Kaya naman inuhan na niya si Terrence bago pa siya tuluyang ilaglag nito. Paglabas sa restaurant, galit na hinawakan sa braso ni Terrence si Heidy."What do you think you are doing? Hindi pa ba malinaw sa'yo ang lahat?Tigilan mo na ang pagsunod-sunod mo sa'kin.Wala na tayo matagal na, at imposible na ang gusto mong mangyari," anito na galit na binitiwan ang braso ni Heidy. "Terrence," sambit nito na noo'y humawak pa sa braso niya. "Ano pa bang kailangan mo ha?May asawa't anak ka na hindi ba?" kunot ang noong tanong niya. "Hiwalay na kami ni Archie,isang taon lang din halos kaming nagsama." Napangisi naman si Terrence sabay iling."Kaya bumabalik ka sa kin ngayon?Sa tingin mo ba pagkatapos nang ginawa mo, may babalikan ka pa? Ganyan ba ako ka-stupid sa tingin mo?" mariing sabi niya. "Bakit, dahil ba may Hanna ka na? Sa tingin mo ba kaya ka niyang mahalin nang higit pa sa pagmamahal ko sa'yo?" taas noo pang sabi nito. Napaawang mga labi ni Terrence sabay napailing."Pagmamahal ba ang  tawag mo dun sa ginawa mo? Si Hanna, kahit anong nangyari hindi ako iniwan.Nagawa niya ngang talikuran ang marangya niyang buhay sa Canada nang dahil sa akin eh.Ikaw ano bang nagawa mo para sa akin?Hindi ba lagi lang ako ang nagbibigay at nagsasakripisyo para sa'yo?"  "Nabubulagan ka lang Terrence.Naguguluhan ka lang.Lagi lang siyang nasa tabi mo kaya akala mo mahal mo siya.Pero ang totoo, ako pa rin ang nandiyan," anito na mariing dinutdot ang daliri sa dibdib niya. "Talagang ang laki ng tiwala  mo sa sarili mo, noh? Umaasa ka pa talaga na tatanggapin kita?Tigilan mo na ko.Tapos na tayo," mariing sabi niya atsaka pwersadong binaklas ang kamay ni Heidy na noo'y mahigpit na nakahawak sa kanya. Bigla siyang hinabol ng yakap ni Heidy at iyon ang eksenang natanaw ni Hanna. Napahawak pa sa dibdib si Hanna habang tinatanaw ang dalawa.Dumating na ang araw na kinatatakutan niya.Akala niya magiging okay lang siya.Pero nagkamali siya, dahil habang tinitingnan niya ang mga  ito, may parang kung anong matalim na bagay na tumatarak sa puso niya.Hilam sa luha ang mga mata niya  nang takbuhin niya ang pintuan palabas ng restaurant.Hindi na niya tuloy nakita kung paano pwersahang binaklas ni Terrence ang mga kamay ni Heidy sa leeg nito. Napaawang ang mga labi ni Heidy nang bigla na lang siyang talikuran ni Terrence.Hindi niya akalaing ganoon ang kalalabasan ng pag-uusap nilang iyon.Malayo ang mga 'yon sa eksenang na-imagine niya na sabik at natutuwang yayakapin siya ni Terrence nang mahigpit.Pero tila ibang tao na si Terrence.Hindi na ito 'yung Terrence na humahabol sa kanya noon. Sa pagbalik ni Terrence sa loob ng restaurant,wala na roon si Hanna.Sinubukan niya itong tawagan pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Binaybay niya ang daan na maaring daanan ni Hanna, nagbabakasakali na baka hindi pa ito nakakalayo.At laking tuwa niya nang matanaw niya itong naglalakad sa 'di kalayuan.Agad niyang itinigil ang kotse at hinabol niya ang dalaga. "Hanna, wait!" sigaw niya rito. Pero sa halip na huminto mas lalo pa nitong nilakihan ang mga hakbang. Patakbong hinabol niya ito hanggang sa mahablot niya ang isang kamay nito."Hanna, please." Napatigil naman si Hanna na noo'y umiiyak na pala.Agad naman siyang kinabig at niyakap ni Terrence."I'm sorry," punong-puno ng emosyong sambit nito. "Umuwi na tayo, please," pakiusap ng dalaga habang nakasubsob sa dibdib niya.Tumango-tango lang ang binata habang marahang hinahaplos ang likod niya. Nang makarating sila sa bahay, muling tinangkang magpaliwanag ni Terrence. "About kanina--" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang biglang magsalita si Hanna. "It's okay.You don't have to.Good night." Napatango na lang ang binata.Malinaw kasi ang nais iparating ng dalaga.Ayaw nitong pag-usapan ang nangyari. Kinabukasan maagang tumawid si Terrence. "Tatay Bert, si Hanna po?" bungad niya sa matandang noo'y nagbubukas palang ng talyer. "Naku,maagang umalis.Nagprisintang  siya na lang daw ang kukuha ng mga piyesa