Humihingal na ibinagsak ni Jacob ang pawisang katawan sa tabi ni Mae. Ilang sandali silang ganoon, walang kibuan at parehong habol ang paghinga. Ang malakas at mabilis na paghinga lamang nilang dalawa ang tanging naririnig sa buong kubo. Agad na binalot ni Mae ang katawan sa nakapang kumot sa kanyang ulunan, kagyat siyang nakaramdam ng ginaw sa biglaang pag-ihip ng malamig na hangin. Nais pa sana niyang isuot muli ang damit na hindi niya alam kung saang sulok binalibag ni Jacob, subalit nangibabaw sa kan’ya ang pagod. Pinakiramdaman niya ang katabi. Unti-unti nang kumalma ang paghinga nito pero hindi pa rin ito gumagalaw o nagsalita man lang. Napaisip tuloy siya kung ano na ang tumatakbo sa utak nito ngayon. Unti-unting hinila siya ng antok. Pero bago pa man siya tuluyang napapikit ay b