Chapter 21

1521 Words
Masakit ang katawan at halos hindi mabuhat ang mga braso at paa. Iyon ang nararamdaman ni Shey pagmulat ng kanyang mga mata. Madilim pa sa labas pero naramdaman niyang kailangan na niyang magbawas ng panubigan. Pero ang katawan niya ayaw makisama sa kanya. Daig pa niya ang nabugbog ng ilang beses sa nagdaang magdamag. "Nabugbog?" Mahinang usal ni Shey tapos ay napailing na lang siya. "Hindi ako nabugbog, nagpabugbog sa sarap sa lalaking aking mahal." Halos mapatakip pa ng kumot si Shey ng maalala ang nangyari sa kanila ni Igo sa nakaraang magdamag. "I spend my first night with Igo. We make love countless times. Kung hindi ko pa sinabing pagod na pagod na talaga ako. Parang ayaw pa akong tingilan ng mahal ko." Napangiti pa siya sa kilig. "Mahal ko? Hindi ako makapaniwala. Noong nakaraan may boyfriend lang ako, tapos ngayon, nakipagmake love na ako, real quick. Ganoon ba ako kalandi?" Tanong niya sa sarili na agad ding binawi ang sinabi. "Kung malandi ako, di sana pumatol na lang ako basta makakita ako ng gwapo. Pero hindi. Hindi nga ako bumigay sa mayabang na Daniel na iyon. Kay Igo lang talaga. Sa mahal ko lang talaga." Napangiti pa siyang muli ng maalala ang pinagsaluhan nilang sandali. Nang maalala ni Shey ang dahilan kung bakit bigla siyang nagising. "Naiihi na talaga ako. Pero ang katawan ko, ayaw namang sumunod sa akin, nauna ko pa nga kilig at landi. Bago ko pa naisip ang katawan ko. Ah, ah." Reklamo ni Shey habang isip na isip kung paano babangon. Hindi lang dalawang beses may nangyari sa kanila ni Igo. Parang sinulit nila ang kabataan nila sa unang beses na may mangyari sa kanila. Masakit oo, pero nandoon ang sarap, lalo na at ang mahal niya ang kanyang kasalo. Iyon nga lang, ng makaramdam ang katawan niya ng pahinga, saka naman hindi maigalaw sa sobrang sakit na nadarama. Wala na sa tabi niya si Igo. Hindi niya malaman kung nakaalis na ito, o naghahanda para sa pagpasok sa trabaho ng hindi nagpapaalam sa kanya. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan, bago pinilit na bumangon sa kama. Kailangan na talaga niyang bumangon, at pakiramdam niya, ilang minuto na lang hindi na niya mapipigilan ang pantog niya, ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Igo. "Mahal okay ka lang?" May pag-aalala sa tono ng pagtatanong nito, pero wala naman dapat ipag-alala. Kasi sa tingin niya normal lang ang nararamdaman niya ngayon. Dahil sa ginawa nila ng nagdaang gabi. "Wag ka na munang bumangon, magpahinga ka muna." Malambing nitong wika na ikinailing ni Shey. "Naiihi ako mahal. Kaya lang sobrang sakit ng katawan ko, lalo na ang gitnang bahagi ng katawan ko. Hindi lang ako makabangon." Nahihiyang sambit ni Shey ng pangkuhin siya ni Igo na parang bagong kasal. "Sorry mahal, hindi ko lang napigilan ang nararamdaman ko kagabi para sayo. Pero hindi ko pinagsisisihan ang pag-angkin na ginawa ko sayo. Mahal na mahal kita. Kung ano man ang kalabasan ng kapusukan nating dalawa, pananagutan kita. Sorry kasi hindi pa tayo kasal, ng maganap ang nangyari sa ating dalawa. Sorry talaga mahal ko." Ani Igo ng ihilig ni Shey ang ulo niya sa dibdib nito. "Hindi naman kita sinisisi sa pag-iisa natin kagabi. Lalo na at wala kang kasalanan. Ako ang nag-insist, isa pa mahal kita. Kaya walang halong pagsisisi. Masaya akong sayo ko binigay ang aking sarili." Tugon ni Shey at naramdaman pa niya ang paghalik ni Igo sa kanyang noo. Nasa tapat na sila ng banyo ng pati si Igo ay pumasok sa loob. "Labas ka na. Kaya ko na ito." "Sige pero wag mo ng ilock ang pintuan, kukunin ko iyong tubig na pinakulo ko. Isa pa wag ka ng mahiya na makita kita na walang saplot. Nakita ko na rin iyang lahat, kaya masanay ka na." Ani Igo at hinalikan muna niya ang nobya sa labi bago iniwan si Shey. Napailing na lang si Shey sa ikinikilos ni Igo. Naging mas maalaga ito, at mas naging sweet. Nagbawas na si Shey ng panubigan ng makalabas si Igo. Halos mapaigik pa siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya sa p********e niya. Si Igo naman ay mabilis na pumasok ng banyo ng marinig ang masakit na daing ni Shey. Nag-aalala man sa nobya, pero wala naman siyang magawa dahil alam niya ang dahilan ng nararamdaman ng kasintahan. Matapos makapaligo, gamit ang maligamgam na tubig na inihanda ni Igo ay mas naging maayos na ang pakiramdam ni Shey. Oo nga at masakit pa rin ang katawan