sa Maynila. "Nag-commute lang po ba siya, Tay?" tanong niya nang mapansin ang owner nitong nakagarahe sa loob ng bakuran. "Oo, nagbiyahe lang siya," sagot nang matanda habang patuloy lang sa kung anong kinukutkot."Ah, siya nga pala, may iniwan siya para sa'yo, saglit lang at kukuhanin ko." Tumalikod ang matanda at pumasok sa loob ng bahay.Pagbalik nito ay dala na ang lunch box na iniwan daw ni Hanna para sa kanya."Oh, ubusin mo raw 'yan," natatawang iniabot ng matanda ang lunch box sa kanya.Nakangiting inabot niya iyon  atsaka siya muling naglakad pabalik sa bahay niya. Nang makarating sa bahay ay agad niyang tinawagan si Hanna. "Oh, bakit? Napano ka? Na-miss mo agad ako?"  natatawang bungad ng dalaga.Parang kagabi lang ayaw siyang kausapin ni Hanna pero ngayon parang walang nangyari kung kausapin siya nito. "Ikaw, sumosobra ka na ha? Nadadalas na 'yang pag-alis mo nang 'di nagpapaalam  sa akin."  kunwa'y sabi niya. "Bakit naman ako magpapaalam sa'yo, jowa ba kita?" "Nasaan ka na ba?" tanong niya na di pinansin ang sinabi ng dalaga. "Eto, kakarating ko lang sa shop ni Uncle, kukuha lang ako ng piyesa, uuwi na rin  ako agad ." "Bilisan mo lang ha? Hihintayin kita.Dapat, 4:00 p.m. nandito ka na ha." "Sira ka talaga.Traffic kaya." "Ah, basta problema mo 'yan."  Pagkasabi niyang 'yon agad na siyang binabaan ng phone ni Hanna."Abah, talaga naman, at binabaan pa ako ng phone." napakagat labi pa siya na tila nanggigigil sa dalaga. Hindi siya mapakali habang naghihintay kay Hanna.Nandoon manood siya sa telebisyon,mag-exercise o kaya'y maglaro ng computer games.Pero hindi siya makapag-focus sa kahit anong gawin niya.Masyado kasi siyang nag-aalala para kay Hanna. "Bakit kasi hindi man lang niya ako sinama," aniya na noo'y biglang napatigil sa paglalaro ng computer game.Kinuha niya ang cell phone niya at muli niyang tinext ang dalaga.Sa simula'y nakikipagpalitan pa ito ng text sa kanya pero sa paglipas ng mga oras hindi na ito nagparamdam sa kanya.Kaya mas lalo pa siyang kinabahan. Mag-aalas-singko nang hapon pero hindi pa rin dumarating si Hanna.Hindi niya na rin  ito ma-kontak.Sabi nang tiyuhin nito sa Maynila agad din daw itong umalis pagkakuha ng ilang piyesa kaya ganoon na lang ang pag-aalala niya.Para siyang tuliro na naglakad pabalik-balik sa kwarto niya.Hanggang sa hindi na siya nakatiis at hinablot na niya ang susi ng kotse.Halos paliparin na niya ang kotse papuntang bus terminal. Sa Terminal doon siya matiyagang naghintay.Lumipas pa ang mga oras pero hindi pa rin dumarating si Hanna kaya ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya.Mag-aalas-diyes na ng gabi nang namataan niya ang paparating na bus.Nagmamadaling sinalubong niya ito.Kahit papaano nakahinga na siya nang maluwag nang matanaw niya sa loob si Hanna.Pero unti-unting dumilim ang mukha niya nang makita niya ang shopping bags na bitbit ng dalaga.Halos mamatay kasi siya sa pag-aalala, e nag-shopping lang naman pala ito. "Oh, ba't nandito ka? Wala naman tayong usapan na susunduin mo ko ah." bungad nito na hindi man lang pansin ang pagsama ng mukha ng mukha niya.Sa halip na sumagot ay hinablot niya lang ang mga dala nitong shopping bags atsaka siya nagpatiunang maglakad papunta sa kotse." Wait lang, may box pa akong dala." habol nito sa kanya.Lalong dumilim ang mukha ni Terrence nang bumalik sa kanya."Paano ka nakapag-shopping nang may dala kang ganyan?" "Secret," tila nang-aasar pang sabi ng dalaga.Napatiimbagang na lang ang binata. Madilim ang mukha ni Terrence habang nagmamaneho.Ni hindi niya ibig sulyapan si Hanna. "Ano'ng problema mo?" naka-pout lips pa na tanong nito sa kanya na tila walang nagawang mali. "May gana ka pa talagang magtanong diyan? Pagkatapos mo akong pakabahin ng todo.Akala mo ba madaling maghintay sa isang taong ni hindi mo alam kung napano na.Alam mo ba kung anong oras na,ha?" galit na tinapunan siya nito ng tingin at muling tumingin nang diretso sa daan. "Bakit ba nagagalit ka?Hindi ko naman sinabing hintayin mo ko, ah," lukot ang mukhang sagot ng dalaga.Napailing na lang si Terrence na noo'y pilit kinakalma ang sarili. "Galit na galit ka diyan.Hindi ko naman sinabing mag-alala ka para sa akin," bulong pa niya. Tila lalo pang nagalit si Terrence sa sinabi niya kaya sa halip na idaan siya nito sa bahay, idiniretso nito ang kotse sa bahay nito. "Bakit hindi mo ko inihinto sa bahay namin?" nakataas pa ang kilay na tanong niya. Pero sa halip na sumagot, nagmamadaling bumaba ng kotse si Terrence at umikot sa gawing kinauupuan niya.Marahas na binuksan nito ang pinto atsaka ito dumukwang sa kanya.Huli na para maiwasan niya ang mapangahas at mapagparusang halik nito.Nanlaki ang mga mata ni Hanna nang siilin siya ng halik ng binata.Tila may boltahe ng kuryenteng gumapang sa buong katawan niya. "Sa susunod huwag mo na akong pakakabahin ng ganoon, ha?" madilim ang mukhang sabi nito nang bumitiw sa kanya. Parang walang nangyaring naglakad ito papasok sa loob ng bahay at iniwan siyang tila tulala sa loob ng kotse. Ilang saglit ding natigilan si Hanna na noo'y napahawak pa sa mga labi niya.Tila wala sa sariling bumaba siya sa kotse at naglakad papalabas ng gate.Hindi na nga niya halos alam kung paano siya nakapasok sa kwarto niya.Sa pagsara niya ng pinto, dahan-dahan niyang dinama ang mga labi niya.Sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya noon. "Anong ibig sabihin noon? Bakit niya ako hinalikan?" Hindi dalawin ng antok si Terrence nang gabing iyon.Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging pagtanggap ni Hanna sa ginawa niya.Hindi na niya kasi napigilan  ang sarili.Matagal na niyang na-realize ang special na nararamdaman niya kay Hanna pero hindi niya tiyak kung parehas sila ng nararamdaman ng dalaga.Minsan kasi parang hindi niya maramdaman ang sincerity ni Hanna, lalo't magaling itong magbiro.Hindi niya tuloy masigurado ang feelings nito para sa kanya. Hindi na nagkaroon nang pagkakataong mag-usap ang dalawa pagkatapos noon.Panay kasi ang iwas ni Hanna sa kanya.Hanggang sa naging busy na  si Terrence nang mga sumunod na araw.Malapit na kasi ang taunang convention nilang mga doctor.Kaya halos nawalan na siya ng oras kausapin si Hanna.Hindi na nila napag-usapan ang tungkol doon.Sa twing tinatawagan niya naman ito ay hindi naman ito sumasagot.Maging sa mga text ay hindi rin ito sumasagot sa kanya. Hindi mapalagay si Terrence.Hindi kasi siya sanay na hindi nakikita o nakakausap man lang si Hanna.Panay ang tingin niya sa orasan na tila merong hinihintay. Pero sa maghapong iyon hindi nagpakita sa kanya si Hanna.Malakas ang kutob niyang iniiwasan siya nito. "Dok, may hinihintay pa po ba kayong patient? Last na po kasi 'yung pumasok kanina," tanong ni Lexie. Inakala ni Lexie na mayroong special appointment kay Terrence kaya hindi pa ito nagliligpit ng mga gamit.Madalas kasi agad itong nagliligpit kapag sinabihan niyang wala ng pasyente. "S-Si Hanna ba hindi nagpapa- schedule sa'yo?" tila nag-aalangan pang tanong ng binata. "Hindi po eh.Ilang linggo na nga rin pong hindi nagpaparamdam sa'kin ang isang 'yon." Malapit si Hanna kay Lexie.Halos araw-araw ay kinukulit  niya ito at pinagkukwento niya sa kung anong mga nangyayari kay Terrence.Kaya naninibago rin ito nang ilang araw siyang hindi nagparamdam. Tumango-tango lang si Terrence. Lalabas na sana si Lexie nang bigla itong may naalala."Ay, Dok, noong isang araw nga po pala pumunta siya kay Dr.Santos." "What? Bakit hindi sa akin?" napatayo pang tanong niya. "Hindi ko na po naitanong kung bakit." "Ano ang pina-check up niya?" "Sa pagkakarinig ko po nasugatan 'yung mga kamay niya.Naaksidente po yata sa talyer. "Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?" "Pasensiya na po, Dok, ayaw niya po kasing pasabi sa inyo." "Malala ba?" nag-aalalang tanong niya. "Hindi ko po alam eh.Hindi ko po kasi nakita. Agad po kasi siyang dinala sa emergency room. Mariing napapikit si Terrence sabay na napailing. "Kumusta kayang lagay niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD