"Sa wakas, natapos ko na rin," masayang sabi ni Alexander, one of the prominent business man in the world of business.
Chineck niya ang kanyang phone at sinigurado kung may mga schedule pa ba siyang meetings or appointments na dapat niyang gawin. Kung meron pa man, kailangan niya iyong tapusin within this week dahil plano niyang mag-file ng leave para sa darating na birthday ni Green, ang kanyang anak na magde-debut next month. Gusto niya mahanda ang lahat lalo na't madalas siyang wala sa bahay. He wanted to make everything perfect.
Kinuha niya mula sa dash board ng kanyang sasakyan ang mobile phone upang tawagan si Lucille na pinagkakatiwalaan niya sa bahay at sa kanyang anak.
"Hello," sabi ng babae mula sa kabilang linya.
"How is she doing?" tanong niya rito bago binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar paalis sa parking lot ng kanyang sariling kumpanya pauwi sa kanyang bahay.
"She's doing fine, sir."
"Please take good care of her. Her eighteenth birthday is coming. Any changes about her?"
"Wala po pagbabago sa kanya, sir."
"I'll be coming home a few days before her birthday. We can't afford for her to be awakened. You know what I mean. Keep an eye on her. Huwag mong hahayaang mawala siya sa paningin mo."
"Yes, sir."
Si Green ay ng nag-iisang anak nina Alexander at Maria, ang huling Eva ng angkan ng Bampira. Eve is the first and strongest female vampire ever born and the female founder of the vampire bloodline.
Sinasabing naipapasa ang pagiging Eve sa salinlahi ng mga unang anak na babae ng mga nagmana na nito. Sinasabi ring ang bawat Eve ay may nakalaan na Adan. Ibig sabihin ay ito lang ang maaring magiging asawa ng Eve upang magkaroon sila ng supling na babae na siya namang magmamana ng kapangyarihan na taglay ng isang Eve.
When Maria searched for Adam, she found Alexander, a commoner and just an average vampire used to work in a restaurant before. Maria never dreamt of being a queen so she hand picked someone who could replace her to her throne before getting married. And she chose a male distant relative named Quintin.
Makalipas ang ilang buwan pagkatapos ng sikretong kasal ay nagbuntis si Maria. So sobrang tuwa ng mag-asawa ay lumipat sila sa isang maliit ngunit disenteng bahay malayo sa maingay na lungsod.
Pareho nilang gustong isilang ang magiging anak nila sa tahimik na lugar gaya ng San Valentine. Maliit lang ang nayon na iyon at kokonti lang din ang mga nakatira. At dahil sa sanay na si Alexander sa mahirap na pamumuhay, ginawa niya ang lahat mabuhay lamang ang kanyang buntis na asawa na alam niyang sanay sa rangya.
Ngunit sadyang may mga bampiang hangad ang kakaibang kapangyarihan ng isang Eve at kabilang naroon ang kasalukuyang haring si Quintin. Pinangarap na rin pala niyang maging isang Adan at ang maging asawa Maria ay matagal na niyang plano. Hindi siya naging kuntento sa trono. Gusto niya ng kapangyarihang maaaring maibigay ng isang Eve kung sakali.
At tulad nga ng inaasahan, Quintin sent his best Elite Warriors to bring Eve back and kill Alexander in process. But Maria and Alexander refused and tried to run and hide. Buntis si Maria at ang pakikipaglaban ay isang malaking hadlang sa kanyang pagbubuntis kung kaya nagpasya ang mag-asawa na magtago hanggang sa makapanganak na siya.
The day when Maria gave birth to their daughter, was the day the Elites found them. Maria and Alexander fight them but Maria tells her husband to take their daughter away from there. Alexander refused her wife's plea but when he saw Maria's eyes, he finally gave up and ran away with his daughter wrapped safely in his arms. Alam niyang hindi magpapatalo si Maria kahit na mahina pa siya dahil sa kakapanganak niya pa lamang.
And when she knew that her family was safe at malayo na sa kinaroroonan niya, Maria finally gave up just by piercing her own heart with one of the Elite's swords.
She'll be damned kung papayag siyang maging asawa ni Quintin. She belongs to Alexander and her only Adam and she'll rather choose death than being with that king.
Pero ang hindi alam ng mag-asawa, may isa pang nilalang na matagal ng naghahangad na mapaslang ang Eve. She's been there even when one Eve died and then new Eve was born. Naghihintay lang siya ng oportunidad na makuha ang nais niyang makuha.
She emerge from the trees noong makita niyang umalis na ang mga Elites leaving Maria's death body. Nakangisi nitong hinila ang espada na nakatusok sa dibdib ni Maria at saka dinukot ang puso nito.