niya. Pero kaya na. Pati ang paglalakad ay kaya na niya. "Kain ka na mahal naghanda na ako ng pag-umagahan natin." Ani Igo ng matapos makapaghayin na ito. "Papasok ka ba ngayon mahal?" Tanong ni Shey na ikinatango na Igo. "Kailangan na mahal eh. Pero kung nahihirapan ka pang magkikilos, yang makikiusap ako kay manager, na bukas na lang ako papasok." "Hindi mahal, pwede bang sumama na lang ulit ako sa trabaho mo. Promise hindi ako makikigulo. Doon lang ako kung saan mo ako iiwan. Please mahal ko. Nakakainip dito sa bahay, ay pag nandoon ako, palagi pa kitang makikita." Paglalambing pa ni Shey, na hindi naman mahihindian ni Igo. "Ano pa nga ba mahal ko? May magagawa pa ba ako?" Tanong ni Igo, sabay iling ni Shey. "See. Pero mahal ko, wag kang magsuot nga sobrang sexy na damit. Pakiusap ayaw kong magkaroon ng kaaway, pag nakakita ako ng lalaking mapapatingin sayo." "Damit mo isusuot ko. Tapos magjogging pants na lang ako. Happy?" Sagot ni Shey na ikinasilay ng ngiti ni Igo. "Much better mahal ko. Kay sa doon sa maliliit na damit na napili mo. Ayaw ko din naman na nakaduster ka, habang nasa palengke. Hindi ka makakakilos ng maayos." Aniya at mabilis na nilang tinapos ang pagkain. Si Igo na rin ang nagdayag ng pinagkainan nila. Habang si Shey ay pinagpalit na ni Igo ng damit. Halos pasikat na ang araw ng dumating ng palengke sina Shey at Igo. Iniwan muna ulit siya ni Igo sa tricycle. Malapit na si Igo sa may harap ng malaking truck na siyang idedeskarga ng mga ito ng dumating sina Cy at Jose. Napatingin naman sila, sa malaking truck na punong-puno ng iba't ibang klase ng gulay at prutas. "Iyan na naman? Grabe talaga ang plantasyon na iyon. Napakalaki siguro noon." Puna ni Cy habang nakatingin sa truck na ibababa at bubuhatin papasok ng palengke ang mga gulay. Tinanguan naman siya ni Jose, na sinagot lang din niya ng tango ang binata. Naalala na naman niya ang tanong ni Jose. Hanggang ngayon, hindi pa niya naaamin kay Igo ang tunay na katauhan niya. "Good morning Shey, hindi ka nagpaiwan ngayon?" Tanong ni Cy sa kanya. "Yeah, sa totoo si Chellay lang kasi ang bumubungad sa umaga ko. Kaya naman mas okay na sumama na lang ako kay Igo." Natawa naman si Cy sa sagot ni Shey. "Mga babae talaga." Bulong nito. "Sige maiwan ka na namin. Need na naming sundan si Igo." Paalam ni Cy sa kanya. Tumango lang ulit si Jose bago sumabay ng lakad kay Cy. Halos nasa kalahati na ng laman ng truck ang naiibaba nina Igo ng lapitan siya sandali ni Igo para abutan ng isang bottled water. "Ayos ka lang dito? Hindi ka ba naiinip?" "Okay lang ako dito mahal. Salamat sa tubig. Balik ka na doon baka mapagalitan ka pa ng boss mo." Pagtataboy ni Shey kay Igo. "Pahingi lang mahal ng vitamins. Nanghihina ang pakiramdam ko eh." Ani Igo kaya naman napakunot ang noo ni Shey. "Mahal ko, wala naman akong vitamins na dala dito eh. Gusto mo ibili kita sa pharmacy? Malapit lang naman iyon eh. Dinaanan natin iyon kanina di ba? Wait lang, ako na bibili para sayo." Natatarantang wika ni Shey. Nag-aalala siya para kay Igo. "Mahal relax, okay lang ako." "Di ba sabi mo nanghihina ka. Ibibili muna kita ng vitam----." Naudlot ang sasabihin ni Shey ng mabilis siyang halikan ni Igo sa labi. Wala namang nakapansin sa kanila dahil busy ang mga taong nandoroon. "Iyon lang ang vitamins na nais ko mahal. Isa pa nga." At mabilis na nagnakaw na naman ng halik si Igo kay Shey bago tuluyang nagpaalam sa dalaga. "Pasaway na mahal ko." Mahina niyang bulong habang marahang haplusin ni Shey ang kanyang labi. "I love you Igo." Bulong niya habang nakatingin sa likuran ni Igo na papalapit ng muli sa truck. Napangiti pa si Shey, habang inaalala ang panakaw na halik ni Igo sa kanya. Hanggang sa mapakunot ang kanyang noo ng mapansin ang isang lalaking nakatingin sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi ni Shey, dahil hindi man lang inaalis ng lalaki ang tingin sa kanya? Pero ng mapansin nitong nakatingin din siya dito ay agad din itong nag-iwas ng tingin. Ipinagkibit balikat na lang niya ang tingin na iyon ng lalaki sa kanya at hinanap na lang ng kanyang mga mata si Igo. Pero bago pa niya makita si Igo ay nahuli na naman ng kanyang tingin ang lalaking nakatingin sa kanya kanina. Pero ngayon ay may hawak na itong cellphone na nakatapat sa kaliwang tainga, at may kausap sa kabilang linya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD