“Magtatagal ba tayo rito, Jacob? I-I mean may trabaho pa kasi tayo bukas. Hindi rin kasi sanay ang katawan kong pumasok sa opisina nang puyat,” she explained. Baka kasi masabi nitong KJ siya dahil sa kanyang tanong. Ayaw rin naman n’yang isipin nito na nais niyang putulin ang namumuong enjoyment ngayong gabi. “Hmm.” Tumango ito habang umiinom ng tubig. “If that’s the case, ihahatid na lang kita ngayon sa silid ko para maaga kang makapagpahinga.” “Okay. Gisingin mo na lang ako mamaya kung uuwi na tayo,” sang-ayon niya sa suhestiyon nito. Mas mabuti na iyon kaysa magmukha siyang tanga na mag-isang naglilibot at nagpapapanis ng laway. Pansin niya kasing simula nang dumating sila ay halos si Jacob ang nag-i-entertain ng mga bisita. Minsan naman ay kasama nito ang ama na kinakausap ang