Halos isang oras nang nakaharap si Mae sa kanyang tokador. Nagkalat na ang mga damit sa kanyang kama sa kapipili, subalit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang napisil na susuotin. Sa tanang buhay n’ya ay ngayon lang niya nasubukang malito sa simpleng pagpili lang ng damit gayong hindi naman kasi siya maselang babae. For as long as it fits her and she feels comfortable ay wala na siyang iba pang iisipin. Inis na inihagis niya ang huling hawak na damit, off shoulder iyon, above the knee at kulay pula. Napanguso siya. Kung bakit kasi ang layo ng mga kaibigan niyang mga babae, ‘di sana ay may magbibigay man lang sana sa kan’ya ng opinyon kung alin ang mas matinong susuotin. Saktong pag-upo niya ay tumunog ang kanyang cell phone. At nang tiningnan niya ang screen ay si Miles pal