"Finally, I got you," nakangisi nitong sabi bago bumalik sa magubat na malapit sa San Valentine.
For Alexander, losing his wife was like a living hell for him. Palipat-lipat sila ng bahay ng kanyang anak upang maiwasan ang mapagmatyag na mga mata ng hari. Alam niyang hindi nito alam na nagkaanak sila ni Maria ngunit hindi pa rin siya maging kalmado. At hindi siya papayag na malaman nito ang tungkol kay Green.
There's no way for him to know about Green. He will seal her fate and power no matter what.
"Please seal her Eve power when she grows up my love. I don't want her to meet the same fate like me," iyon ang huling hiling sa kanya ni Maria ng pinagbubuntis pa lang niya ito.
Ang kapangyarihan ng isang Eve ay nagigising sa sandaling tumuntong ito ng limang taon. Dito ay naglalabas na ito ng kakaibang aura na tanging mga bampira lamang ang nakakaalam at nakakakilala. Kapag ito ay nangyari, alam ni Alexander na makakarating ito sa kaalaman ng mga kaaway nila. At hindi siya papayag.
It was the first time he successfully sealed Green's power when she turned five.
And when at the age of thirteen, Green's second wage of power was awakened but just like the first, Alexander sealed it once again.At ang huli ay sa eighteen birthday ni Green magaganap ang buong pagkagising ng kapangyarihan nito announcing that she's the new Eve.
Dahil sa kagustuhan ng mag-asawa na maging normal na tao lang si Green, gagawin muli.ni Alexander ang pagsi-seal kahit na alam niyang maaring ikabuwis niya ito ng buhay.
"Hello sir? Are you still there?" anang boses ni Lucille sa kabilang linya na nagpabalik kamalayan ni Alexander.
"Ah yes. Sorry," hinging paumanhin niya.
"No problem, Sir,"
"Until then Lucile. I'll be home before her birthday,"
"Yes sir."
"Green," narinig na tawag ng isang guro kay Green habang naglalakad ito sa corridor ng school building nila.
"Yes Miss Clover?" tanong nito na huminto sa paglalakad upang makausap ang guro.
"Well, I have decided what kind of report you're going to deliver in front of your classmate next week," sabi ng guro sa kanya habang nakangiti.
Nanlaki ang aking mga babae.
"Talaga po?!"
"Yes. Here it is," nakangiting sabi niya sabay abot ng isang papel na naglalaman ng magiging irereport niya.
"Everything is written down there. But don't ever tell any of your classmates about that okey?"
"Yes po!" sagot ni Green.
"Alright. I'll see you around."
"Thank you po uli, Miss Clover," sabi ni Green bago tumakbo papasok sa classroom at kinuha ang bag niya.
Nahihirapan siya sa history subject at mukhang mahirap ding kunin ang kalooban ng kanyang history teacher kung kaya ang bigyan siya ng pointer ay isa ng milagro para sa running valedictorian na estudyanteng katulad ni Green.
And she's excited.
"I'm sorry Green but you can't go," sabi sa kanya ni Lucille kinagabihan.
"But Lucille sandali lang naman ako. Kukuha lang ako ng mga pictures at history ng ire-report ko pagkatapos ay uuwi na rin naman agad ako. You have my words," sagot nito sa babae.
"Sorry but the answers still no," sagot niya na straight na straight ang mukha indikasyon ito na ayaw niyang payagan ang babae.
Bumuntong-hininga si Green.
Kanina pa naghahagilap ng impormasyon sa internet tungkol sa Robrinso Clan History si Green. Ayon sa nakasulat sa papel na ibinigay ni Miss Clover, isa ito sa pinaka-importante at prominenteng clan ng mga nagdaang panahon.
Ngunit wala siyang mahanap ni kaunting impormasyon tungkol dito. Ilang website na rin ang napuntahan niya ngunit hindi niya pa rin iyon makita. As if that clan history is protected and it's like it never existed.
Pero modern na ang panahon ngayon, should it be their history already up on the net? Nawi-weirduhan siya at dahil sa tindi ng inis niya ay naibato ng dalaga ang ballpen sa labas ng bintana.
"If I can't find anything in the internet, I guess I have to try it using this address I have," iyon ang nasa isip ni Green at gagawin niya iyon kasehodang harangan siya ng sibat ni Lucille.
She constructed a plan.
Kinabukasan ay inihanda ni Green ang dadalhin niya sa kanyang bag pack. Buo na ang loob niyang puntahan ang mansion ng hindi nalalaman ni Lucille.
Tinignan niya ito habang nagda-drive. Hindi ito umimik pero patingin tingin ito sa kanya mula rear mirror ng kotse.
She's observing her like she always does every single day.
"Your dad said he'll be here before your eighteenth birthday," sabi niya kay Green maya-maya.
Nakaramdam naman ng tuwa ang dalaga. It's been a long time ng huli niyang nakita ang kanya daddy.
"Really?" excited na tanong nito.
"Yes."
Sa tindi ng tuwa nito ay agad niyang tinawagan ang kanyang ama habang nasa daan. Matapos ang mahaba-habang usapan ay pinatay na ni Green ang mobile phonenat nakangiting tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
"Are you still going to this research of yours?" tanong ni Lucille sa kanya ng makababa na ito sa sasakyan na minamaneho nito.
"Hindi na. Nahanap ko na sa internet ang kailangan ko," pagsisinungaling ni Green sa kanya.
Hindi ito convinced. Alam ni Green iyon dahil bakas na bakas iyon sa mukha ni Lucille.
"You don't believe me, don't you?"
Umiling lamang ito sa kanya.
"I don't blame her though," sabi nin Green sa kanyang sarili. Minsan na niyang tinakasan ito noon.
"Just don't break my trust this time," sagot nito sa kanya.
"Sure I won't. I promise," pagsisinungaling ni Green.
"Of course I will again but for good reason. I'm sorry Lucille," lihim niyang sabi.
Mahalaga sa kay Green ang report na ito kaya gagawin niya ang lahat by all means. Gusto niyang makapagtapos na kasali sa top students lalo na at target niyang maging valedictorian. Pursigido siya. At hindi siya papayag na may humarang sa kanyang mga pangarap.
Not Lucille or anyone.
Uwian na.
Mabuti na lamang at nakausap niya si Violet na sasabay siya sa kanya hanggang sa Station ng Bus patungo sa address na ibinigay ni Miss Clover.
"Sure ka ba Green? Baka hanapin ka ni Lucille," sabi ni Violet na nag-aalangan.
"Sandali lang naman ako eh. At saka ite-text ko siya pagdating ko sa pupuntahan ko."
"Saan ka ba kasi pupunta?"
"May bibilhin lang ako. Birthday kasi ni Lucille ngayon kaya ibibili ko siya ng regalo bilang surprise gift," pagsisinungaling niya.
"Ay ganun ba? O sige."
Ilang minuto lamang ay nakarating na sila sa station ng bus patungo sa bayan kung saan nakatayo ang Robrinso mansion. Bumaba siya room at nagpasalamat kay Violet pagkatapos.
Sabi sa kanya ni Clover, walang nakatira roon maliban na lang sa caretaker na hindi naman stay in doon. Naipagpaalam na raw siya nito sa caretaker ng mansion at ibinigay ang security code ng pintuan nito kay Clover na ibinigay naman kay Green kahapon.
Ini-off ni Green ang phone upang hindi siya ma-contact ni Lucille kung saka-sakali.
"I'm sorry Lucile but I need to do this," sabi niya bago ibinulsa ang phone sa kanyang skirt.
Halos mag-iisang oras ang tinakbo ng bus bago nakarating ang arc ng mansyon na hinahanap niya.
"Miss dito na ang hinahanap mo," sabi sa kanya ng konduktor.
"Maraming salamat po," sagot niya rito at akmang bababa na.
Tumingin ang konduktor ng bus sa arc na hinintiuan ng bus.
"Naku neh, balita dito na may kababalaghan na nangyayari sa mansion na iyan. Mag-ingat ka ha?" biglang sabi nito sa dalaga.
"Opo at marami pong salamat kuya," sabi ni Green sa kanya bago bumaba habang mahigpit ang hawak ang strap ng kanyang backpack. Yung warning ni kuyang konduktor ay naglalaro sa kanyang isipan.
Robrinso Mansion.
Tiningala at binasa ito ni Green bago pumasok sa loob ng arc. Nagsimula na siyang maglakad papasok habang tinitignan ang mga puno sa magkabilang bahagi maluwag nadaanan na halos tinatakpan na ang bahagyang liwanag ng araw na padapit hapon na.
Tahimik ang lugar. Ni walang tunog ng insekto o ibon man lamang at tanging pagaspas ng mga sanga bunga ng hangin ang mabining tunog na nariring ni Green.
The place is creepy para kay Green. Para itong daanan sa mga horror movies na napapanood niya. Yung tipong bigla-bigla na lamang na may susulpot sa harapan mo or likuran mo na killer or ghost at bubulagta ka nag duguan or wala ng malay sa daanan or worst, her body will be butchered. But she shake that thoughts off at ipinagpatuloy niya ang paglalakad papasok sa lawn ng Mansion.
"I'm doing this for my future. All for the sake of being valedictorian," sabi niya sa sarili.
Nakuha niya naman ang number ng bus driver kanina at maaari niyang tawagan o itext upang magpasundo sa labas ng Mansion. She don't care if she pay double basta ang mahalaga makakauwi siya kapag natapos na ako rito.
Kung creepy na papasok pa lamang sa lawn ng mansion, mas lalong na-doble ang pagka-creepy ng lugar ng makita niya ang mansion. Para bang ang mismong bahay ay parang naglalabas vibes na nakakapanindig balahibo.
"Am I overthinking or is it just me trying to be brave?" sabi niya sa sarili.
The house was built in Victorian style Mansion na maaaring naitayo centuries ago or even more. It was made with black bricks and the hardwood sash windows could tell her that yes, it's a very old house indeed. That kind of windows were popular around thirteenth centuries for blue blood and royals only. The Robrinso probably one of the riches since then.
She took her camera and took some pictures at any angle.
Biglang nagliwanag ang buong mansion ng umilaw na lahat ang ilaw sa loob niyon maging sa garden lamp post sa lawn nila which showcase the amazing garden maze of roses nila in different colors. Possible kung sino man ngayon ang nagmamay-ari ng properties na ito ay isa sigurong napakayaman to maintain this classic mansion and the properties of course.
She was amazed but swonder why it wasn't sold yet kung wala naman palang nakatira na rito. Sabi sa kanya ni Miss Clover automatic ang ilaw roon kaya kapag madilim na ay kusa itong umiilaw. May secret security code ang pintuan ng mansion na ibinigay rin sa kanya in case na gusto niyang pumasok sa loob upang makapag-research pa tungkol sa mansion.
Sinulyapan niya ang kayang wrist watch.
Six in the evening.
"Pwede pa. Uuwi na lang ako pagsapit ng twelve ng hating gabi. Sabi ng mamang driver at anak nitong konduktor, twenty four hours naman daw ang byahe ng bus dito. So walang problema kung sakali," sabi ni Green sa sarili.
Lumapit siya sa pintuan at agad na pinindot ang security code nito at pagkatapos ay kusa itong nagbukas. Pumasok siya at ito rin ay kusang nagsara.
Censored siguro.
Sumalubong sa kanya ang ayos ng mansion. Carpeted ng makapal na pulang carpet ang baiyang ng hagdanan na nakaharap sa pintuan which is napaka-rare na since wala ng nagma-manufacture ng ganoong klaseng carpet. Ang floor ay naglalakihang parisukat na brick style tiles na alam niyang nasa mga thirteen's century na din na manufacture and during that time, tanging mamayaman lamang ang nakaka-afford noon.
Maayos na nakalagay ang mga naglalakihang sofa set yung tipong halos pang single bed na ang lawak, still old fashioned style sa center mismo ng malaking sala ng mansion kasama ang mga cushion sa gitna ng antique center table.
At mula sa mga walls ng sala ay makikita ang mga unang batch ng Robrinso's clan sa mga painted portrait ng mga ito na naka-display doon habang paakyat sa hagdanan.
Ang mga displays at mga antiques ay maayos na naka arrange na maaring nagkakahalaga ng minyones ngayon. Typical na iyon sa mga old mansions. Usually may mga armoured knight uniforms suits, old swords and daggers pa na naka-display sa pasilyo ng hallway ng bawat sulok ng mansyon. Hindi lang ito milyones baka nga billions pa ang mga halaga.
Ang sabi ni Miss Clover, sa araw daw ay may care taker doon na naglilinis araw-araw. So that explained kung bakit napakalinis ng mansyon.
Sinimulang kumuha ng mga pictures si Green. Walang dapat aksayahing oras. Limited lamang ang oras niya rito so she have to be quick.
Umakyat siya sa taas habang kinunkunan niya pa rin ng mga pictures ang paligid. Sinubukan niya ring pasukin ang marami nitong silid isa-isa habang naghanap ng pwede niyang makunan ng impormasyon tungkol sa mansion.
Sa huling silid ng second floor ay may natagpuan siyang libro. Pinulot niya iyon at pinasok sa kanyang backpack.
"Sa bahay ko na ito babasahin. Hindi naman siguro malalaman ni Miss Clover na may naiuwi akong souvenir sa pagpunta ko dito," wika ni Green
Umakyat siya sa third floor.
She was busy capturing pictures ng may marinig siya.
Ungol.
Huh?